Reposted.
Medyo true story.
Isang storya kung saan isa lang ang nagmamahal.
Isa lang din ang nasasaktan.
Isa lang ang umaasa.
Isa lang ang naghihintay.
Hindi lahat ng gusto natin ay makukuha natin.
Hindi lahat ng bagay ay para sa atin.
Minsan, dumadating lang ito para turuan ka.
Ito ay para sakanya, para kay JS.
April 2, 2012
Akala ko magiging isang normal na araw lamang ito. Hindi ko alam na pagkatapos pala ng araw na 'to, iiba ang takbo ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam na mababago ang lahat. Masaya kaming pumasok ni Angelic, ang kaibigan ko sa venue ng isang event. Sumalubong sa amin ang hiyawan ng mga tao at malakas na tugtog. Nung pumasok ako sa venue, iba ang naramdaman ko. Kasiyahan. Yung feeling na parang nakawala ka sa mapait na mundo at parang nasa langit ka na, wala ka nang gagawin kundi ang magsaya. Simple lamang ang suot namin noon. Well, wala naman kaming pinapagandahan. Nandoon lang kami para magsaya, para magrelax. Hindi naman namin alam na sa araw pala na iyon, sa loob ng venue na 'yon, mangyayari ang napakai-isang bagay na hinding hindi ko makakalimutan.
Nanood lang kami ni Angelic ng mga performances. Mga sayawan, sigawan, spazz. Palibot-libot lang din kami sa loob ng venue. Hinihila ako ni Angelic at pinipicture-an ko sila ng mga cosplayers na mga iniidolo niya. Ako nga pala si Angel. Oo, 'yun ang totoo kong pangalan, at hindi Pagong. Isa akong mahinhin, mahiyain at socially awkward na tao kaya naman sa event na ito, naka-yuko lamang ako at pangiti-ngiti. Ibang iba sa kasama kong si Angelic na malakas ang loob, masiyahin, makulit at maligalig. Maraming mga taong natutuwa sa kanya, hindi tulad sa akin na hindi sila tumatagal sa pakikipagusap sa akin dahil boring ako. Boring akong tao.
"Ikaw naman magpa-picture, Gel!" sabi sa akin ni Angelic. Napangiti nalang ako sakanya at umiling. "Ayoko, nakakahiya." Ang sabi ko lang. Pero makalipas ang ilang segundo, tumugtog ang isang kantang pambabae. Kasabay nito ay ang pagtilian ng mga manonood. Napatingin ako at nakuha ng atensyon ko ang isang lalaki, at ikaw 'yun. Blonde pa nga ang buhok mo noon.
Pagkatapos na pagkatapos niyong magperform, namalayan ko nalang na hinila ko na ang kaibigan ko at sinundan ka. "Papicture ako dun," Sabi ko at inabot ang camera kay Angelic.
Kinalabit ka niya. Nagulat ka pa nga at parang hindi inaasahan na may magpapa-picture sayo. Inabot muna sa akin ni Angelic ang camera para kayo muna ang magpipicture. Alam mo ba? Nanginginig ang kamay ko niyan. Hindi naman ako pasmado. Nang makita kasi kita, parang iba na kaagad. Nang ma-picture-an ko na kayo, mas kumabog ang dibdib ko.
Ibig sabihin kasi niyan, tayo naman. Tayo naman ang magtatabi at tayo naman ang magpipicture. Pero alam mo ba ang malas ko? May tumapak kasi sa sintas ng sapatos ko. Sinubukan ko siyang tapikin at sabihan pero hindi niya ako narinig. Hanggang sa wala na akong magawa kaya tinignan ko si Angelic na nakatitig lang, tila walang alam. Pero ang mata ko, may sariling utak. Ikaw ang natignan ko habang turo-turo ko ang sapatos ko.
Lumapit ka sa akin.
Tumigil ang takbo ng oras.
Tumigil ang pagikot ng mundo.
Alam kong imposible iyon pero 'yun talaga ang naramdaman ko.
Tumigil ka sa harapan ko.
At....
BINABASA MO ANG
One Shot Compilation
Ficção AdolescenteCompilation ng mga maiikling kwento ni pagong. 80% ay cliche. 15% ay sakit at lungkot. 5% ay nakakakilig.
