*** NARRATION ***
Two hours earlier…Patuloy pa rin ang pagbuhos ng malakas na ulan, tila ba may bagyong paparating. Ang panahon ay parang nakikiisa sa galit ng mga anino ng kahapon na gustong maghiganti. Sa gabing ito magwawakas ang matagal ng inaasam ng mga naiwan, dadanak ang dugo at muling dadalaw si kamatayan. Ito ang oras ng paghihiganti at walang makakapigil sa kanila...
Bumukas ang pintuan sa servants area, pumasok si Monica sa loob at nakita nito si Hilda na nakatayo sa paanan ng walang buhay na katulong na si Berns. Walang reaksiyon sa mukha nito.
“Tita Hilda tara na, marami pa tayong dapat gawin…” Wika ni Monica, tinitigan siya ni Hilda.
“Nasaan si Reymon?” Tanong nito.
“Nasa silid po ni Erick, siya na ang bahala dun. Tita nakalock ang pintuan ng kwarto ni Cazer.” Pagbibigay impormasyon ni Monica.
“Nasaan ang susi?” Galit na sambit nito.
“Nandito sakin, meron pong lock sa loob ng silid niya kaya hindi ko mabuksan.” Ani Monica.
“Punyetang batang yan! Sige hayaan na muna natin ang isang yun. Puntahan mo si Angelo at susunod na ko sa taas..” Dinampot nito ang duct tape, maliit na bote ng halothane at mga pantali na nasa mesa at inabot kay Monica. Pagkatapos matanggap ang mga iyon ay mabilis na nilisan ni Monica ang silid at umakyat. (Ang halothane ay isang inhalant anesthetic. )
May kinuha si Hilda sa loob ng cabinet, isang maliit na box. Binuksan niya ito at kinuha ang isang itim na kwarentay singkong baril. Kasama ng baril ay isang lumang litrato, dinampot niya ito at saka pinagmasdang mabuti. Isang babae ang nasa lumang larawan.
“Huwag kang mag-alala ate, ngayong gabi pagbabayaran ng mga may sala ang nangyari sayo.” Nagtitimpi sa galit na sabi nito. Nasa puso nito ang pagkamuhi at mithiing pumatay.
++++++++
Sa loob ng madilim na silid ni Erick…
Dinukot ni Reymon sa bulsa ang maliit na bote ng halothane, binuksan niya ito at pinatakan ang hawak na panyo. Pagkatapos ay tahimik itong lumapit sa natutulog na si Erick, ngunit sa hindi inaasahan ay nagising ito.
“Reymon?” Tawag ni Erick at bumangon. Nakita nito si Reymon na nakatayo sa tabi ng kanyang kama, hindi niya maaninag ang mukha nito dahil madilim ang paligid at tanging ilaw lang sa labas ng bintana ang nagbibigay liwanag sa loob. "Bakit gising ka pa?" Nagtatakang tanong niya.
“Dahil may kelangan pa kong gawin…” Tugon ni Reymon at mabilis nitong dinaganan si Erick.
Nakipagbuno si Erick, isang suntok ang pinakawalan niya sa mukha ni reymon pero hindi ito natinag. Pwersahan nitong tinatakip ang panyo sa kanyang ilong. Hindi siya makapalag dahil nakadagan sa kanyang ibabaw ang huli. Ilang sandali pa at nagwagi si Reymon, nawalan ng malay si Erick.
+++++++
Sa Guestroom…
Dahan-dahang lumapit si Monica sa natutulog na si Angelo, tahimik siyang umupo sa tabi nito at pinaamoy niya dito ang bote ng halothane. Makalipas ang ilang minuto ay tinapik niya ang mukha nito. Hindi ito nagising, hindi ito nakaramdam ibig sabihin ay umapekto na ang inhalant na pinaamoy niya. Mabilis niyang ginapos ang mga kamay nito sa likuran at sinunod niya ang mga paa nito.
Ilang sandali pa at bumukas ang pintuan ng silid na iyon at pumasok si Reymon, tumigil ito mga tatlong dipa ang layo sa kama. Tinitigan nito ang walang malay na si Angelo. Blanko ang ekspresyon ng mukha nito.
“Tapos ka na ba?” Tanong ni Monica sa kapatid.
“Oo tapos na,” Tugon nito. “Ate bakit kelangang pang madamay ang mga walang kasalanan?”
“Dahil kelangan Reymon, dahil kapag hindi natin sila dinamay pupulutin tayo sa bilibid, naintindihan mo? Sa ganitong paraan mahihirapan ang mga pulis sa pagresolba ng kaso dahil wala silang mahahanap na salarin dahil wala silang maiisip na motibo sa mga nangyari. Makakagawa tayo ng estorya para takpan ang totoong nangyari." Paliwanag ni Monica, tumango si Reymon ngunit naroon ang pag-aalinlangan.
Dumating si Hilda at sinamahan sila sa kwarto, may hawak itong baril at lubid. Lumapit ito kay Reymon at inabot dito ang lubid. Tinitigan nito sa mga mata si Reymon at isang sampal ang pinakawalan niya sa mukha nito. Yumuko ng ulo si Reymon at hindi umimik.
“Umayos ka Reymon!” Galit na sabi ni Hilda, “Nababasa ko sayong mukha ang pag-aalinlangan! Makinig ka, ngayong gabi magwawakas ang mga buhay nila, naintindihan mo?! Ito ang nakatakdang oras para sa katuparan ng ating paghihiganti.” Sabi nito na puno ng galit at pagkamuhi ang boses, nakakatakot ang ekspresyon ng mukha nito.
Hindi nakaimik si Reymon na parang isang batang pinagalitan. Ayaw niyang magsalita at baka magkamali siya, baka lalo pa iyong ikagalit ni Hilda. Lumapit si Monica sa kanila.
“Tama na to, tumatakbo ang oras.” Awat at paalala ni Monica. Tinitigan ito ni Hilda at saka tumalikod.
“Reymon buhatin mo si Angelo at sumunod kayo sakin.” Utos ni Hilda at lumabas ng silid.
Lumapit si Reymon sa walang malay na kaibigan at binuhat ito at pagkatapos ay sumunod kina Monica at Hilda na patungo sa master's bedroom.
ITUTULOY!!!
BINABASA MO ANG
Cazer's Back Story: Shadows of the Past (Completed) *BoysLove*
HorrorThe Hidden Series (Special Edition): SHADOWS OF THE PAST Backstory of Cazer Flores. *** Note: Please do not compare my work to any stories here in wattpad because FYI - I do not read wattpad stories. I get my inspiration from anime and movies. ***