Chapter 17 (Finale)

3.9K 100 23
                                    

*** CAZER'S POINT OF VIEW ***


Nagising ako mula sa pagkakahimbing ng may marinig akong sunod-sunod na mga katok sa pintuan at may tumatawag sakin. Kilala ko ang mga boses na yun, sina Reymon at Ms.Monica.

Disoras na ng gabi at gising pa ang mga ito, ano kaya ang kelangan nila sakin? Bumangon ako at binuksan ko ang ilaw sa loob ng silid. Tahimik kong hinakbang ang aking mga paa palapit sa nakasaradong pintuan. Tinanggal ko ang lock ng pinto at binuksan ito.

Tumambad sa aking harapan si Ms. Monica at si Reymon na may hawak na baril at nakatutok iyon sakin. Tinitigan ko silang dalawa, seryuso ang mga ito. Kung ganun sila pala ang may kagagawan sa mga patayang naganap, kung ano man ang motibo nila iyon ang hindi ko alam.

Hindi ako nakaramdam ng kaba o takot sa kanila, kung pinaplano nila akong patayin gawin na lang nila dahil wala naman akong pakialam, matagal na akong patay simula pa noong mawala ang mga taong mahal ko.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko ng biglang puminta saking isipan sina Angelo, Erick, tita Mariza at yaya Hilda, hindi ko alam kung buhay pa ang mga ito.

"So kayo pala ang mga pumapatay, sino ang kasabwat niyo?" Walang emosyon na sabi ko. Natitiyak kong may kasama pa ang mga ito.

“Tumahimik ka at sumunod ka sa amin! Hinihintay ka na ng tiya at ng pinsan mo, pati na rin ng mahal mong si Angelo. Sama-sama na kayong susunod mamaya kay Ricky!” Sabi ni Reymon at ngumisi.

Parang nakahinga ako ng maluwag sa narinig, kung ganun ay buhay pa ang mga ito. 

Tumangu-tango ako. "Okay..." Maikling tugon ko at tinaas ko ang dalawa kong kamay bilang tanda ng pagsuko. Humakbang ako palapit sa dalalawa habang ang mga mata ko ay nakatutok kay Reymon. Nang tuluyan na akong makalapit sa mga ito ay mabilis kong inabot ang baril na hawak ni Reymon at nakipag-agawan dito.

Umalingawngaw ang putok ng baril, tinamaan ako sa kanang tadyang ko. Dala siguro ng pagkabigla sa nangyari ay nabitawan ni Reymon ang baril at bumagsak ito sa sahig malapit sakin. Ininda ko ang sakit ng tama ng baril at mabilis kong pinulot ang baril at binaril sina Reymon at Ms.Monica. Bumagsak ang mga ito sa sahig.

Inangat ko ang aking tingin at binalingan ko ang pintuan ng master's bedroom, nasisiguro kong nandun sina Ercik. Nanghihinang hinakbang ko ang aking mga paa palapit doon habang sapo naman ng isa kong kamay ang aking tadyang na tinamaan ng bala, masaganang dumadaloy dito ang dugo. 

Nang tuluyan na akong makalapit  sa pinto ay mabilis ko itong binuksan at sinalubong ang aking paningin ng isang eksenang  hindi kaayaaya. Si tita Mariza ay umiiyak habang nakatayo sa silya at may suot na lubid sa leeg, sina Angelo at Erick ay parehong nakagapos at nakasalampak sa sahig habang si yaya Hilda naman ay nakaupo sa kama. 

"Cazer?" Sambit ni yaya Hilda at tumayo. Nakapinta sa mukha nito ang pagkagulat, mukhang hindi ako ang inaasahan nitong makita. Kung ganun silang tatlo pala ang magkakasabwat.

Ngumiti ako habang nakatingin kay yaya Hilda. Akalain mo nga naman, ako na pinalaki niya ang siyang tatapos pala sa kanya. Tinaas ko ang hawak kong baril at hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at binaril ko siya ng dalawang beses. Bumagsak siya ng nakadapa sa sahig.

Nakaramdam ako ng panghihina at umubo ako ng dugo, mukhang ako na ang sunod na magpapaalam. Binitiwan ko ang hawak na baril at pinilit kong ihakbang ang mga paa kong gusto ng bumigay patungo kina Erick at Angelo. Lumuhod ako sa likod ni Erick at tinanggal ko ang tali nito sa kamay, saktong nagawa ko iyon ng dumilim ang paningin ko at natumba ako sa sahig.

WAKAS!!!

Abangan si Cazer sa Hidden Series: Season Two     ^_^

Cazer's Back Story: Shadows of the Past (Completed) *BoysLove*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon