Chapter 8

2K 62 3
                                    

*** ANGELO'S POINT OF VIEW ***

11:26pm 
Flores residence
Fairview, Quezon City

“Hanggang ngayon parang hindi pa rin ako makapaniwalang wala na rin si Ricky. Nung isang araw si Helen, tapos ngayon siya naman.” Malunkot na sabi ko kay Janice na nasa tabi ko. Kasalukuyan kaming nasa kusina at nagtitimpla ng kape para sa mga bisitang nakikiramay.

Binalingan ako nito, “Alam mo Angelo samo’t sari ang nararamdaman ko ngayon. Nalulungkot ako at nanghihinayang sa kanilang maagang paglisan… at the same time naiinis din ako dahil sa mga nangyayaring ito.”

“Magkatulad lang tayo ng nararamdaman Janice,” huminga ako ng malalim. “Ayukong paniwalaan na bangungot din ang dahilan ng pagkamatay ni Ricky.” Sabi ko.

“Bakit naman?” Tugon nito at tinitigan ako sa mga mata.

Umiwas ako ng tingin, “Dahil imposibli Janice, imposibli na sa ikalawang pagkakataon ang nangyari kay James ay nangyari ulit kay Ricky.” Tumaas ng bahagya ang boses ko, napalingon sakin si yaya Hilda at ang isa pang katulong ng pamilya Flores na narito rin sa kusina.

Bahagya akong siniko ni Janice, “Hinaan mo  yung boses mo..” pabulong na sabi nito sakin.

Tinanguan ko ito at mahinang nagsalita, “Janice ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit nangyayari ito?” tanong ko, gusto kong malaman ang pananaw nito.

“Ewan ko, wala akong ideya… maybe oras na talaga nila.” Tugon nito at nagkibit balikat.

“Bakit pa kayo nagtataka sa mga nangyayaring ito ngayon? Nakalimutan nyu na yatang nilaro ninyo ang laro ni kamatayan. At ngayon naniningil na siya dahil natalo kayo.” Biglang sabat ni yaya Hilda na nakikinig pala samin, napalingon kami ni Janice sa kanya.

“Hindi po kami kasali dun yaya…” Sabi ni Janice ngunit inirapan lang siya ni yaya Hilda, lumabas ito sa kusina kasama ang isa pang katulong.

“Naguguluhan na ako.” Sabi ko at umupo sa silya. “Hindi na ako makapag-isip ng maayos. May katuturan kaya ang sinabi ni yaya Hilda tunkol sa laro ng kamatayan o merong tao sa likod ng lahat ng ito?” pabulong na sabi ko.

“Angelo anong sinasabi mo?” Napaangat ako ng ulo kay Janice, nakita kong nakakunot ang noo nito sakin.

Cazer's Back Story: Shadows of the Past (Completed) *BoysLove*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon