{11} by EJ

230 3 0
                                    


November 25,2015


nakita kita ulit

ewan ko ba kung bakit

kung bakit ang sakit sakit

na unti unting nagiging galit


ang mabilis na pintig nang aking puso

ay para bang ayaw ng huminto

hindi pa ba nakuntento

sa sakit na binigay mo?


noong nakita kita may kasama ka

ang masakit ay babae pa

ang atensyon ay nasa iba na

na dapat ngayo'y nasa akin pa


ganon na lang ba kadali

ang iwan ako sandali

ngunit asan na nga ba ang sukli

sa pag-ibig kong sawi


nagsawa nga ba

noong ika'y nasa piling pa

kaya napili mong bumitaw na

kahit ang sakit sabihin na mahal pa rin pala kita


minsan mo akong sinanay

at sinabihang mahal na tunay

ngunit hindi ka nakapaghintay

kaya aking puso'y iyong pinatay


by: erica jane




One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon