Chapter 10: Madonna, Michelle, Mylene, Moriya (Part 2)

197K 10.4K 4.3K
                                    

AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 10-Part 2. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.

CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains depictions of and references to death, kidnapping, trauma, and graphic violence that may be upsetting for some readers. Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.

 Remember to practice self-care before, during and after reading

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LORELEI

MADILIM. MASIKIP. Masangsang ang amoy. Nahirapan din akong makahinga.

Nakamulat ang mga mata ko, pero walang akong nakita kundi dilim. Sinubukan kong igalaw ang mga kamay at paa ko, pero may lubid na nakatali. Sinubukan ko ring sumigaw, pero nakatapal sa bibig ko ang malagkit na tape.

Tumingala ako nang may pumasok na liwanag mula sa taas. Doon ko napagtantong nasa loob ako ng isang malaking drum. Nakatitig si John sa akin, may kakaiba at nakapangingilabot na tuwa sa mga mata niya.

"Sa wakas, gising ka na. Naging maganda ba ang panaginip mo?"

"Ugh!" Wala akong nagawa kundi umungol at ipakita ang nagkasalubong kong kilay. Sinubukan kong itumba ang drum gamit ang bigat ko sa isang side, pero hindi ito gumalaw.

Alam ko na ang sagot sa mga tanong ni Loki—kung bakit hindi nakasigaw ang tatlong biktima nang may pumasok na kahina-hinalang tao sa room nila at kung paano nailipat ang mga katawan mula sa pinagkuhanan papunta sa kung saan man dinala.

Who would suspect a housekeeper whose duty was to keep every room and hallway clean? Malamang ganito rin ang ginawa niya sa mga nauna niyang biktima: Nagpanggap siyang housekeeper para makapasok, pinatulog niya gamit ang panyo at inilagay sa malaking drum na nakapatong sa trolley.

Dahil nakasuot ng uniform na pang-housekeeper si John, walang maghihinala na estudyante siya maliban kung makilala ang kanyang itsura. Sa tangkad ba naman niya at sa pagka-mature ng mukha niya, aakalain ng iba na hindi na teen ang kanyang edad.

But now was not the time to praise him. My life was in danger.

Gusto kong itanong kung siya ba si M, ang taong ilang buwan nang hina-hunting ni Loki. Pero dahil sa tape na nakatapal sa aking bibig, hindi ko magawa. I felt voiceless and helpless. Kainis!

"Huwag mo akong sisihin, Lorelei. Sisihin mo ang kasama mong detective na mahilig makialam sa business ng iba." Ngayon ko na-realize na nakapangingilabot pala ang boses niya. "Hindi ko inakalang makikialam na naman siya matapos ang nangyari sa kaibigan niya. Ang tigas talaga ng kanyang ulo. Hindi na natuto."

Posible nga kayang ang lalaking ito ay si M? Kung makapagsalita siya, parang matagal na silang magkakilala ni Loki.

Inilabas ni John ang kanyang phone at may i-d-in-ial na number. Naka-on yata ang keypad tone niya. Paano ko nasabi? Sa bawat pag-tap niya sa screen, lumikha 'yon ng tunog na kapag pinagsama-sama'y parang tune ng isang familiar na children song.

Project LOKI ①Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon