AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 20-Part 2. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.
CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains references to kidnapping that may be upsetting for some readers. Please be mindful of this sensitive theme and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.
SPOILER WARNING: Beware of in-line comments that give away some spoilers. Some re-readers tend to give hints or outright spoil the revelation.
LORELEI
NANGHINA ANG mga tuhod ko at napaupo ako sa monobloc chair, natulala sa blangkong pader sa harapan ko. Jamie becoming Moriarty's target should have been expected. Kaakibat na ng pagsali sa QED Club ang paglalagay sa sarili namin sa panganib. Minsan na akong nalagay sa gano'ng sitwasyon.
Kahit na may hindi kami pagkakasundo ng babaeng 'yon, nangamba pa rin ako para sa safety niya. Noong ngang dinukot ako ni John Bautista, muntikan na niyang tunawin ang katawan ko. Kung nagawa 'yon ng tauhan ni Moriarty sa akin, magagawa rin 'yon sa tulad ni Jamie.
Loki paced back and forth in the clubroom, his arms crossed. May pangamba na rin sa mukha niya. We did not expect that his arch-enemy would make a move. Did Officer Montreal suspect that something was off when Jamie borrowed his phone yesterday?
Wala na kaming oras na dapat sayangin. Jamie's safety should be our top priority right now.
"She's still alive," bulalas ni Loki. Ramdam ko ang takot at pag-aalala sa boses niya. "She's definitely still alive. The question is, until when? Moriarty's giving us a chance to find her location until he gets bored. Unfortunately, we still have no idea how to crack this code."
"Imbes na tumayo ka riyan, bakit hindi ka umupo't muling harapin 'to?" tanong ko. Walang magagawa kung maglalakad-lakad siya hanggang mamaya. The code would not crack itself. "Kailangan nating magtulungan para mailigtas agad si Jamie."
He put his fingers near his mouth and began biting his nails. "After hearing that news, I can't give my full attention to that sequence of numbers. Darn it! I hate this feeling."
Moriarty said that he did not have any intention of harming Loki, but he surely knew some methods on how to torture him. Sa nakalipas na kalahating oras, palala nang palala ang frustration niya. Baka ganito rin ang kanyang naramdaman noong ako ang t-in-arget ng tauhan ni Moriarty.
He might be harsh and insensitive in most occasions, but he got a soft heart deep inside that cared for others. Alam ko 'yon dahil na-witness ko mismo kung paano siya mag-alala sa akin. Baka iniisip din niyang konsensya niya kapag may nangyaring masama kay Jamie.
"I need to clear my head." Binuksan niya ang pinto at lumingon sa akin. "Come with me. Let's pay my big brother a visit."
Tumayo ako at sumunod sa kanya. Naging mabibilis at malalaki ang mga hakbang niya. Sabay kaming bumaba ng hagdanan patungong ground floor, lumiko sa west wing, at dumeretso sa pinakadulo ng hallway. May ilang estudyante siyang nakabangga at natapakan ng sapatos, pero hindi siya nag-abalang humingi ng paumanhin.
BINABASA MO ANG
Project LOKI ①
Mystery / ThrillerJoin Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their adventures. Looking for VOLUME 2? Read it here: https://www.wattpad.com/story/220978938-project-loki...