*** ANGELO'S POINT OF VIEW ***
Kinagabihan ay pumunta ako sa bahay ng mga Quinto para sa huling gabi ng lamay ng kaibigan kong si Ricky.
Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa sala at bitbit ang tray na may dalawang tasa ng kape. Narun si Cazer, nakaupo at nag-iisa, tahimik itong nakatingin sa kabaong ni Ricky na nasa harapan. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nito pero sa tingin ko ay nalulungkot ito sa nangyari sa kanyang pinsan. Napabaling ang pansin nito sakin ng makalapit ako ng tuluyan, tinanguan ko siya at isang tipid na ngiti ang itinugon niya sakin. Nilapag ko ang tray sa center table at umupo ako sa bakanteng sofa paharap dito.
Kinuha ko ang isang tasa at inabot ito sa kanya. "Coffee." Alok ko.
Tinanggap niya ito. "Salamat." Sabi nito at nagbuntong hininga. “You look tired… Why don’t you rest for a while? Pwede kang magpahinga sa guest room.” Sabi nito sakin.
Tipid akong ngumiti, “Ayus lang ako, ito ang huling gabi na makikita ko si Ricky, pagkatapos nito ay hindi ko na siya makikitang muli. Gustong kong ilaan ang mga oras ko sa pagbabantay sa kanya ngayong gabi. Ikaw? Mukhang puyat ka, sigurado akong hindi ka nakakapagpahinga ng maayos pagkatapos ng nangyari kay Ricky. Ako na magbabantay dito matulog ka na muna.” Sabi ko.
“Kaya ko pa naman, antok lang 'to.” Anito at uminon ng kape. “I felt bad sa nangyari kay Ricky at sa mga kaibigan mo. I didn’t expect this… at si Mang Robert din…” Malunkot na sabi nito at binaling niya ang paningin sa kabaong.
“Ako nga din eh, alam mo yung feeling na kausap mo lang sila kahapon tapos kinaumagahan mababalitaan mo na lang na patay na sila.” Tugon ko naman at may naalala akong itanong dito. “Cazer asan na pala ang bankay ni mang Robert?”
Tumingin ito sakin. “Kinuha na ng pamilya niya at dinala sa Bulacan,” sagot nito.
"Ah ok..." Sabi ko at kinuha ko ang aking celphone sa bulsa para iwasan ang tingin nito. Hindi ako magaling sa conversation, kaya parang na-o-awkward ako na kaming dalawa lang dito sa sala. Wala akong maisip na sasabihin dito. Tinuon ko ang aking mga mata sa celphone at nagkunwaring abala dito.
Ilang minuto ang lumipas at napansin kong parang nasa akin pa rin ang atensyon nito, kahit hindi ako nakatingin dito ay ramdam kong nakatutok ang mga mata nito sa direksyon ko. Subrang awkward na ang pakiramdam ko. Nag-angat ako ng ulo at nagsalubong ang mga mata namin, tama nga ako nakatitig pa rin ito sakin. Kung makatitig ito ay wagas, para bang nang-aakit ang mga mata nito, na parang nanlalambing na hindi ko maipaliwanag o baka nag-oover react lang ako? Lalake si Cazer at lalake ako kaya parang nakakaasiwa pero at the same time ay nakaramdam ako ng tuwa dahil magkasama kami. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Cazer's Back Story: Shadows of the Past (Completed) *BoysLove*
УжасыThe Hidden Series (Special Edition): SHADOWS OF THE PAST Backstory of Cazer Flores. *** Note: Please do not compare my work to any stories here in wattpad because FYI - I do not read wattpad stories. I get my inspiration from anime and movies. ***