*** NARRATION ***
Pinihit ni Hilda ang siradora ng pinto ng master's bedroom at bumukas ito. Hinakbang nito ang mga paa papasok sa loob ng madilim na silid at kinapa ang switch ng ilaw sa dingding. Binuksan niya ito at agad na lumiwanag ang buong silid. Lumapit siya sa kama ni Mariza at pumasok na rin sa loob sina Monica at Reymon na walang mga imik. Inilapag ni Reymon ang walang malay na si Angelo sa isang tabi.
Ilang sandali pa at nagising si Mariza at ganun na lang ang pagkabigla at takot niya ng makita si Hilda na nakatayo sa tabi ng kanyang kama, may hawak itong baril at nakatutok iyon sa kanya. Seryuso at galit ang mukha nito.
“Anong ibig sabihin nito Hilda?” Natatakot na tanong ni Mariza.
Ngumiti si Hilda, “Ang ibig sabihin nito ay mamatay ka na! ikaw at ang anak mo!” Patuyang sagot nito at ngumisi.
“Bakit Hilda? Anong ginawa naming masama sayo para gawin mo samin ito?” Nanginginig sa takot na wika ni Mariza.
“Mamaya ko na sasagutin ang tanong mong iyan. Monica igapos mo na ang mga kamay nito at ikaw Reymon bilisan mo at sirain mo yang kisame at itali mo yang hawak mong lubid.” Utos ni Hilda.
“Monica? Reymon? Bakit kayo sumusunod sa utos niya?” Maang na tanong ni Mariza sa dalawa ngunit hindi sumagot ang mga iyon. Sinimulang igapos ni Monica ang mga kamay ni Mariza. Tahimik lang ito habang sinusunod ang utos ni Hilda at si Reymon naman ay sinimulan ng baklasin ang kisame para ikabit ang lubid.
Nakita ni Mariza na lumabas si Hilda ng silid. Natatakot siya sa pwedeng mangyari lalo na sa anak niyang si Erick. Wala siyang ka ide-ideya kung bakit nangyayari ito. Ano ang dahilan kung bakit ito ginagawa ni Hilda? Si Reymon at Monica bakit sila sumusunod sa utos nito? Sila bang tatlo ang may kinalaman sa pagkamatay ni Ricky at ng iba pa? iyon ang mga katanungan na naglalaro sa kanyang isip.
Maya-maya’y bumalik sa silid si Hilda. Hila-hila nito sa damit ang nakagapos at walang malay na si Erick. Napaiyak si Mariza dahil sa takot, ang kawawa niyang anak heto at nanganganib ang buhay.
“Hilda parang awa mo na, kung may kasalanan man ako sayo, please ako na lang ang patayin mo. Huwag mo ng idamay ang anak ko…” Umiiyak na pakiusap nito.
“Tumahimik ka punyeta! Ang anak mong ito ang ugat ng lahat ng nangyayari!” Galit na asik ni Hilda kay Mariza. “Monica iabot mo sa akin ang flower vase na yan.” Utos nito.
Dali-daling kinuha ni Monica ang malaking flower vase na nasa ibabaw ng mesa at inabot iyon kay Hilda. Tinanggal ni Hilda ang mga bulaklak at pagkatapos ay ibinuhos ang laman na tubig sa ulo ni Erick. Ngunit parang walang epekto iyon, nanatili pa ring walang malay si Erick.
“Reymon bumaba ka at kumuha ka ng isang balde ng tubig, billisan mo!” Naaasar na utos ni Hilda. Mabilis na tumugon sa utos si Reymon at pagkaraan ay bumalik ito na dala ang malaking balde ng tubig.
“Hilda anong gagawin mo sa anak ko? Parang awa mo na pabayaan mo na ang anak ko…” Umiiyak na sabi Mariza.
Binalingan ito ni Hilda, “Huwag kang mag-alala gigisingin ko lang ang mahal mong anak.” Sabi nito. Nakita ni Mariza na hinawakan ni Hilda ang anak sa buhok at isinubsob ang ulo nito sa balde na puno ng tubig. Paulit-ulit niya itong ginawa hanggang sa tuluyang magkamalay si Erick, habol ni Erick ang hininga. Walang nagawa si Mariza kundi panoorin lang ang anak habang umiiyak.
“Bravo!” Sabi ni Hilda at ngumisi ng nakakaluko, tinitigan nito si Mariza na nasa kama pa rin. “Ngayong may malay na ang anak mo pwede ko ng sabihin sayo ang dahilan kung bakit ko ginagawa ito.” Ani Hilda at saka tumayo.
“Mama..” Mangiyak-ngiyak na tawag ni Erick sa Ina. Basa ang kalahating katawan nito dahil sa pagsubsob sa kanya ni Hilda sa tubig. “Mga mamamatay tao kayo!” sigaw ni Erick sa tatlo.
Lumapit sa kanya si Hilda at hinawakan siya sa buhok, “Oo, mamamatay tao nga kami! Si Reymon ang pumatay sa kaibigan mong si James at Janice, si Monica ang pumatay kay Helen at ako ang pumatay kay Robert at sa kapatid mo! Hindi mo ba kami babatiin dahil nagawa naming palabasin na aksidente at natural ang pagkamatay nilang lahat?” Nakangiting pagmamalaki ni Hilda.
“Damn you bitch!” Sigaw ni Erick at dinuraan sa mukha si Hilda.
Pinahid ni Hilda ang mukha at isang malakas na sampal ang binigay niya kay Erick, “Wala ka sa lugar para umakto ng ganyan.” Matigas na sabi nito, “Monica lagyan mo ng duct tape ang bibig nito at baka hindi ako makapagpigil at maiputok ko itong baril sa bunganga niya.” Nagtitimpi sa galit na utos ni Hilda, mabilis naman sinunod ni Monica ang utos nito.
“Hayop ka Hilda, pagkatapos ka namin tratuhin bilang isang pamilya ito pa ang igaganti mo sa amin? Isa kang demonyo!” Hindi nakapagpigil na wika ni Mariza na puno ng pagsisisi ang boses.“Hayop na kung hayop, demonyo na kung demonyo! Isipin mo ang gusto mong isipin wala akong pakialam. Ikaw at ang bunga ng kataksilan ni Arnold ang rason kung bakit ko ginagawa ito.” Galit na tugon ni Hilda, lumapit ito kay Erick at tinutukan ito ng baril sa ulo. “Tumayo ka sa silyang iyon kung ayaw mong pasabugin ko itong ulo ng anak mo!” Tinuro ni Hilda ang silya kung saan naroroon ang lubid na nakakabit sa kisame. Tahimik na sinunod ni Mariza ang utos nito, tumayo siya sa silya.
“Ngayon Monica isuot mo sa kanyang leeg ang naka bitin na lubid. Siguraduhin mong maganda ang pagkakabuhol para hindi tayo pumalpak.” Anito at sumunod naman si Monica.
Pagkatapos ay…
“Magaling… Bagay na bagay ka sa kinatatayuan mo ngayon Mariza.” Wika ni Hilda at pumalakpak. “Ngayon makinig kang mabuti at ikukwento ko sayo ang puno’t dulo sa mga nangyayaring ito. Kung sino ba talaga ang dapat sisihin at may kasalanan.”
ITUTULOY!!!
BINABASA MO ANG
Cazer's Back Story: Shadows of the Past (Completed) *BoysLove*
HorrorThe Hidden Series (Special Edition): SHADOWS OF THE PAST Backstory of Cazer Flores. *** Note: Please do not compare my work to any stories here in wattpad because FYI - I do not read wattpad stories. I get my inspiration from anime and movies. ***