Alam mo ba yung feeling na kasama mo yung taong mahal mo? Ang saya diba? Ang sarap-sarap sa feeling. Yung feeling na feeling mo para sa iyo yung kantang "Nasa iyo na ang lahat" ni Daniel Padilla kasi yung makasama mo yung taong mahal mo ay isang dream come true na. Feeling mo kapag ganun, nasa iyo na talaga ang lahat lahat.
Pero matatawag mo pa kayang masarap sa feeling 'yun kung makakasama mo siya--pero may kasama pa siyang isa?
Kasama mo siya, oo.
Nakakatabi mo siya, oo.
Nagkakausap kayo, oo.
Pero ang atensyon niya, wala sa iyo.
Masarap pa kaya sa feeling 'yun?
*
Isang gabi noon nang itext mo ako. Sabi mo, samahan kita sa isang espesyal na araw mo. Ako naman si tanga, nagpakatanga pa lalo. Nireplyan kita. Sabi ko pa, "Sure!" Ang saya ko pa noh? Akala ko kasi gusto mo lang na makasama ako sa espesyal na araw mo. Akala ko espesyal din akong tao. Wait, oo nga pala. Espesyal ako sabi mo.
Ako kasi ang buddy mo.
Kahit saan, ako ang kasama mo. Kapag mamimili, kakain sa labas, sa school, kapag gagawa ng assignment.. Lahat na yata nagawa natin. Ay hindi, may isa pa pala tayong hindi nagagawa. Wel.. ako, oo. Nagawa ko na 'yun. At kasalukuyan ko nga siyang ginagawa.
At 'yun ang mahalin kita.
Kailan kaya darating yung araw na ikaw naman? Darating kaya yung araw na yun?
Sa espesyal na araw mo na ako ang kasama mo, naging masaya ako kahit papaano. Kasi espesyal na araw mo 'yan at naging parte ako nito. Ang sarap sa feeling na maging parte ng espesyal na araw ng taong mahal mo. Ang sarap sa feeling na gusto ng taong mahal mo na maksama ka sa espesyal na araw niya.
Ang sabi ko, naging masaya ako kahit papaano. Dahil akala ko ako lang ang makakasama mo sa espesyal na araw na 'to. Hindi ko inakalang may isa pa pala. At siya naman ang isang espesyal na tao para sa'yo.
Kasama ako sa espesyal na araw mo--kasama ang epsesyal na tao sa'yo.
Nang dumating ako sa restaurant kung saan sabi mong magkikita tayo ay napabuntong hininga ako ng malalim sa nadatnan ko.
Espesyal na araw mo.
Date mo.
Bakit kailangan kasama ako?
Nang makita mo akong nakatayo ay agad mo akong nilapitan. Tinawag mo pa nga ako, eh. "Bespren!" natawa nalang ako sarcastically. Paano nga ba tayong naging bestfriend? Eh para sa akin hindi ka isang kaibigan. Espesyal ka e. Hindi ka lang isang bestfriend sa akin.
Pero anong magagawa ko? 'Yun ang tingin mo sa akin. 'Yun ang turing mo sa akin.
"Charmaine, this is Angela, siya yung bestfriend na kinukwento ko sayo."
Kumain tayo noon. Nagsusubuan pa kayo.
Sana ako nalang yung nagsusubo sa'yo at sana ako nalang ang sinusubuan mo.
Nagkwentuhan tayo--oo, sinama niyo ako pero ang atensyon mo mas nakabaling sakanya.
Sana ako nalang siya. Sana ako nalang yung tinititigan mo ng ganyan. Sana ako nalang yung binabalingan mo ng sobra-sobrang atensyon.
Pinaglalaki mo ako bilang bestfriend mo.
Naiinis ako. Sana hindi ganun. Sana.. sana pinaglalaki mo nalang ako bilang kagaya niya. Bilang isang espesyal na tao para sa'yo.
"Special na special 'tong si Angela sa'kin eh." sabi mo. Napangiti ako. Espesyal rin naman pala ako, eh. Kahit papaano.. espesyal ako.
"Best buddies kami nito forever eh." dagdag mo pa.
Okay na siguro ito noh? Para forever......
Dahil kung hihiling pa ako ng mas malaki, na maging hindi lang isang maging kaibigan mo, baka ang forever.. magkaroon ng over.
Forever.
BUDDIES FOREVER.
![](https://img.wattpad.com/cover/13876130-288-k641547.jpg)
BINABASA MO ANG
One Shot Compilation
Teen FictionCompilation ng mga maiikling kwento ni pagong. 80% ay cliche. 15% ay sakit at lungkot. 5% ay nakakakilig.