Chapter 3

2.9K 64 0
                                    

*** ANGELO'S POINT OF VIEW ***


“I Don’t need your explanation. Get out now!” Mahina ngunit may diin na sambit ni Cazer .


Dali-dali akong lumabas ng silid at dumiretso sa kwarto naming mga lalake.


“Oh anong nangyari bakit parang namumutla ka?” Puna ni Ricky ng makapasok ako ng silid. Umupo ito sa kama at narun sa mukha nito ang pagtataka.


“Nahuli ako ni Cazer, at alam niya na pumasok sa loob ng kwarto niya kagabi si James.” Sagot ko at tumabi dito.


“Talaga? Ano pa ang ibang sinabi niya?” Curious na tanong nito.


“Wala na, pinalabas niya lang ako. Alam mo kanina kahit hindi galit ang boses niya habang nagsasalita ay kinakabahan pa rin ako ng subra.” Sabi ko at tumihaya sa kama. Naalala ko ang paglapit niya sakin, akala ko kanina hahalikan niya ko. hayyy bakit ko ba naisip yun? Lalake si Cazer at lalake din ako, malabong mangyari na hahalikan niya ko. Ang weird ng imahinasyon ko.

“Pano ka naman hindi kakabahan eh nahuli ka niya. Pero kung sa bagay mabait naman yang si insan, hindi naman yan nananapak.” Sabi ni Ricky at tumayo. “Oh sya tara na sa baba at hindi ka pa kumakain ng almusal." Anyaya nito.


+++++++


Mga bandang alas kwatro y media ng hapon ng maisipan naming magkakaibigan na pumunta ng bayan, mga isang kilometro ang layo nito mula sa bahay. Habang naglalakad kami…

“James alam ni Caz na pumasok ka sa kanyang silid.” Basag ko sa katahimikan. Napalingon silang anim sakin.

“Alam ko.” Tugon ni James. “Kagabi paglabas ko sa pinto ng kanyang silid nakita ko siyang paparating.”

“Ha? Kung ganun anong sabi niya sayo?” Tanong ni Janice.

“Wala naman, tinitigan niya lang ako.” Sagot nito. "As in deadma lang at walang pakialam."

“Guys hindi niyo ba napapansin na parang kakaiba si Caz kumpara satin? I mean parang may sarili siyang mundo, hindi siya nakikipag-usap satin. Wala siya ni isa mang kaibigan.” Sabat ni Reymon.

“Sa tingin ko hindi lang sanay si Caz, lumaki kasi siya na walang kaibigan at kalaro. Nag-aral siya ng elementary sa bahay lang, private teaching hanggang first year high school. Kung hindi siya kinuha ni Mama at dinala sa Maynila para doon na samin tumira mas lalong aloof siya siguro.” Comento ni Ricky.

“Mukhang mabait naman si Caz, at saka infairness ang gwapo niya, yun nga lang snobbish ang dating niya. Well kung magkakaron ng chance pwede kami sigurong maging magkaibigan.” Ani Janice.


“Mabait naman talaga iyon eh.” Sang-ayon ni Ricky.

Cazer's Back Story: Shadows of the Past (Completed) *BoysLove*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon