{3} Ako Na Naman

1.1K 47 7
                                    

(One Shot)

Inilabas ko ang isang malaking kahon na matagal ko nang itinatago sa cabinet ko. Isa-isa kong inilabas ang mga naka tago roon at kasabay nito ay ang pagka-alala ko sa mga panahong magkasama tayo.

Yung mga panahong nakakausap pa kita, yung mga panahong hindi mo pa alam ang tunay na nararamdaman ko.

 Inilabas ko ang isang bote ng Mineral water. Napangiti ako nang maalala ko ang mga panahong iyon. Nagmamadali ako noon pero pinilit mo akong manood ng practice niyo. Dahil kaibigan kita, pinagbigyan kita. Kahit na nagmamadali na akong umuwi noon ay hindi kita iniwan. Hinintay pa rin kita. Natandaan ko pa nga noon na tuwing magpapaalam ako sa iyo ay lalapitan mo ako at may iuutos ka sa akin, ang palaging utos mo nga noon ay "Pakibili naman ako ng tubig." Paulit ulit mong inutos 'yan at nagtataka na ako kung pinanliligo mo ba yun o sadyang uhaw ka lang. Dapat maiinis na ako nun kaso hindi ko magawa at sunod pa rin ako ng sunod sayo.

Sa tuwing sasabihin kong uuwi na ako, uutusan mo ako o di kaya uutusan ako ng mga kateam mates mo. Pero sa tuwing aangal ako sakanila ay mapapatingin ako sayo at ngingiti ka kaya wala akong magawa kundi ang sundan nalang pati sila. Doon bigla akong napatanong sa sarili ko. Bakit ba ako sunod ng sunod sayo? Bakit ba parang naghahanap din ako ng rason para hindi umalis dito at hindi ka iwan? Bakit hinihintay kita?

Sa araw na 'yon ay nasagot ko rin ang katanungan na 'yon nang matapos ang practice niyo. Nilapitan mo ako at niyakap ako. "Yan para hindi lang ako ang pawis!" pangaasar mo sa akin. Niyakap mo ako para mahawaan ako ng baho mo. Dapat bilang babae, magiinarte ako pero hindi ko iyon nagawa. Para ngang gusto ko pang ulitin mo yon.

Doon ko napagtanto na mahal na pala kita. Wala akong paki-alam kung isang galon pa ng tubig ang ipabili mo. Wala akong pakialam kung mabahiran din ako ng baho at pawis mo. Wala akong pakialam sa lahat. Basta ang alam ko, mahal na kita.

Kaya itinago ko ang Mineral bottle na ito dahil ito yung araw na inamin ko sa sarili kong mahal na nga kita.

Susunod kong nakita ay ang isang sirang payong. Ito yung payong na binigay mo sa akin nung birthday ko. Imbis na mainis ako dahil isang payong ang binigay mo sakin ay natuwa pa nga ako. Dahil nang ibigay mo sa akin yan, ang sabi mo, "Eto na payong ha? Wag ka nang lalabas ng walang payong. Wag ka nang magpapaulan. Ayaw  na kitang makitang may sipon o ubo."

Concern ka ba sakin? Gusto ko sanang tanungin ka niyan pero hindi ko na ginawa dahil natatakot akong isagot mo na "Oo, kaibigan kita eh." Syempre kaibigan kita kaya cocern ka diba? Kaya ayaw mo akong magkasakit dahil magkaibigan tayo, diba? Kaya mo akong laging sinasamahan dahil magkaibigan tayo, diba? Magkaibigan tayo. Tanga lang ako at na-fall ako sayo.

Susunod kong nakita ay ang isang rayban shades. Ito yung parati mong suot noong school fair na naiinis ako at nababadtrip ako patago dahil tuwing suot mo 'to ay pagtitinginan ka ng mga babae. Naga-gwapuhan pa lalo sayo. Kaya naman nang mapansin mong ang moody ko nanaman ay tinanong mo ako kung ano ang problema. Ako naman tong nadulas at nasabing naiinis kasi ako sayo pag suot mo ang shades na yan.

"Oh eto sayo nalang." Sabi mo sabay sinuot mo sa akin ang shades. Bakit mo ba sa akin to binigay? Dahil bang ayaw mong magseselos ako? O wala lang? Trip mo lang?

"Pre, halika na!" yaya ng mga kabarkada mo pero ngumiti ka lang at tinuro ako. Ako ang sinamahan mo noon at hindi ang mga kabarkada mo. Nagulat ako. Bakit nga ba ako ang sinamahan mo noon? Bakit hindi sila ang pinili mo? Bakit ako ang pinili mong makasama at hindi sila?

One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon