AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 18. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.
CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains references to kidnapping that may be upsetting for some readers. Please be mindful of this sensitive theme and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.
LORELEI
MAY ARTISTA bang pumasok sa clubroom namin? O baka naging crime scene na ang lugar na lagi kong tinatambayan tuwing break time? Ang dami kasing estudyante na nakalupong sa labas ng QED clubroom, karamihan sa kanila'y mga lalaki. Nagtutulakan at naghihilaan pa sila para masilip kung sino o ano ang nasa loob.
Dahil walang nakakordon na barricade tape sa labas, malabong may naganap na krimen doon para makakuha ng ganitong atensyon. Baka interested applicants sila sa club namin? Posible, pero parang malabo rin. Hindi naman aabot sa ilang dosena ang magkakainteres na sumali sa amin. Isa lang ang naisip kong most likely explanation kung bakit dagsa ang mga estudyante rito: si Jamie Santiago.
"Excuse me? Puwedeng makiraan?" Kinailangan ko pang lakasan ang aking boses dahil parang mga bubuyog sila na nagbubulungan. Mabuti't hindi ko na kinailangang sumigaw pa. Agad silang nagbigay-daan sa akin at muling nagbulungan.
Binuksan ko ang pinto ng clubroom at sinadyang ibagsak ang pagsara nito para magulat ang mga tambay sa labas. Pinindot ko rin ang lock sa doorknob para hindi na sila makasilip sa loob. Tumahimik na rin sa paligid.
"Having a bad day, eh?" bati sa akin ni Loki, nakaupo sa kanyang favorite spot. Nakapatong ang mga siko niya sa mesa at magkadikit ang dulo ng mga daliri, tila malalim ang iniisip.
"Hi, Lorelei! Kumusta ang morning period n'yo?" To my surprise, Jamie greeted me with a bright smile. May kasama pa 'yong pagkaway. Wow. Noong isang araw, parang nasaniban siya ng masamang espiritu at sinabihan ako ng kung ano-anong hindi ko in-expect na masasabi niya. Ngayon, bumalik na siya sa pagiging friendly sa akin. Alin kaya sa dalawang side na ipinakita niya sa akin noong isang araw ang totoong Jamie Santiago?
Sa mga nagtataka kung bakit nandito siya at sa mga nakalimot na, Jamie is now a member of the QED Club. Iniwan niya ang Repertory Club at napagdesisyunang sumali sa amin. Hanggang ngayo'y hindi ko pa maintindihan kung bakit mas pipiliin niyang iwanan ang entabladong nagpasikat sa kanya at sumama sa mga tulad naming nakaie-engkuwentro ng msyteries dito sa campus. Kapag nalaman niya ang tungkol sa banta ni Moriarty, magbabago kaya ang isip niya?
Umupo ako sa tabi ni Jamie at inilagay ang aking bag sa mesa. She got the braided hair that reminded Loki of his dear friend Rhea. Magkaharap silang dalawa ngayon na parang nakikipag-staring contest sa isa't isa. Nakatitig ang mga tila nagniningning na mata ni Jamie sa kanyang kaharap. Pero itong si Loki, hindi magawang direktang tumingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Project LOKI ①
Mystery / ThrillerJoin Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their adventures. Looking for VOLUME 2? Read it here: https://www.wattpad.com/story/220978938-project-loki...