Chapter 6

2.1K 58 0
                                    

*** ANGELO'S POINT OF VIEW ***

Light of Life Christian School
Quezon City
5:15pm

Isang linggo ang matuling na lumipas simula nung araw ng pagkamatay ni James at kahapon ay hinatid na ito sa kanyang huling hantungan. At heto kaming anim na magkakaibigan balik sa eskwela na ulit. Tahimik kaming nakaupo palibot sa mesa sa canteen at hinihintay ang school bus na maghahatid samin pauwi. 

“Yung pagkamatay ni James, sa tingin ko hindi bangungut iyon.” Basag ni Helen sa katahimikan. Napatingin kaming lima dito.

“Bakit mo naman nasabi iyan?” tanong ni Ricky.

“Kasi… noong umagang iyon bago matagpuang patay si James mga alas tres nagising ako. Pumunta ako sa banyo na nasa tapat ng silid namin, paglabas ko ng cr may nakita akong tao na pumasok sa master’s bedroom.” Pahayag nito.

“So sa tingin mo may pumatay kay James?” Diretsong tanong ni Janice na nakakunot ang noo.

“Hindi naman sa ganun, pero pano kung… iyon nga ang nangyari?” Tugon ni Helen.

“Nakilala mo ba yung pumasok sa kwarto?” Tanong ko at medyo kinabahan dahil sa aking mga narinig.

“Hindi ko nakilala eh, madilim kasi at saka malayo. Pero alam ko lalaki iyon.” Anito.

“Kung ganun bakit hindi mo sinabi sa mga nag-imbistigang pulis na meron kang nakitang lalake?” ani Erick, nakatutok ang mga mata nito kay Helen at magkasalubong ang mga kilay.

“Kasi natatakot ako eh, tapos ano naman sasabihin ko sa mga pulis? Eh hindi ko nga maidentify kung sino yon.” Parang nageguilty na sagot nito.

“Sino naman kaya ang papasok doon?” Sambit ko.

“Hindi kaya si Caz iyong nakita ni Helen? Hindi ba ayaw niyang may gumamit sa kwartong iyon?” naghihinalang sabi ni Reymon.

“Bakit mo naman nasabing pinsan ko yun? Kahit ganun ang ugali nun ay nakakasiguro akong hindi niya magagawa ang bagay na iniisip mo Reymon. At isa pa wala siyang motibo na gawin iyon kaya huwag mo siyang pagbintangan.” Pagtatanggol ni Ricky sa pinsan.

“Ricky hindi ko sinabing siya ang pumatay kay James, hindi ko siya pinagbibintangan, ang sinasabi ko lang baka siya iyong pumasok sa kwarto.” Paglilinaw ni Reymon sa mga sinabi.

Cazer's Back Story: Shadows of the Past (Completed) *BoysLove*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon