Chapter 14: Melody of Menace

981K 30.7K 29.6K
                                    

AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 14. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.

CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains references to death and poison that may be upsetting for some readers. Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.

 Remember to practice self-care before, during and after reading

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LORELEI

"HEY, WAKE up, sleepyhead."

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at iniangat ang ulo mula sa pagkakahiga. Pinunasan ko rin ang aking mga labi. Loki's pale face greeted me. He wore a white hospital gown. Hawak niya ang isang phone na nakatutok sa mukha ko. Paulit-ulit siyang nag-tap sa screen n'on. Did he take a picture of me while I was asleep?

Teka . . . Gising na siya? Talaga?!

"Loki!" I jumped from my seat and hugged him as tight as I could. Thank good that he was still alive! Back in the clubroom, I thought he was already a goner after drinking that tea.

"Geez . . . What's with the overreaction?" walang gana niyang tugon. Mahina pa ang boses niya. Naramdaman kong medyo nailang siya sa pagkakayakap ko. "I-I can't breathe. Can you please get your arms off me already? You might accidentally kill me."

Humiwalay na ako sa kanya, at nakahinga na siya nang maluwag. Halos naiyak ako sa sobrang pasasalamat. Magmula nang dinala siya rito, paulit-ulit akong nanalangin na sana'y maging mabuti ang kalagayan niya. Mabuti't narinig ng langit ang pagsusumamo ko at hinayaan pa siyang mabuhay. If I had to, I would pray the rosary ten times.

I would not usually feel this way when it came to guys, but Loki was a different case. Kahit mag-dadalawang buwan pa lang kaming magkakilala, I had grown to care for him. A bit. After all, he saved my life twice—once during the fake abduction arranged by his brother and the attempt on my life by one of Moriarty's minions.

Umupo ako sa bedside niya. Nahihirapan pa rin siyang gumalaw. Napangingiwi siya tuwing itinataas niya ang kanyang mga kamay. Napahahawak din siya sa kanyang ulo. Ang sabi ng doktor na tumingin sa kanya, natanggal na ang traces ng belladonna sa katawan niya, pero may after-effects pa rin nito. Kailangan niya ngayong magpahinga nang ilang araw.

"How did I get here?" Dahan-dahan niyang inikot ang kanyang ulo habang nakahawak sa batok ang isa niyang kamay. "Did you carry me on your back from school all the way here?"

"When you lost consciousness earlier, humingi ako ng tulong sa mga taong nasa labas," kuwento ko. Ilang minutes din bago ako nagkalakas na tumayo kanina. "Mabuti't napadaan si Sir Morayta malapit sa clubroom kaya natulungan niya akong buhatin ka. Mabilis ka niyang ipinasok sa kotse niya at dinala rito sa ospital."

"Sir Morayta . . . ?" Naningkit ang kanyang mga mata, nakalimutan na niya kung sino ang taong nabanggit ko. Heto na naman ba ang sakit niya? O baka epekto ito ng belladonna kaya medyo lutang pa siya?

Project LOKI ①Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon