Chapter 13: Moriar-Tea Party (Part 1)

914K 29K 11.3K
                                    

AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 13-I. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.

CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains depictions of and references to death, self-harm and suicide, and gore that may be upsetting for some readers. Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.

 Remember to practice self-care before, during and after reading

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LORELEI

JULY 14 was just an ordinary day for me in the past few years. But today gave it some sort of significance.

Maaga akong nagising para tapusin ang assignment ko sa Oral Communication subject. Maaga ring nagising si Loki at lumabas na naka-itim at nakapang-alis. That was strange. Lagi kasing pantulog ang suot niya naaabutan ko siyang gising. I jokingly asked kung saan ang lakad niya. He answered na pupunta raw siya sa Pax et Lumen Memorial Park. Akala ko'y nagbibiro siya noong una—lagi kasi siyang sarcastic—pero seryoso ang kanyang mukha at tono.

"Today is Rhea's supposedly seventeenth birthday, I want to pay her a visit," sabi niya.

Then he asked me kung gusto kong sumama. Saktong natapos ko na ang aking assignment at wala na akong gagawin kundi maghintay, so I said yes. Agad akong nagbihis na kapareho ng kulay ng suot niyang damit. Nang ready na kaming pareho, sabay kaming umalis ng apartment.

We arrived at the memorial park at around six o'clock. Tahimik. Tanging ang nakaaaliw na huni ng mga ibon ang maririnig dito. Sinabayan pa ng mayamaya'y malalakas na bugso ng hangin at ang pagsayaw ng mga sanga ng puno. May dala-dalang isang basket ng white flowers si Loki. Ilang nitso rin ang aming nadaanan bago kami nakarating sa bandang dulo ng sementeryo kung nasaan ang puntod ng kaibigan niya.

RHIANNON DE LOS REYES
Born: July 14, 2000
Died: January 14, 2017

Mukhang may nauna nang nagpahatid ng pagbati kay Rhea base sa basket ng bulaklak na nadatnan namin doon. Itinabi ni Loki ang dala niya roon. Ipinikit niya ang mga mata, iniyuko ang ulo at tumahimik nang ilang minuto. He must be praying.

Hindi ko naiwasang itanong minsan sa sarili ko kung paano naging magkaibigan sina Rhea at Loki. Since he had a habit of not making friends, how did they become close? What did he see in her? Masyado niya kasing dinamdam ang pagkawala ng kaibigan niya. Hanggang ngayo'y sinisisi pa rin niya ang sarili. Hanggang ngayo'y hindi pa rin siya makapag-move on.

Baka dahil hindi pa nahuhuli si Moriarty, ang taong nasa likod ng pagkamatay ni Rhea, kaya na-stuck pa rin siya.

Yumuko rin ako at nag-offer ng prayer para kay Rhea. Kung nasaan man siya, sana'y nakahanap na siya ng peace.

"What the hell are you doing here?"

Sabay na namulat ang mga mata namin. Lumingon ako sa likuran at may nakitang familiar na mukha. Margarette stood frozen a couple of steps away from us, carrying a basket of white flowers. Nakasuot din siya ng itim. Mukhang wala siya sa mood nang ganito kaaga. Ilang araw ko rin siyang hindi nakasalubong sa campus mula nang sunduin niya ako para makipagkita sa kuya ni Loki.

Project LOKI ①Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon