AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 17. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.
CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains depictions of and references to death that may be upsetting for some readers. Please be mindful of this sensitive theme and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.
LORELEI
Knock! Knock! Knock!
HALOS MAPUDPOD na ang knuckles ko sa kakakatok sa pinto ng bedroom ni Loki. Ilang minuto na akong nakatayo at tumatawag sa pangalan niya, pero hindi pa rin siya sumasagot. Tulog pa ba siya? Napaka-unpredictable kasi ng sleeping pattern niya. Minsan, sobrang late niyang nagigising. Minsan, sobrang aga naman na parang hindi man siya natulog.
"Loki? Loki?" Bahagya kong tinaasan ang aking boses.
Sa lahat ng araw na pwede siyang matulog nang mahimbing, bakit ngayon pa kung kailan kailangan ko siya?
"Loki? Loki?" Nilakasan ko na rin ang mga katok.
Katok sabay sigaw na ang combination na ginamit ko para gisingin siya. Kung sakaling nananaginip siya, sana'y umabot doon ang ingay ko. Ilang minuto ko ring ginawa 'yon bago ko narinig ang pag-click at pag-unlock ng pinto.
Binati niya ako ng isang hikab habang nakatakip ang bibig. Half-closed pa ang mga mata niya, mas umitim at lumalim ang kanyang eyebags. "Is there an alien invasion outside or is today the judgment day? Why are you waking me up on a Saturday?"
"Loki," tawag ko sa pangalan niya sabay hawak sa magkabila niyang balikat. Tiningnan ko siya sa mata. "I need your help."
Bumaling sa ibang direksyon ang ulo niya at muli siyang napahikab. "Our club doesn't usually accept requests on weekends. Given what happened the past few weeks, I wanna rest today. Tell me your problem on Monday."
Ngayon pa lang yata ang unang beses na sinabi niyang gusto niyang magpahinga. Ever since I met him, inakala ko na isa siyang robot na walang nararamdamang emosyon at hindi nakararamdam ng pagod. Pero mali pala ako. Tao rin siya gaya ko. But sometimes, there were moments where he showed that he was not like the rest of us.
Kahit gusto ko siyang magpahinga, kailangan ko siya ngayong araw. Hindi ko puwedeng tanggapin ang excuse niya.
"This is a personal request, so please hear me out," parang nagmamakaawa na ang boses ko. Wala na akong ibang matakbuhan kundi siya. If only I had a choice, hindi ko na sana ginambala ang pagtulog niya. Desperado na akong masolusyunan ang problemang bumungad sa akin ngayong umaga. If I needed to kneel to get a yes from him, I might consider doing it. Gano'n ako ka-desperado.
"Okay, I'm listening," sabi niya habang kinukusot ang mga inaantok na mata. "But this isn't a guarantee that I'll automatically help you out. I wanna hear your request first."
BINABASA MO ANG
Project LOKI ①
Mystery / ThrillerJoin Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their adventures. Looking for VOLUME 2? Read it here: https://www.wattpad.com/story/220978938-project-loki...