Chapter 20: Napoleon of Crime (The Confrontation)

729K 27.5K 32.1K
                                    

AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 20-Part 3. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.

CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains graphic depiction of violence that may be upsetting for some readers. Please be mindful of this sensitive theme and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.

SPOILER WARNING: Beware of in-line comments that give away some spoilers. Some re-readers tend to give hints or outright spoil the revelation.

 Some re-readers tend to give hints or outright spoil the revelation

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LORELEI

IMPOSSIBLE! THAT Math prodigy was a victim of Moriarty. How could he be Moriarty? No matter where I looked at it, him introducing himself as the mastermind was not making any sense!

Pareho kaming natulala ni Loki sa kanya. Tumindig ang mga balahibo ko nang nakita ang ngiti ng lalaking 'yon. Hindi ko masabi kung dahil ba sa pagpapakilala niyang siya si Moriarty o talagang may itinatagong pagka-creepy si Stein.

With phones on their ears, the two guys were locked in a staring contest. Loki probably did not see this coming kaya hanggang ngayo'y tulala pa rin siya. He must be connecting the dots that he did not know existed.

Ibinaba na ni Stein ang phone niya at lumapit sa mesa namin dala-dala ang kanyang drink. Bawat hakbang niya'y nagpabilis sa tibok ng puso ko. Hindi ko na alam kung dahil sa takot o sa palpitation dulot ng latte. Napalunok pa nga ako ng laway nang magkasalubong ang tingin namin.

"Do you mind if you share your table with me? It's kinda lonely over there." Umupo na siyang nang hindi hinihintay ang permission namin. He leaned his back against his chair and crossed his legs as if he was a king settling on his golden throne. Palipat-lipat sa amin ang tingin niya. "Are you too stunned to speak?"

Sumulyap ako kay Loki na tulala pa rin at nakaupo na parang estatwa sa tabi ko. He was wrong all along. Was the shock too much for him that it rendered him speechless?

Pasimple kong ipinasok ang aking kamay sa bulsa ng palda ko. Palihim kong inihanda ang stun pen. Sakaling magkagulo rito, ready akong patulugin ang kaharap namin.

"The first time we met, the venue was so dark and scary. Not conducive for conversation, eh?" sabi ni Stein. Tandang-tanda ko pa no'ng natagpuan namin siyang nanghihina sa loob ng locker. Dapat yata't iniwan naming siya roon. "Now, we're in a relaxed environment. We can talk for minutes or hours. No one's gonna stop us."

"How did you know we're here?" Sa wakas, nagsalita at gumalaw na si Loki! Ibinulsa niya ang kanyang phone at nag-maintain ng eye contact sa kausap.

"How did you know we're here?" Sa wakas, nagsalita at gumalaw na si Loki! Ibinulsa niya ang kanyang phone at nag-maintain ng eye contact sa kausap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Project LOKI ①Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon