Chapter 7

2.2K 59 3
                                    

*** ANGELO'S POINT OF VIEW ***

  

Kinabukasan ng gabi ay pumunta kaming magkakaibigan sa lamay ni Helen sa St.Peter Chapel sa Timog.

Tahimik akong umupo sa tabi ni Ricky sa unang raya ng upuan at pinagmasdan ko ang puting kabaong sa aking harapan, parang hanggang ngayon hindi pa rin nagsisync-in sakin na patay na si Helen. Hindi ko inakalang pagkatapos ni James ay ito naman ang susunod. Kung si James ay namatay dahil sa bangungot si Helen naman ay namatay dahil nagsuicide daw ito, iyon ang sabi ng mga pulis na gumawa ng imbistigasyon pero wala pa silang nakitang ebidinsya na magpapatunay na iyon nga ang dahilan sa nangyari.

Lumingon ako sa likuran at nakita ko sina Erick, Reymon at Janice na abala sa pag-aasikaso sa mga bisitang nakikiramay, bakas sa mga mukha ng mga ito ang kalunkutan dahil sa pagkawala ni Helen. Tahimik kong binawi ang aking paningin at binalingan ko si Ricky sa aking tabi.

“Ricky, Posibli kayang suicide talaga ang nangyari kay Helen?” Tanong ko kay Ricky na kanina pang walang imik simula ng dumating ito kasama si Erick. Napansin kong parang ang lalim ng iniisip nito.

Lumingon ito sakin at umiling, “Sa tingin ko hindi Angelo, wala naman kasing dahilan para magsuicide siya." Sagot nito.

"Yan din ang iniisip ko." Tugon ko.

"Angelo may ipapakita ako sayo pero ipangako mo muna na tayo lang ang makakaalam nito.” May pag-aalangan na sabi nito.

“Ha? Bakit ano ba yon?” Nagtatakang tanong ko..

“Basta… mangako ka muna.” Diing sabi nito.

Tumango ako, “Oh sige pangako… ano ba yun?” Tanong ko. Nakita kong dinukot nito ang celphone sa bulsa at pagkatapos nitong buksan ay inabot nito sakin.

Isang text message ang nabasa ko, mula ito kay Helen bago ito mahulog sa school building.

“Tinext niya ako nun na sabay daw kaming pumunta ng canteen para sumabay sa inyo maglunch, tapos sinabi niya sakin na pupunta daw muna siya sa rooftop. Tinext ko siya kung ano ang gagawin niya doon at iyan nga ang reply niya.” Wika nito.

‘TATAWAGIN KO LNG C CAZER…’ Iyon ang sabi sa text message.

“Anong ibig sabihin nito kung ganun?” Nahihiwagaang tanong ko at binalik ko ang celphone nito.

Cazer's Back Story: Shadows of the Past (Completed) *BoysLove*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon