*** NARRATION ***
Kinabukasan ng tanghali…
“Ate? Ate Melany?” tawag ni Melinda, nasa labas siya ng bahay ng kanyang kapatid, dala-dala niya ang mga pasalubong at maliit na box ng cake para sa kaarawan nito. Ilang sandali pa at bumukas ang pintuan… Dumungaw si Melany.
“Ate happy birthday,” Agad na bati niya ng nakangiti, humalik siya sa pesngi nito. Hindi tumugon si Melany sa kanya, parang wala ito sa sarili. Karga-karga nito ang umiiyak na sanggol, nakita niya sa mukha nito ang kalunkutan. Mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay at pinatong ang mga dala sa mesa. Kinuha niya ang umiiyak na sanggol at pinatahan ito.
“Ate anong nangyari sayo? Bakit parang wala ka sa sarili mo?” Nagtatakang tanong niya. At nakita niya ang pagluha ng mga mata nito. Ilang sandali pa at ikinuwento nito sa kanya ang mga nangyari kagabi.
“Ate ano ba, hindi pa katapusan ng mundo. Magpakatatag ka para sa mga anak mo.” Wika niya, “Hayaan mo ang lalaking iyon sa gusto niya, hindi porque iniwanan ka niya ay magmamaktol ka na lang buong maghapon, isipin mo sina Mikayla at Arnel, kailangan ka ng mga anak mo.” Payo niya dito. Nakita niya na ngumiti ito ng pilit.
“Siguro nga dapat ko na lang tanggapin ang mga nangyari.” Malunkot na sabi nito.
“Yan ang tama ate, siya nga pala ito ang regalo ko sayo sana magkasya sayo.” Nakangiting sabi niya at inabot ang regalo, “Mikayla halika dito, ito tignan mo gift ko sayo.” Aniya naman sa pamangkin. Nakangiti naman si Mikayla habang lumalapit sa kanya.
Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay naging okay na ang lahat, nawala ang lunkot sa mukha ni Melany. Dumaan ang mga oras, mga bandang alas kwatro ng hapon ay nagpaalam si Melinda na pupunta ng palenki para bumili ng ihahanda nila sa gabi. Papadilim na ng makabalik siya sa maliit na bahay ng kapatid. Mula sa labas ng pinto ay naririnig niya ang iyak ng sanggol at ni Mikayla, bigla siyang kinabahan. Dali-dali siyang pumasok sa bahay bagamat madilim sa loob ay klarong-klaro sa kanya ang nangyayari. Yakap-yakap ng pitong taong gulang na si Mikayla ang kapatid na sanggol habang umiiyak at nasa harap nito ang nakabigting ina. Parang sinukluban ng langit at lupa si Melinda. Lumapit siya sa dalawang pamangkin at niyakap ang mga iyon.
“Isinusumpa ko, pagbabayaran nila ang lahat ng ito.” Lumuluhang wika ni Melinda.
Ibinaba ni Melinda ang bankay ng kapatid at nilagay sa papag. Isa lang ang nasa isip niya ngayon, itatago niya ang nangyaring pagpapakamatay ng kapatid at magagawa niya lang iyon sa isang paraan…
Mga bandang alas dose ng gabi…
“Patawin mo ako sa gagawin kong ito ate Melany…” Binuhusan niya ng gaas ang walang buhay na katawan nito pati na rin ang buong paligid ng bahay. Nakahanda na ang bag na may laman ng mga damit ng dalawa niyang pamankin, karga-karga niya ang sanggol na si Arnel at si Mikayla naman ay nasa labas na ng pintuan. Isa na lang ang kailangan niyang gawin at iyon ay gumawa ng apoy na kakain at wawasak sa bahay na ito. Nagsindi siya ng puspuro at itinapon iyon sa bagong blusa na binigay niya sa kapatid, suot-suot nito iyon ng magpakamatay ito. Kumalat ang apoy sa damit ng kanyang kapatid.
![](https://img.wattpad.com/cover/6273616-288-k939909.jpg)
BINABASA MO ANG
Cazer's Back Story: Shadows of the Past (Completed) *BoysLove*
TerrorThe Hidden Series (Special Edition): SHADOWS OF THE PAST Backstory of Cazer Flores. *** Note: Please do not compare my work to any stories here in wattpad because FYI - I do not read wattpad stories. I get my inspiration from anime and movies. ***