Shadows of the Past
By: UnknownOriginCasts:
Mariza Flores Quinto, 43yo
School Guidance
Robert Natiag, 40yo
Family Quinto's Driver
Hilda Medel, 35yo
Cazer's Nanny
Monica Aguilar, 22yo
Chemistry Teacher
Janice Quirino, 16yo
4th year
Helen Trecho, 16yo
4th year
Reymon Aguilar, 16yo]
4th year
Erick Flores Quinto, 16yo
4th year
James Guarino, 15yo
4th year
Angelo Molina, 15yo
3rd year
Ricky Flores Quinto, 15yo
3rd year
Cazer Flores, 15yo
3rd year
oOo___________oOo___________oOo
*** ANGELO'S POINT OF VIEW ***
October 30 (5:35pm)
Brgy. San Buenaventura
San Pablo City, Laguna
Flores Ancestral House
Huminto ang itim na van na sinasakyan namin sa tapat ng malaki at maganda ngunit may kalumaang bahay na pag-aari ng pamilya Flores. Double storey ito at panahon pa ng kastila ang desinyo, ayun kay Ricky, apo ng mga namayapang may-ari, ay isa ito sa pinakamatandang bahay sa syudad. Napapalibutan ang bahay ng mga naglalakihan at sari-saring puno ng kahoy. Malawak ang hardin nito na pinuno ng ibat-ibang klase ng magagandang bulaklak.
Excited ako na bumaba kasama sina Helen, Janice, James at Reymon. Sunod na bumaba ay ang magkapatid na sina Erick at Ricky at ang butihing ina ng mga ito na si Tita Mariza. Nang tulayan na kaming makababa ay sumunod na rin si yaya Hilda na yaya ni Cazer at si Ms. Monica na nakakatandang kapatid ni Reymon. Huling bumaba ang driver na si Mang Robert at si Cazer na nakapwesto sa front seat.
Agad kaming sinalubong ng dalawang may edad na mag-asawa na caretaker ng bahay, sina Aling Agnes at Mang Raul. Nagbigay galang kaming lahat maliban kay Cazer, hindi nito pinansin ang dalawang matanda at dire-diretso lang itong pumasok sa nakabukas na pintuan ng malaking bahay. Sanay na kaming lahat sa ugaling ito ni Cazer.
Ikinuwento sakin noon ni Ricky, pinsan ni Cazer, na limang taong gulang daw si Cazer nung mamatay ang kanyang mga magulang. Lumaki ito sa pangangalaga ng kanilang lolo at lola dito mismo sa lumang bahay. Walong taon daw ito ng sumunod na mamatay ang kanyang lolo, at simula noon ay naging tahimik na ito at tanging ang lola at yaya niya lang na si yaya Hilda ang kanyang kinakausap. Labing tatlong gulang ito ng yumao ang kanilang Lola, at dahil doon naiwan ito sa pangangalaga ng nag-iisa niyang tiya, ang nakakabatang kapatid ng kanyang Ama na si Tita Mariza. Pagkatapos mailibing ang lola nila dito sa bayan ng San Buenaventura ay isinama na ito ni Tita Mariza at ng asawa nitong si Tito Arnold sa Maynila para doon manirahan kasama nila. At naiwan nga ang bahay na ito sa pangangalaga ng mag asawang Aling Agnes at Mang Raul na dati ng naninilbihan sa pamilya Flores.
BINABASA MO ANG
Cazer's Back Story: Shadows of the Past (Completed) *BoysLove*
HororThe Hidden Series (Special Edition): SHADOWS OF THE PAST Backstory of Cazer Flores. *** Note: Please do not compare my work to any stories here in wattpad because FYI - I do not read wattpad stories. I get my inspiration from anime and movies. ***