"Can you please stop looking at me?"
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
"Can you please stop looking at me?" Iyon ang kauna-unahang beses mo akong kinausap. 'Yon din naman ang kauna-unahang beses kitang kinausap dahil noon pa lang hindi ko na naisipan pang kausapin o lapitan ka. Ang tanging kayang gawin ko lang ay ang kunwaring tingnan ka. Kunwari lang dahil alam kong wala namang mapapala ang pagtingin ko sa'yo. Nangyayari lang ito sa tuwing kasama ko ang bestfriend ko, sa tuwing nakikita niyang nasa paligid ka at malapit ka sa akin ay sisikuhin niya ako o di kaya'y bubulungan ako at sasabihin kung nasasaang direksyon ka at saka kita lilingunin para kunwaring tingnan.
Sa tagal ko nang nabubuhay ay marami na akong narinig na mga istorya. Iba't ibang klaseng istoryang pag-ibig. May mga storyang nagsimula lang sa isang crush, sa pasulyap-sulyap. Mayroon namang mga nagsimula sa love at first sight. At mayroon din namang nagsimula sa simpleng pagkakaibigan lang nila. May iba't ibang simula ang mga storyang ito at mayroon ding iba't ibang katapusan. Ang iba rito'y wala pang nagiging katapusan dahil hanggang ngayon ay patuloy nilang ginagawa ang kanilang kuwento. Ang iba nama'y may naging masaklap na katapusan. May mga dahil sa third party, may nakitang iba, may na-realize o simpleng na fall out of love lang. Sa daming mga storyang ito, hindi ko maiwasang maitanong sa sarili ko kung Paano nga ba ma-inlove? Ano nga ba ang pakiramdam ng magkaroon ng isang taong (hindi kaibigan, hindi rin kamaganak) na handang ipagtanggol ka, hawakan ang mga kamay mo at banggitin ang three powerful words nang paulit-ulit sa'yo.
Pero hanggang tanong lang ako dahil paano ko nga ba masasagot ang mga katanungang ito kung hindi ko mapagdadaanan ang magkaroon ng isang espesyal na taong makakatulong sa pagsagot ko ng mga katanungang ito? How can I possibly answer these questions if the person I want to help me with this is you? You who never talked to me. You who never even looked at me. You who doesn't even know my name. Who doesn't even simply know my existence.
Kaya nga hanggang sulyap, lingon, tingin lang ako diba? Because I don't have the guts, the confidence to talk to you. To tell you I'm having this weird feeling for you. Wala akong lakas ng loob na sabihin sa'yo kung papaano mo napapatibok ng mabilis ang puso ko, hindi ko masabi kung papaano mo nagagawang mapalingon agad ako sa tuwing marinig ko ang pangalan mo.
Love is unfair.
Love is complicated.
Lovs is confusing.
Love is funny.
I also deserve to be loved.
Love is unfair dahil hindi natin naiiwasang mahulog sa taong hindi tayo sasaluhin. It's like we're back to our old early days again. 'Yung parang noong bata pa tayo at hilig natin ang sumakay sa swing. 'Yung panahong mahilig tayo maglaro ng mga larong kailangan ng balanse. 'Yung mga larong kung saan posible tayong mahulog, madapa, umiyak nang umiyak dahil sa sakit at tumigil din sa kaiiyak at tumayo kapag tuluyan nang humupa ang sugat sa sakit na dinulot ng pagkakahulog mo. Just like our story. I fell but you did not catch me. I fell, I cried because I was hurt but I know.. someday, I'll be able to stand up again.
Love is complicated. Once you fall, there's no going back. Maybe there is a way but it needs time. It needs strength and courage. Bakit kaya hindi nalang puwedeng diktahan ang puso't isip natin at sabihing TAMA NA, HUWAG NA? Bakit kaya hindi nalang natin puwedeng kalimutan agad ang nararamdaman natin sa isang tao? Simply because love is complicated. And complicated things are given to us as a challenge. It gives us lessons.
