Chapter 15

1.9K 62 0
                                    

*** NARRATION ***

15 years ago…

Tahimik na nag-iisip si Melinda habang nakatitig sa hawak nitong maliit na papel na merong address. Kasalukuyan siyang nasa bus papuntang Laguna. Iniwan niya ang probinsiya ng Ilocos Sur, ang lugar kung saan siya lumaki at nagkaisip, wala na siyang babalikan na pamilya doon dahil wala na ang kanyang mga magulang. Heto siya ngayon at makikipagsapalaran sa bagong lugar. Pupuntahan niya ang kanyang ate, ito na lang ang natitirang pamilya na pwede niyang lapitan, mahigit walong taon niya na itong hindi nakikita. Pumunta ang ate niya sa laguna para magtrabaho pero iyon at nadali ng hindi inaasahan kaya nag-asawa ng wala sa oras. Meron na itong pitong taong gulang na anak na babae at at sa huling sulat nito ay sinabi nito na nagkaroon ito ng supling na lalaki. Napangiti si Melinda ng maisip ang mga anak ng kapatid, excited na siyang makita ang ate niya at ang mga anak nito.

Matagal siyang bumyahe bago narating ang siyudad ng San Pablo. Magkahalong gutom at pagod ang kanyang naramdan ng bumaba siya ng bus at idagdag pa ang nanlalagkit niyang katawan. Napaangat ang tingin niya sa asul na kalangitan, magtatangahaling tapat na. Binaling niya ang kanyang paningin sa paligid. Isang matandang babae na nagtitinda sa tabi ng daan ang kanyang nilapitan at pinagtanungan tunkol sa address na binigay ng kanyang kapatid. Itinuro naman nito sa kanya ang sakayan ng traysikel papunta doon at heto nga siya ngayon lulan ng traysikel patungo sa San Juan.

Ilang minuto pa ang nagtagal at hininto na ng drayber ang traysikel. “Nandito na tayo Ineng.” Wika ng drayber. Bumaba siya ng traysikel at tinulungan siya nitong ibaba ang dala niyang mga bag. Pagkatapos ay inabutan niya ito ng singkwenta at nagpasalamat.

Nakita niyang magkakadikit ang mga bahay sa lugar na ito, maraming tambay at mga batang naglalaro sa lansangan. Lumakad siya patungo sa isang maliit na tyanggi.

“Ali magtatanong lang po sana, may kilala po ba kayong Melany Treyes dito sa lugar niyo?” aniya.

Sinipat siya ng matandang babaeng tindera, “Melany ba, aba’y oo, diyan papasok ang bahay nila.” Sagot nito at tinuro ang maliit na daanan papasok.

“Maraming salamat po ali,” nakangiting tugon niya sa matanda at saka lumakad. Nakakailang hakbang pa lang siya ng may masulubong na isang babae, pamilyar ang mukha nito. May karga itong sanggol at may hawak-hawak na batang babae. Parang nagtaka naman ang babae ng makita siya…

“Ate Melany…?” nasabi niya.

“Melinda?” nasurpresa nitong tugon.

Cazer's Back Story: Shadows of the Past (Completed) *BoysLove*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon