Lumapit ka sa akin.
Tumigil ang takbo ng oras.
Tumigil ang pagikot ng mundo.
Alam kong imposible iyon pero 'yun talaga ang naramdaman ko.
Tumigil ka sa harapan ko.
At....
Lumuhod ka.
Inayos mo ang sintas ng sapatos ko. Pero napa-iling ka sa sarili mo at tumayo. Magkaharap tayo, noon. Para akong tangang naka-nganga lang sa harapan mo. Hindi gumagalaw, akala ko, na-stroke na ako. Akala ko nga na hypnotized na ako.
Binigyan mo ako ng isang apologetic look. Wala pa rin akong imik. Natauhan nalang ako nung lumapit ka doon sa lalaki at tinapik siya.
"Ay, sorry. sorry!" sabi lang nung lalaki. Paulit ulit siyang nagsorry sa akin at sa'yo.
Pagkatapos niyan ay nagpicture na tayo. Alam mo ba? Nasa akin pa rin ang picture na 'yon. Kahit na mukha akong troll doon, nakatabi pa rin siya.
Pagkatapos nating magpicture, tumingin lang ako sa iyo ng mabilisan. Isang sulyap lang.
At saka hinila ang kaibigan ko.
Hindi man lang ako nag thank you sa iyo.
At simula nga niyan, naging active na ako sa mga events.
Palagi na akong nakikipag picture sa'yo.
Sinubukan kong magpapansin pero...
iba ang napansin mo.
December 27, 2012
Isa nanamang event. Ang sabi kong pupuntahan ko ay ang fcuz. Sabi ko, kaya ako pupunta para makita ang fcuz. Pero ang totoo niyan, kaya ako pupunta.. para sana muli kang makita. Sabi nila, nababaliw na raw ako. Dahil nagkakagusto raw ako sa taong hindi naman ako kilala.. at hindi ko naman tunay na kilala--personally. Natawa ako sakanila. Naniniwala kasi akong, ang puso, walang pinipiling panahon 'yan. Walang pinipiling oras.. at higit sa lahat, walang pinipiling tao. Kapag 'yan, tumibok, wala ka nang magagawa pa. Kapag 'yan, may maramdaman na, wala ka nang magagawa pa. Kundi ang tanggapin na lang ang katotohan at ang lahat.
BINABASA MO ANG
One Shot Compilation
Teen FictionCompilation ng mga maiikling kwento ni pagong. 80% ay cliche. 15% ay sakit at lungkot. 5% ay nakakakilig.