{12} Hanggang dito na lang, please?

378 5 0
                                    


Nagsimula ang istorya natin sa isang sandwhich na may palaman pang paborito kong peanut butter. Morning drawing class natin noon, masaya kong inilabas ang baon ko, masaya ko itong sinimulang kinain na walang inaakalang dito magsisimula ang kuwento natin. Humingi ka ng sandwhich, binigay ko. Pero nagulat ako nang kunin mo 'tong lahat. Wala kang tinira sa akin, maski katiting. Ilang araw naming pinagtawanan 'yan ng mga kaibigan ko. Kung gaano ka kasugapa sa sandwhich at hindi man lang ako naisipang tirhan. Naging madalas ang pag-uusap namin na ikaw ang topic, ikaw ang naging tila clown namin dahil mabanggit pa lang ang size ng tainga mo, tatawa na kami. Maalala lang namin 'yung alien mong boses at pangungulit mo noon sa group chat, tatawa na kami. 'Yung panggagaya mo sa tunog ng wang wang ng bumbero na parang hinaluan ng boses ng taga ibang planeta, hinding-hindi ko makakalimutan iyon dahil 'yun ang panahon na madalas akong mang-seenzoned sa group chat dahil nasa isip ko, "Ano naman ang irereply ko dyan sa wang wang mo?" 

Akala ko noon, magiging isang ordinaryong kaklase lang kita. Akala ko, sa pagtungtong ng college ay isang fresh start sa akin. Akala ko 'yung mga naramdaman ko noon ay male-let go ko na at makakapagsimula na ng bago. Pero hindi, eh. Yung peanut butter incident, nasundan pa. Nagpa-print ka sa akin ng assignment natin at niyaya akong mag-belgian waffle sa canteen. Humantong pa sa stage na kailangan mo pa akong ipaalam sa mga kaibigan ko. Bakit naman? Bakit naman parang hinihiram mo ako at ibabalik din? Hindi ko pa iyon naisip noon. Wala pa akong naisip noon dahil hindi ko namang inakalang magkakaroon ng "tayo" kahit sa isang saglit na pagkakataon lamang. Hindi nagtagal ay parang gagong may nag heart transplant na lang sa akin. Parang biglang napalitan ang puso ko at isang araw ay bigla nalang puro pangalan mo na lang ang isinisigaw nito. 

Una ay naguluhan pa ako. 'Yung tipong bawat pagkatapos ng moments natin ay tatanungin ako ng  mga kaibigan ko kung ilang percent na. Ako naman tong si baliw, sinsagot sila. Natatandaan ko pa nga noon, sabi ko pa ay 5%... at habang tumagal pataas na ito ng pataas hanggang sa dumating na 'yung panahong ang naisagot ko nalang sa kanila ay hindi ko alam dahil hindi ko naman talaga ito makatumbas sa isang numero o porsyento. Dahil maski ako ay naguguluhan sa tunay kong nararamdaman. 

Ayokong masanay. 

'Yun ang dahilan ko. Nagpaligoy ligoy pa nga ako noon sa mga kaibigan ko. Sabi ko, hindi ko lang alam kung bakit hindi ko magawang umamin sa kanila kung mayroon bang pag-asa. Pero ang totoo ay ayoko lang talagang masanay at natatakot lang ako. 

Natatakot akong baka tulad ng dati ay maging isang rebound lang ako. Pero anong magagawa ko? It's too late. Naamin ko na sa sarili kong gusto nga kita. Naamin ko iyon kahit na alam kong isang malaking risk itong pinasok ko. Kahit na alam kong may tsansa ngang rebound lang ako dahil wala pang isang buwang natapos ang ilang taong pinagsamahan niyo ay ako naman ang nilapitan mo. Kahit na alam kong kahawig ko ang taong 'yun, nagawa kong aminin sa sarili at sa mga kaibigan kong gusto na rin kita. 

Alam mo yung masaya doon? Naramdaman kong may taong may tunay na pakialam sa akin. Naramdaman ko yung pagmamahal na matagal ko nang gustong maramdaman. Yung pagmamahal na hindi galing sa kaibigan o pamilya. 'Yung tipo ng pagmamahal na galing sa isang espesyal na tao... tulad mo. 

Pero sinong tanga itong hinayaang masanay ang sarili? Pero sino rin naman kasing gago 'tong sinanay ako? Sinanay akong may nag-aalala para sa akin sa tuwing missing in action ako. Yung tipong hindi mo lang ako makitang kasama ng mga kaibigan ko, agad mong tanong.. "Nasaan si Eca?" 'Yung pakiramdam na mayroong laging gusto kang protektahan. Tangina. Nasanay ako. Nasanay akong tuwing uwian ay patago pa tayong magha-hawak-kamay papuntang Central station. 'Yung sasama ka sa akin pauwi kahit na puwede ka naman sa mga kaibigan mo sumama. Wala kang pakialam kahit na kasama ko ang mga maiingay kong kaibigan. Yung mga kaibigan kong hilig tayong i-stolen shot at saka tayo pagt-tripan sa group chat. Yung mga kaibigan kong titingnan kung magkahawak ba ang mga kamay natin. 'Yung mga kaibigang akala mo paparazzi at mga reporter sa sobrang pagka-updated nila tungkol sa atin. Natiis mo yung mga kaibigan kong mahilig pakialaman ang kung anong mayroon tayo. Natiis mo yung bestfriend kong nagiging dahilan minsan ng pagkakaayos natin. Yung bestfriend kong pinamumukha sa akin na parehas naman tayong may mali sa mga pinagaawayan natin. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon