{5} In Heaven

875 31 0
                                    

check the vid.

“I’m going to leave now.”

“Don’t leave.”

“I’m going to come back so..”

“Liar… Liar”

“No, don’t you know how much I love you?”

“Can’t you show that love to me right now?”

“I love you…”

“Can’t we love again?”

Isang pangyayaring pilit na nakapagbago kay Jeremiah Villaluis. Iniwan siya ng taong pinakamamahal niya—hindi na siya nito muling binalikan. Buong akala nito, wala na siya. Buong akala nito… wala nang pag-asa pa. Kaya ang Jeremiah Villaluis na dating nagmamahal ay hindi na muling nagmahal pa.

Paano na lang kung ang taong minahal pala niya noon ay nagbabalik? Ang taong akala niyang hindi na siya babalikan pa ay nagbabalik sa buhay niya?

Pero paano kung ang pagbabalik pala na ito ay may katapusan rin? Paano kung nagbabalik lang pala siya…. para magpaalam?

 

 

 “Nasaan siya? Nasaan si Lexy!?” Sigaw ni Jeremiah sa gitna ng ospital. Nataranta ang mga tao.. ang mga body guards sa kanya, tila ‘di alam kung papaano siya pakakalmahin.

“Sabihin niyo sa akin! Nasaan si Lexy!?” Sigaw pa nito. Sa di kalayuan ay natanaw niya ang mga magulang ng kanyang minamahal—si Lexy. Agad siyang nilapitan ng mga magulang nito at pinakalma.

“J-Jeremiah.. S-sorry. Ayaw niyang ipasabi ‘to sa ‘yo. ‘Yun ang kagustuhan niya.. wala kaming magagawa.” Tila tuluyan nang nawalan ng pag-asa si Jeremiah at napa-upo na lamang sa sahig ng ospital.

“Sabihin niyo sa akin… nasaan siya?” Mahina nang tanong nito. Luha’y dumadaloy sa kanyang pisnge.

“W-wala na.. J-jeremiah.” Napipiyok na sinabi ng magulang ni Lexy. Kasabay nito ay ang paghagulgol ng malakas ni Jeremiah at ang pagpapalo nito sa sahig.

“Liar…” bulong nito. “Sabi niya sa akin babalik siya. Sabi niya sa akin, mabilis lang. Sabi niya sa akin.. okay lang.. kakayanin niya. Eh ano ‘to? Sinungaling!” Sigaw nito ngunit tila naubusan na siya ng lakas at tumahimik na lang habang umiiyak.

Isang taon na nang magpaalam sa kanya si Lexy. Sabi nito’y babalik pa siya ngunit noong una ay hindi naniwala si Jeremiah, tila nakakaramdam na ng hindi magandang mangyayari. Pero nang sabihin ni Lexy kung gaano niya ito kamahal at sinisigurado niyang babalik siya ay naniwala rin si Jeremiah. Mahal na mahal niya ang kasintahan, wala na siyang magagawa kundi ang paniwalaaan ito. Para sa kanya, siya na ang buhay niya. Siya na ang bumubuhay sa kanya. Kaya ngayong natanggap niya ang isang hindi magandang balita, wala na siyang magawa kundi ang umiyak.. humagulgol at mawalan ng pagasa. Ang babaeng isang taong hindi nagpakita sa kanya para sa isang operasyon ay wala na. Ang babaeng hinihintay niya ay wala na. Ang babaeng mahal na mahal niya… wala na.

One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon