Chapter 12

2.1K 63 8
                                    

*** ANGELO'S POINT OF VIEW ***

"Anong ginagawa mo dito Erick?" Humakbang ako papasok sa loob ng silid at napatingin ito sakin.

"Angelo ikaw pala..." Bigkas nito at iniwas ang paningin sakin. Tinitigan nito si Cazer na natutulog.

Lumapit ako sa tabi ng kama, "Anong ginagawa mo dito?" Ulit na tanong ko at nakatuon pa rin sa kanyan ang aking mga mata.

Nanatili itong tahimik at nakatingin lang kay Cazer.

"Sagutin mo ang tanong ko Erick!" Malakas na bigkas ko. Binalingan ako nito, nanatili itong tahimik at nakita ko ang pagsalubong ng mga kilay niya. "Ayaw kung mambintang pero sa tingin ko may balak kang masama kay Cazer ano?" Hindi nakapagpigil na sabi ko.

"Anong pinagsasabi mo? Wala akong planong masama sa kanya, kahit naiinis ako sa kanya hindi ko siya gagawan ng masama katulad sa ginawa niya sa kapatid ko at sa mga kaibigan natin." Matigas na tugon nito, narun sa boses nito ang inis. Mukhang nainis ito sa mga sinabi ko.

"Inosenti siya, naniniwala akong wala siyang kinalaman sa mga nangyayari. Alam mo kung papipiliin ako kung sino ang kakampihan ko sa inyong dalawa, si Cazer ang pipiliin ko. Kaibigan nga kita pero hindi ko alam kong dapat pa ba kitang pagkatiwalaan." Sabi ko.

Patuya itong ngumiti sakin, "I cant believe it, gaano mo siya kakilala na maspipiliin mo siya kesa sakin na matagal mo ng kaibigan?"

"I trust him, nararamdaman kong wala siyang kasalanan at hindi mo iyon maaalis sakin. Pinagbibintangan mo siya, hindi naman kaya ikaw ang may gawa ng mga nangyayaring ito?"

"Oh my God Angelo, how can you say that? Wala akong rason para gawin ang bagay na ito." Hindi makapaniwalang sabi nito.

"Meron Erick, at ikaw mismo ang nagsabi na nadamay lang ang mga kaibigan natin para sa totoong motibo ng salarin. You know na si Cazer ang nag-iisang tagapagmana ng lahat ng ari-arian na iniwan ng lolo at lola niyo. Pwedeng ikaw ang nasa likod ng lahat ng ito dahil gusto mong makuha ang kayamanang iyon." Hindi nakapagpigil na akusa ko sa kanya.

"Huwag mo akong akusahan dahil hindi ko alam na siya ang tagapagmana sa pesting ari-arian nina Lola, kung hindi niya iyon sinabi sakin ay hindi ko malalaman. Hindi ko magagawa ang mga binibintang mo. I love my brother at hindi ko ipagpapalit ang buhay niya para sa pera." Galit na sabi nito.

Cazer's Back Story: Shadows of the Past (Completed) *BoysLove*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon