AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 06. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.
CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains references to trauma that may be upsetting for some readers. Please be mindful of this sensitive theme and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.
LORELEI
BILANG BAGONG appointed na chronicler ng QED Club, sinimulan ko na agad ang trabaho ko. Kaninang hapon, isinulat at i-p-in-ost ko na ang first official case namin. Gumawa ako ng bagong blog na dedicated sa exploits namin sa club para mai-separate sa personal blog ko. I did not want anyone reading my online journal where I recorded my experiences and my struggles.
Just an hour after kong i-publish online, may mga nag-view, nag-like at nag-comment na sa post. Ewan kung saan nanggaling ang readers na biglang sumulpot. Hindi ko pa kasi pino-promote sa social media. Nagustuhan nila ang writing style ko at na-amaze sila kung paano namin na-identify ang murderer.
I did exactly what Loki told me to do: Make a buzz about our club and let people know that we existed. Iilan pa lang ang nakababasa, pero na-appreciate ko ang kanilang support. Hindi ko inasahang makararamdam ako ng ganito. Parang gusto ko nang sundan ang nauna kong post.
The more I blogged about our cases, the more readers and clients we would probably get.
Gusto kong i-share ang balita kay Loki kaya lumabas ako ng kuwarto, dala-dala ang aking laptop.
"Hey, gusto mo bang mabasa ang mga comment—" My mouth froze halfway when I noticed his strange posture.
Kaninang pasado four o'clock, nadatnan ko siyang nakapuwesto sa parehong spot, nakakrus ang mga braso, nakadekwatro ang mga binti at seryosong nakatitig sa dartboard kung saan nakatusok ang sticky note na may nakasulat na letrang "M." Pinalitan na niya 'yong retrato ng kawawang lalaki na butas-butas na ang mukha.
Dalawang oras na yata mula nang nakita ko siyang nakagano'n. Hanggang ngayo'y hindi pa rin siya gumagalaw. Nakipagtitigan ba siya kay Medusa kaya nanigas ang katawan niya o sadyang malakas ang impact ng huling salita ni Genesis sa kanya?
I wanted to ask him who or what "Mori" or "Moriya." Hindi ako nakatiyempo kasi parang nawala siya sa kanyang sarili magmula nang ma-solve namin ang case. Napaka-weird na makita siya sa gano'ng kondisyon. Parang lutang siya.
"O, napa'no 'yang kasama mo?" tanong ni Tita Martha nang bumisita siya sa unit namin. Tuwing six o'clock ng gabi, pinupuntahan niya kami para bigyan ng iniluto niyang ulam. Pinapasobra niya talaga para sa amin. Ipinatong niya ang mangkok sa maliit na mesa bago tumabi sa akin.
"Kanina pa po siya ganyan," sagot ko habang nakatitig pa rin sa walang kibo kong roommate.
Napahawak ang mga kamay niya sa baywang at saka lumingon sa akin. "Binasted mo ba si Loki kaya natulala siya? Matagal na rin no'ng huli ko siyang nakitang parang wala sa sarili."
BINABASA MO ANG
Project LOKI ①
Mystery / ThrillerJoin Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their adventures. Looking for VOLUME 2? Read it here: https://www.wattpad.com/story/220978938-project-loki...