Hanggang kailan kaya matatapos ang sulat kong itong para sa 'yo? Kailan kaya ako titigil? Gusto kong mangako sa sarili ko na ito na ang huli. Pero natatakot akong biguin ko ang sarili ko dahil noon pa lang, nagawa ko na 'yan. Sabi ko, huli na 'yon. Sabi ko, tapos na. Ayoko na. Pero anong nangyari? Noong muling makita kita, nagsimula na naman ako.
"Gel, may Multimedia Arts sa Lyceum." Parang dumagundong ang mundo sa narinig ko. Agad agad akong pumunta sa facebook profile mo.
Lyceum?
Familiar kase. Familiar na familiar. Hindi dahil kotang kota na ang school na 'yan sa mga stories from wattpad into movies pero dahil narinig ko na itong school na ito. Minsan na ako naging stlaker ng school na ito sa facebook at sa google.
Bakit?
Dahil doon ka nag-aaral.
Pero pinasintabi ko 'yon. Sabi ko, hindi por que may MMA sa Lyceum ay doon na ako magaaral. Hindi por que, andun ka, doon ako magaaral. Dahil may dream school din ako noh? At mag e-enroll ako sa isang school para magaral at hindi para lumandi.
Pero grabe ang destiny eh.
Alam mo ba kung saan lang may MMA? Sa Benilde, Ateneo, Mapua, LYCEUM and other colleges/academy/international school na kasing mahal lang din ng tatlo sa una kong nabanggit.
"Sa Lyceum ka na, gel." sabi sa akin ng Mama ko.
Laglag ang panga ko.
ibig sabihin ba nito..
magkikita tayong muli?
This time hindi na sa mga events.
This time, sa iisang campus na lang.
May pagasa kaya?
Na magkausap tayo?
Kahit na maging kaibigan lang tayo?
Tignan na lang natin.. sa darating na taong 2015. :)
BINABASA MO ANG
One Shot Compilation
Teen FictionCompilation ng mga maiikling kwento ni pagong. 80% ay cliche. 15% ay sakit at lungkot. 5% ay nakakakilig.