AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 03. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.
CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains depictions of and references to self-harm and suicide, and strong language that may be upsetting for some readers. Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.
LORELEI
"Lorelei? Na-miss mo ba kami?"
"Sa tingin mo ba'y makatatakas ka sa amin?"
"Kahit saan ka magpunta, susunod kami sa 'yo."
NAPABALIKWAS AKO sa kama, daig ko pa ang tumakbo ng ilang kilometro sa paulit-ulit at malalalim kong paghingal. Tumagaktak din ang malalamig na pawis sa buong katawan ko na parang muntik na akong malunod sa isang malalim na swimming pool sa kalagitnaan ng gabi.
Those voices again . . . It had been a while since I got some nightmares.
My hand wiped the beads of sweat on my forehead. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Because of what happened yesterday, muling na-trigger ang alaalang gusto ko nang kalimutan. Salamat sa magaling na si Loki, mukhang babangungutin ako nang ilang araw.
I searched for my phone on my bedside and checked the time. It's five-thirty already. Pwede pa akong umidlip kahit thirty minutes. Pero baka mapasobra ang idlip ko. At saka, oras na para maghanda sa pagpasok sa school. I would rather be early than late. Matapos kong ayusin ang aking kama, bumangon na ako at lumabas ng kuwarto.
Hindi pa man sumisikat ang araw, nasira na ang araw ko. Bakit? Ang unang taong nakita ko ay walang iba kundi si Loki. Nakaupo siya sa couch at nagta-type sa kanyang laptop. Himala na nadatnan ko siya rito sa living room. Sa ganitong oras kasi, tulog pa ako habang siya nama'y nagpe-prepare na para pumasok.
Our eyes briefly met. Hindi na namumula ang pisngi niya at halos hindi na rin halata ang bakas ng kamay ko roon. Agad akong umiwas ng tingin. Napunta sa mug na nasa mesa ang atensyon ko. I could not stand looking at him for another second. I did not want to look at him at all.
Pumunta ako sa kitchen para magtimpla ng hot chocolate. Narinig kong isinara niya ang kanyang laptop. Napansin ko rin sa aking peripheral vision na patungo siya sa direksyon ko. Hindi ko alam kung sinasadya niya, pero he maintained one-meter distance from me. Sinadya ko siyang hindi pansinin. Ayaw ko na lalong masira pa ang araw ko. Pero nagtaka ako kung ano ang nakain ng lalaking ito at bakit parang gusto niyang makipag-usap sa akin?
With a hot mug held by both of my hands, I turned around and walked back to the living room. Dinaanan ko siya sa tabi at nagkunwaring hindi ko siya nakita. Hindi pa man ako nakalalayo, narinig ko siyang nagsalita.
BINABASA MO ANG
Project LOKI ①
Mystery / ThrillerJoin Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their adventures. Looking for VOLUME 2? Read it here: https://www.wattpad.com/story/220978938-project-loki...