*** ANGELO'S POINT OF VIEW ***
Tumayo ako para sumama ng bigla na lang...
“Hindi siya sasama sayo Erick!”
Napalingon ako kay Cazer na siyang nagsalita mula sa aking likuran. Kalmado itong lumapit samin ni Erick at hinila ako sa kamay.
“At sino ka para magdesisyon sa gagawin ni Angelo?” Inis at matigas na sabi ni Erick. Napatingin ako dito, nakita ko ang pagsalubong ng mga kilay niya.
Bigla namang naagaw ang atensyon ko sa mga estudyante na malapit samin, nakatingin ang mga ito sa direksyon namin at nagbubulong-bulongan.“Pwede ba huwag kayong mag-away dito, kung gusto niyong gumawa ng gulo huwag dito sa loob doon kayo sa labas.” Mahina ngunit may diin na sabi ko sa kanilang dalawa at nagpatiuna akong lumakad patungo sa pintuan ng library.
Tumungo kaming tatlo sa likod ng school coliseum kung saan walang ibang tao kundi kami lang.
“Andito na tayo sa lugar kung saan walang makakarinig sa bangayan ninyo, pwede na kayong magsuntukan kung gusto ninyo." Sabi ko sa kanila. Lumipas ang ilang segundo at walang may umimik sa mga ito. Binalingan ko si Erick, “Ikaw Erick ano bang sasabihin mo sakin na importante at hinila mo ko kanina??”
“Gusto ko kasing sabihin sayo na patay na si mang Robert, yung driver namin. Tumawag si mama at sinabi niya ito sa akin.” Direktang sagot ni Erick.
Nagulat ako sa sinabi nito, hindi ko inaasahan yun. Napatingin ako kay Cazer at mukhang maging ito'y nagulat rin. Binalik ko ang aking mga mata kay Erick, “Bakit daw namatay si mang Robert?” Nagtatakang tanong ko.
“Nagsuicide daw, uminom daw si mang robert ng lason at ininject pa daw nito sa sarili.” Sagot ni Erick at binalingan nito si Cazer.
“Hindi iyon suicide, merong taong nakatago sa lahat ng mga nangyayaring ito. Merong pumapatay…” Wika ni Cazer.
“Pero sino? At bakit niya ginagawa ito? Meron ka bang ideya Cazer?” Tanong ko.
Umiling si Cazer, “Wala…” ikling sagot nito.
BINABASA MO ANG
Cazer's Back Story: Shadows of the Past (Completed) *BoysLove*
HorrorThe Hidden Series (Special Edition): SHADOWS OF THE PAST Backstory of Cazer Flores. *** Note: Please do not compare my work to any stories here in wattpad because FYI - I do not read wattpad stories. I get my inspiration from anime and movies. ***