AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 02. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.
CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains depictions of and references to trauma, stalking, sexual harassment, and strong language that may be upsetting for some readers. Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.
LORELEI
IN THE next few days, hindi ko na kinausap si Loki. Kahit magkasalubong kami sa living room o kitchen, I paid him no attention. Parang hindi siya nag-e-exist sa paningin ko. Parang hindi rin ako nag-e-exist sa paningin niya. Hindi rin kasi niya ako pinapansin. Therefore, I concluded that the feeling was mutual.
Masama pa rin ang loob ko sa kanya. May mga bagay akong gustong makalimutan, pero dahil sa pinagsasabi niya at pagyayabang kung gaano siya kagaling mag-deduce, muntik ko nang maalala ulit. That night, naisip ko ngang isumbong siya kay Tita Martha. Pero na-realize ko na medyo childish yata 'yon. Ayaw ko ring madamay si Tita sa aking issue. Matanda na ako—malapit na akong mag-eighteen—kaya ako mismo dapat ang mag-handle ng sarili kong problema.
Hindi ako makapanood ng TV at makatambay sa couch dahil kay Loki kaya naisipan kong magkulong sa aking kuwarto at gumawa ng blog. Ipo-post ko roon ang new experiences ko sa Pampanga. Kasama na ang unang conversation namin ni Loki kung saan nabuwisit ako sa kanya.
Nitong Monday, first day of classes na sa Clark High. I confirmed from Tita Martha na doon din nag-aaral ang roommate ko. Ang ibig sabihin, may chance na magkasabay kaming pumasok at umuwi. Great. Paggising ko nitong umaga, wala na siya sa apartment at mukhang nauna na sa akin. Mabuti nga. Baka ano pang tsismis ang kumalat kapag may nakaalam na sa parehong unit kami nakatira.
There was nothing remarkable sa first week sa bago kong pinapasukan na high school. Bilang transferee, I was greeted with welcoming smiles and friendly gestures. Agad nilang pinaramdam sa akin na talagang belong ako sa HUMSS 11-A Class. Parang nakababatang kapatid ang treatment nila sa gaya ko. May iilang gustong makipagkaibigan. But I tried to distance myself from them. Maliban sa hindi ako gano'n ka-sociable, ayaw kong basta-basta magtiwala sa kahit sinong nagpapakilala sa akin.
Kapag lunchtime, mag-isa akong kumakain sa cafeteria. I chose to savor every spoonful of my sumptuous meal in my mouth alone. 'Tapos bigla akong lalapitan ng classmates ko at itatanong kung bakit hindi ako sumasabay sa kanila. Nginitian ko sila sabay sagot na "Medyo naninibago pa kasi ako e."
I got some trust issues when it came to friends. Dala na ito ng experience ko sa dati kong school. Kapag nakikita ko ang aking classmates na gustong makipagkaibigan sa akin, hindi ko naiwasang maitanong sa sarili ko: Sino kaya ang mga magiging tunay kong kaibigan sa kanila at sino ang makikipagplastikan sa akin?
BINABASA MO ANG
Project LOKI ①
Mystery / ThrillerJoin Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their adventures. Looking for VOLUME 2? Read it here: https://www.wattpad.com/story/220978938-project-loki...