{4} Pag Ayaw Mo Na

1K 43 5
                                        

"Bakit hindi mo masabi sa akin na ayaw mo na?"

                                                                                **

Nagmamadali akong nagbihis at nagayos nang makarating ako ng bahay galing sa eskwelahan. Nakalimutan ko ang cellphone ko nung umaga dahil 1st anniversary natin ngayon. Nakalimutan ko dahil sobrang excited akong pumasok para mabati ka at makita ka. Pero nang dumating ako sa eskwelahan, wala ka. Lumapit sa akin si Eunice, ang isa sa mga kaibigan mo.

"May sakit si Matt, eh. Hindi daw siya makakapasok." Sabi niya sa akin. Hinintay ko lang siyang may sabihin pa pero tinitigan lang din niya ako.

"Wala na ba siyang pinapasabi?" Pagtatanong ko. Umiling si Eunice at saka umalis na. Pero dahil nga may sakit ka, hinayaan ko na. Pagkatapos na pagkatapos ng klase, inisip ko, pupuntahan kaagad kita. Kaya nga ngayon diba ay nagmamadali akong magbihis?

Nasa harapan na ako ng bahay niyo in just 15 minutes. Halos kumaripas ako ng takbo para makapunta sa sakayan ng jeep ng mabilis at halos makipag gerahan na ako sa pilahan para lang mauna sa pagsakay. Ganun ako ka-concern sayo, eh. Ganun kita kamahal. Ang hindi lang kita mabati personal sa first anniversary namin, feeling ko isa iyong mortal sin. Well, sana nga naging mortal sin na 'yun para walang nasasaktan sa mga ganitong pangyayari. Pero naiintindihan ko dahil may sakit ka nga, diba? At saka, mahal na mahal kita, eh. Nararamdaman mo ba kung gaano kita kamahal?

Pipindutin ko na sana ang doorbell pero natigilan ako nang makarinig ako ng isang halakhak galing sa likuran ko. Hindi ko alam kung bakit pero automatic akong napatago sa likod ng poste. Sinilip ko kung sino, at alam mo ba kung ano ang nakita ko?

Nakita kita. Kasama si Eunice. Pero pumikit-pikit ako at kinamot ang mga mata ko, iniisp na baka ay namamalik mata lang ako o di kaya baka naman akala ko lang ikaw.

Pero walang nagbago.

Ikaw talaga 'yan.

Nang mga araw na 'yan, may natutunan akong bago sa buhay. Ang taong totoong may sakit pala ay magagawa pang gumala at humalkhak. Partida pa, kasama pa ang taong nagsabing may sakit ka.

Tumakbo na kaagad ako bago mo pa ako makita.

                                                                                **

Lumipas ang ilang linggo, hinihintay ko pa ring batiin mo ako pero wala. Sadya bang nakalimutan mo o ayaw mo lang talaga?

Sa isang linggong 'yun, palagi kang matamlay sa harapan ko.  May sakit ka ba talaga? O baka naman ayaw mo lang na makasama na ako? Dahil sa tuwing uwian, sasabihin mo laging mauuna ka na dahil hindi maganda ang pakiramdam mo. Lagi akong mag-ooffer na ihahatid kita sa inyo pero ang palagi mong sinasagot ay, "Wag ka na magabala, kaya ko na 'to. Baka ano pa mangyari sayo pag pauwi ka na." At sa simpleng sagot mo lang na 'yun, nasisiyahan ako. Alam ko, katangahan ang pinapairal ko pero ayan oh, concern ka sa akin.

Lumipas ang isa pang linggo. Dalawang linggo matapos ang anniversary natin (na nakalimutan o sadyang--kinalimutan mo), isu-surprise sana kita dahil nalaman ko sa mga kaklase kong nanalo ka pala sa sinalihan mong song writing contest. Inisip ko, baka sosorpresahin mo ako kaya hindi mo kaagad sinabi sa akin. Pero inunahan na kita. Ako nalang ang sosorpresa sayo.

Nang magdo-doorbell na ako, bumalik ang alala dati. Ibinaba ko ang kamay ko at nanatili lang na nakatayo sa harap ng gate niyo. May mga luhang namumuo sa mga mata ko. Hindi naman kasi talaga ako tanga. Nagpapaka-tanga lang ako. Alam ko namang wala kang balak na sorpresahin ako kaya para hindi ako gaanong madisappoint, ako nalang ang sosorpresa sayo. Alam ko namang wala ka talagang sakit nung anniversary natin. Alam ko namang may iba ka nang nararamdaman para sa akin dahil sa tuwing kasama kita, may nakikita akong kakaiba sa mga mata mo.

One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon