"Just I thought I was over you... nagparamdam ka na naman."
"Kelly, ayan na siya, ayan na siya. Baka nagising na ang true love mo!" pa-lokong bulong sa akin ng kaibigan ko. Napa-iling lang ako sa kanya. Alam ko naman kasi na imposible 'yon.
"Alam mo, iba ka rin noh? Yung ibang babae diyan kapag ganyang niloloko, hahanap-hanapin, eh." Umupo siya sa tabi ko at naki-basa na lang ng binabasa kong libro. Binaba ko ang libro at napa-yuko. Natandaan ko kasi. Natandaan ko noong ikaw pa ang palaging kasama ko dito sa lamesang ito. Noong ikaw pa ang kasama ko tuwing wala akong magawa at pupunta ng library.
"Iniisip mo nanaman siya, noh? Kelan ka ba mag mo-move on diyan? Ang tagal na ah!" 1 year? 2 years? 3 years? Kahit ata abutin pa ng apat na taon, hindi ko pa rin masasabing I'm totally over you. Dahil sa loob ng limang taon, tinago ko ang totoong nararamdaman ko para sa'yo.
Grade six ako noon nang makilala kita. New student ako, old student ka naman. Ikaw ang nag-tour sa akin sa school natin at naging magkaibigan tayo. Graduation, sabi mo lilipat ka na ng school. Syempre, nalungkot ako. Nagluksa ako. Para akong namatayan at alam mo ba? Nun ko nalaman na crush na pala kita. Kaya imbis na malungkot ako sa pag-alis mo ay tila natuwa pa ata ako. At least, hindi ko na siya makikita. Hindi na mas lalaki 'tong crush na 'to. Puppy love lang naman ito, eh. 'Yun ang sinabi ko sa sarili ko.. hanggang sa feeling ko, nawala na nga ang pagka-crush ko sa'yo. Pero alam mo ba ang ikinagulat ko?
Noong fifth day ng first year highschool ko, nakita kitang nakaupo sa loob ng classroom namin. Akala ko noon, wala na. Pero nalaman kong mas malaki at mas malala pa pala ang nararamdaman ko nang makita kita.
Sa isang taon na ikaw palagi ang nakasama ko, mas lumaki ang naramdaman ko para sa'yo. At mas bumibilis na kada-oras ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano nga ba ang nararamdaman ko noon kaya naman hinayaan ko lang. Hindi ko ito pinagsabi kahit na kanino.
Pero naging second year na tayo.. third year.. fourth year. Hindi pa rin nawala ang weirdong pagtibok ng puso ko sa tuwing kasama kita.
Hanggang sa grumaduate na tayo. Akala ko, hindi na talaga tayo muling magkikita dahil syempre, magkaiba tayo ng mundong gustong tahakin diba? Pero mali ang akala kong iyon.
Magkaparehas pa tayo ng course. Parehas tayong Multimedia Arts ang kinukuha. Yung pang pitong araw natin sa klase, bigla akong natauhan.
"Sino ba dito ang hindi pa nagmamahal?" 'Yan ang tanong sa amin ng isang prof. Siniko mo ako nun nung hindi ako nagtaas ng kamay. "Uy, akala ko ba NBSB ka?" pagbibiro mo. "Bakit hindi ka nagtaas?" ang tanong mo pa. Napangiti lamang ako.
Bakit nga ba hindi ako nagtaas?
Napatingin ako sa mukha mo. Sa mga mata mong kumikinag sa kagandahan, sa ilong mong napaka tangos at sa labi mong mukhang sobrang lambot. Doon ko lang napagtanto.
Inlove na pala ako.
...sayo.
"May problema ba?" tanong mo pa. Napa-iwas ako ng tingin.
"Malaki." Gusto ko sanang sabihin. Pero syempre, hindi ko nasabi.. may dumating kasi.
"Oh, Shayne!" Tila nakakita ka ata ng diyosa nang makita mo siya dahil kakaiba ang mga ngiting binigay mo sa kanya. Yung mga ngiting 'yon.. matagal ko nang hinihiling na maibigay mo sa akin 'yan.
"Wait lang, ah?" paalam mo sa akin. Bago ka pa makalayo ay tumayo ako at hinablot ko ang braso mo. Napa-lingon ka sa akin at tila nagtataka at ayaw magpaistorbo. Dumating lang siya.. ganyan ka na?
"Diba tinanong mo kanina kung may problema ba?" Nakatitig ka lang at naguguluhan pa rin.
"Meron, matt. Since grade 6 pa nga 'to, eh. At malaking problema 'to."
"Matt kasi... mahal na kita." Napaiwas ka ng tingin at tumawa ng mahina. Sinenyasan mo si Shayne na hintayin ka nalang sa labas dahil makikipag-usap ka sa akin.
"S-sorry." Ang sabi mo sa akin. Natawa ako.
Mahal kita ang sinabi ko at ang sagot, SORRY? Mas matatanggap ko sana kung THANK YOU na lang ang isinagot mo.
"Alam mo naman na si S-shayne diba?" Huminga ako ng malalim.
"Ikaw naman, di ka mabiro." Pagsisinungaling ko. Huminga ka ng malalim at ngumiti.
"Wag ka ngang nagbibiro ng ganyan! Nakaka-kaba ka ha!" At saka ka na lumakad papalayo. At kasabay ng palayo mong paglakad ay ang paglayo rin ng loob ko sa iyo.
Third year college. Nag migrate ka. Parang bumalik ang nangyari dati. Nasiyahan nanaman ako imbis na malungkot. Dahil inisip ko kung hindi na kita makikita baka sakaling mawala na ang nararamdaman ko sa'yo.
At tama nga.
Isang taon tayong hindi nagkita. At oo, hindi mo pa rin alam.
At sa isang taon na 'yun, masasabi kong wala na.
I'm totally over you.
"Sabay na tayo pumasok sa work. Sabay na kita, girl." Tumanggi ako kay Joyce. Nakakahiya naman kasi. Simula highschool, siya na ang nakakasama ko. Pati ba naman after college, sakanya pa rin ako aasa?
"Kelly! Ang true love mo! Andiyan! Baka nagising na ang true love mo!" Napatingin ako sakanya at natawa. Ang tagal din kasi niyang hindi ako niloko niyan.
"Na-miss ko 'yang loko mo, ah."
"Hindi ako nagloloko---" Hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Joyce dahil tila may iisang boses lang akong narinig. Nag-echo siya sa tenga ko. Paulit-ulit. Hindi nakakarindi... kundi nakaka-miss.
Yung boses na 'yun.
"Kelly?"
Napatingin ako sa'yo.
Dug.Dug.Dug.
Just when I thought... I was over you.. andiyan ka nanaman.
"Hi Kelly!"
Andiyan ka nanaman...
kasama siya.
BINABASA MO ANG
One Shot Compilation
Teen FictionCompilation ng mga maiikling kwento ni pagong. 80% ay cliche. 15% ay sakit at lungkot. 5% ay nakakakilig.