Medyo walang sense. Medyo lol. Ewan.
play music. (waiting by younha)
Bakit kaya sa dami-rami ng tao sa mundo, sa'yo pa ako nahulog? Sa milyong taong nakakasalubong ko, bakit kaya sa'yo pa ako umasa? Akala ko noon, may pag-asa.
Natatandaan mo pa ba?
Noong mga panahong nalulungkot ako, ikaw ang nakasama ko. Pinuntahan mo pa nga ako sa bahay, eh. Kahit na busy ka, tumakbo ka para lang damayan ako. Pinunasan mo ang mga luha ko noon. Tinanong mo pa ako, kung bakit. Pero natatandaan mo ba? Hindi ako sumagot. Kasi ayokong magsinungaling sa'yo.
Natatandaan mo pa ba?
Noong bumagsak ako sa exam, ikaw kaagad ang sinabihan ko. Alam mo kung bakit? Kasi alam ko na kapag ikaw ang unang maka-alam, ikaw din ang unang magco-comfort. Ikaw ang unang mag-aadvise. At alam ko na pag mangyari 'yun, gagaan ang loob ko.
Natatandaan mo pa ba?
Noong may sakit ako. Ikaw ang nagdala sa akin sa clinic. Inabutan mo ako ng gamot pero tumanggi ako. Alam mo ba kung bakit? Kasi makita pa lang kitang nasa tabi ko at binabantayan ako, isa nang malaking gamot para sa akin 'yun.
Sa bawat oras na magkasama tayo, pilit kong pinaparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal. Kung gaano ka ka-importante sa akin. Pero bakit ganun? Bakit hindi mo napansin ang mga pahiwatig kong 'yun? Dahil ba may iba kang hinihintay na magpahiwatig sa'yo?
Kagaya mo, naghihintay din ako.
Kahit na gaano katagal, kakayanin kong hintayin ka. Dahil sa kahit na gaanong katagal 'yun, alam ko.. it'd be worth it.
Naghintay ako na mapansin mo ako. Hindi ang.. makaka-kita ka na ng papansinin mo.
Lumapit ka sa akin noon, naka-ngiti at excited na excited. Sa likod mo ay isang babae. Isang babaeng ibang-iba sa akin. Napa-ngiti na lang ako sa'yo.
Ang sabi ko noon.. maghihintay ako.
Oo nga. Naghintay nga ako.
Naghintay akong masaktan lang.
Nakakatawa lang. Bakit kaya laging ako na lang?
Ako na lang palagi.. ang naghihintay?
Hindi ba pwedeng... ikaw naman?
BINABASA MO ANG
One Shot Compilation
Teen FictionCompilation ng mga maiikling kwento ni pagong. 80% ay cliche. 15% ay sakit at lungkot. 5% ay nakakakilig.