Nakakatawa ang love dahil minsan hindi mo alam kung totoo na ba ito o pinaglalaruan at binibiro ka lang. Minsan, kinakailangan nating isiping biro lang ito at hindi ito katotohanan para hindi tayo masaktan but in fact, we're just hurting ourselves more. Why? Dahil hindi lang ang mundo ang niloloko mo. Pati na rin ang sarili mo. Sarili ko. Niloko ko.. thinking we have the chance. We are capable of each other. Naniwala akong may pagasa sa ating dalawa.
I also deserve to be loved. Saka ko lang naisip ito at nasabi sa sarili ko nang unang magkausap tayo. 'Can you please not talk to me?' Natatandaan mo ba 'yan? Natatandaan mo bang sinabi mo sa akin 'yan? Nakita mo ba ang pagiba ng ekspresyon sa mukha ko nang kausapin mo ako? Kinalabit ako ng bestfriend ko noon at sinabihan akong papalapit ka at nasa kaliwa kita kaya tumingin ako sa kaliwa kahit na wala naman talaga akong nakikita.
"Can you please stop looking at me?" Tanong mo noon. Nahuli mo ba akong nakatingin noon? Napansin mo na bang parati na lang kitang nililingon? Alam mo ba? Alam mo bang ginagawa ko lang 'yun para mangyari 'to? Para mapansin mo ako?
Hindi mo ako hinayaang sumagot noon. Kinuwento sa akin ng kaibigan ko noon kung papaano mo ako tignan. Kung ano ang ekspresyon mo nang lapitan mo ako. Lahat ng iyon ay kailangang ikuwento pa sa akin dahil hindi naman kita nakikita.
"I want you to stop looking at me." Muli noon ay hindi mo ako hinayaang sumagot dahil nagpatuloy ka lang sa pagsalita.
"Because I want you start talking to me. Gusto ko simula ngayon hindi lang tingin at sulyap 'yang gagawin mo. I want to get to know you more. I'm Dave by the way." Hindi ko alam kung nakatingin pa ako ng mga oras na 'yan pero nalaman kong hindi pala nang hawakan mo ang pisnge ko at sinabi mong, "Now I need you to look at me."
Umiling ako.
Natahimik ka at binitawan ang pisnge ko at tumawa, "Kung kailang binibigyan na kita ng permiso na tingnan ako ayaw mo na. Kailangan ba laging pasulyap-sulyap lang?" Naramdaman kong winagayway-wagayway mo ang kamay mo sa tapat ng mukha ko. Akala mo natutulala ako.
"Uy, huwag ka namang matulala diyan." Umiling muli ako at yumuko.
"Look at me, magkaibigan na kaya tayo!" You sound so bubbly and excited. I hate to break your good mood but I needed to tell you the truth.
"Kahit na anong gawin ko, hindi kita matitignan. Sorry. Ang kaya ko lang gawin ay kunwaring lingunin ka o kunwaring tingnan ka. I'm blind. Yes. Hindi kita nakikita." Natahimik ka lang. Naging tahimik lang hanggang sa iniwan mo na pala akong nakatayo doon. Kaya pala ang tahi-tahimik na, kaya pala wala nang sumasagot kasi umalis ka na. Hindi ko man nakita ang mukha mo, okay lang. Ang masasabi ko lang ay masaya pa rin ako dahil nakita ko ang puso mo. Ang puso mong kahit isang beses lang ay nakaramdam ng kagustuhang kilalanin ako.
Love is funny.
Its funny how many years I tried hiding my feelings for you but it only took you 1 day to break it, break me.
Loving is painful. Loving is hard. But everyone, no matter who you are, deserves to be loved. May kapansanan ka man o wala, hindi ka man kagandahan, hindi ka man kasexy-han, hindi ka man katalinuhan, manloloko ka man o manhid, you deserve to get the love you're looking for.
Because Love is for everyone.
Just one more glance. One more glance inside my heart where your name is written all over and I'm done. Done with you.
Falling inlove with the wrong person is like falling or slipping down the floor. You'll get hurt but soon you'll get over it and you'll be able to stand up again.
BINABASA MO ANG
One Shot Compilation
Fiksi RemajaCompilation ng mga maiikling kwento ni pagong. 80% ay cliche. 15% ay sakit at lungkot. 5% ay nakakakilig.
