Chapter 15: Hidden in Plain Sight

959K 30.4K 13.8K
                                    

AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 15. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.

CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains references to death, self-harm and suicide, and poison that may be upsetting for some readers. Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.

 Remember to practice self-care before, during and after reading

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LORELEI

HINDI PA alam ni Loki ang tungkol sa taong nasa ospital na nag-dial sa number na may kaparehong keypad tone sa taong tinawagan noon ni John Bautista. Maging ang connection ng children song na Mary Had A Little Lamb pati ang lalaking tila sumusunod sa akin, hindi niya rin alam.

Why did I withhold the information? I did not want him to be worried about it. Gusto kong tuluyan muna siyang makapagpahinga at mabawi ang lakas niya. Mismong ang doktor na ang nagsabi na hindi muna siya dapat magpagod. If I did tell him, he would no doubt jump out of his bed and try to chase whoever that mystery guy was or what numbers could create that keypad tune. Sasabihin ko rin sa kanya, pero hindi pa ngayon. Sa tamang panahon.

D-in-ischarge na siya mula sa ospital nitong Sunday. Walang na-observe na kakaiba sa kanya kaya pwede na raw siyang umuwi. When Monday came, Tita Martha locked our unit from the outside using chains and padlock para hindi makalabas si Loki. Kahit wala pa siya sa kanyang one hundred percent, gusto na niyang bumalik sa school—hindi para mag-aral, pero para ipagpatuloy ang business ng QED Club. Malas niya dahil walang bintana sa unit namin kung saan magkakasya at makalulusot ang kanyang katawan. Kahit may master's o doctor's degree pa siya sa lock picking, wala siyang nagawa laban sa mahiwagang kadena ni Tita.

I went to school alone, walking across the busy streets and accidentally bumping into other pedestrians. Hindi kagaya dati na wala akong pakialam sa paligid, ngayo'y parati akong lumilingon sa likod, pati na sa kaliwa't kanan para makita kung may nakabuntot sa akin. I had become aware of my shadow since I saw him up close last Friday, so spotting him from a distance would no longer be difficult.

Pagdating sa classroom, nakangiti akong binati ni Rosetta. Kaagad niya akong tinanong tungkol sa insidente noong Biyernes. Kasing-bilis yata ng pagkalat ng apoy ang pagkalat ng balita sa nangyari sa QED clubroom. Kasalanan ko rin kasi nagsisigaw ako ng tulong kaya naka-attract ako ng unwanted attention mula sa mga estudyanteng nasa labas.

"Kumusta na si Loki? Okay na ba siya?" nababahalang tanong ni Rosetta. Kahit na ipinahiya siya ng kasama ko noong isang araw, mukhang balewala na sa kanya 'yon. Ang ibang tao siguro, malamang sinabing na-karma si Loki dahil sa rude na ugali nito. "Paano na ang club n'yo niyan?"

"Huwag kang mag-alala sa kanya," sagot ko matapos ipatong ang shoulder bag sa upuan. "Maayos na ang pakiramdam niya, pero kailangan pa niyang magpahinga nang kaunti para bumalik sa dati ang energy niya. In the meantime, I'll be taking care of the club in his absence."

Project LOKI ①Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon