August 03, 2013
Ang tagal. Ang tagal kong hinitay 'tong araw na magkikita uli tayo---or more like, makikita na muli kita.
Alam mo yung destiny? Akala ko mayroon tayo nun. Lakas mangarap diba? Kasi nung papasok palang kami ng megamall, sa harap ng bench ata na store.. ikaw kaagad ang naisip ko. "Nako papapicture talaga 'ko sakanya." sabi ko pa kay Angelic habang nagmamadaling lumakad. Naeexcite na kasi ako nun. Napa-nganga nalang ako nung makita kita. Akalain mo 'yun? Wala pa ako sa event venue pero nakita na kita? Ikaw ang kauna-unahan kong nakita.
Nadaan mo ako. Wala kang kasama.
Grabe lang.
Natuwa pa rin ako. Kahit na dinaanan mo lang ako. Ulit.
Hindi mo naman kasi ako kakilala, diba?
Isa lang akong hangin.
Yang araw na 'yan, pagkauwi na pagkauwi, tuwang tuwa nanaman ako. Nakipag picture nanaman kasi ako sayo. Nagkatabi nanaman tayo. Nakausap nanaman kita. Kahit na isang "sure" "thanks" lang ang sinasabi mo sa akin, masaya pa rin ako. Conversation na ang tawag doon diba?
Kaso nung gabi, nag ask.fm ako sa'yo. Naka anon ako. Ganun ako kaduwag. Kailangan kong mag anon, para lang makausap ka. Natandaan mo ba? Ako yung anon mong baliw sa'yo. Ako yung nagtanong kung natandaan mo ba yung araw na may tinulungan kang babae sa sintas ng sapatos niya. Para akong tanga. Alam ko naman kasing hindi mo 'yon maaalala. At 'yun nga. Nag reply ka. Ang sabi mo, hindi mo matandaan at tinanong mo pa nga kung totoo bang may nagawa kang ganun. Sabi mo pa rin, baka sadyang matulungin ka lang talaga.
Hindi mo natandaan. Malamang. Ako lang naman ang nakaka-alala nun, eh. Ako lang naman kasi ang may gusto. Ako lang ang may hinihintay. Ako lang ang umaasa. Hindi akong umaasang magiging tayo. Umaasa lang ako na mapansin mo ako. Kaso wala nga.
Iba ang napansin mo.
Ang napansin mo ay ang babaeng ka-schoolmate kong isang cosplayer rin. Ang babaeng mas bata sa akin. Putangina, child abuse! Gusto kong isigaw. Paano ko nalaman? Nasa facebook mo kasi ako non. Nakita ko ang status mo. Sabi mo, "May crush ako" Madaming nag react. Hello? Sikat ka kaya. Sa di malamang dahilan, shinow comments ko ito. Nahagilap ng mata ko ang comment mo.
Ang sabi mo, "Iba talaga kapag Dominikana, eh." Nanlaki ang mga mata ko. Taga Dominican kasi, ako. Pero duh. Alam kong hindi ako 'yun. At... yun. Nakilala ko kung sino itong babaeng ito. Siya si..... basta. Close pa naman kami dahil parehas kaming kpop fan.. kaso simula nang malaman ko 'yan, lumayo ang loob ko sakanya.
Para akong tanga, nagselos ako!
Bakit siya ang napansin mo? Bakit kung sino pa ang naghihintay ng pansin mo, hindi mo mapansin? Bakit kung sino pang hindi ka naman hinihintay ang napansin mo? Bakit hindi na lang ako na matagal nang humihiling ng isang miracle? Bakit hindi akong matagal nang may pagtingin sa'yo?
BINABASA MO ANG
One Shot Compilation
Teen FictionCompilation ng mga maiikling kwento ni pagong. 80% ay cliche. 15% ay sakit at lungkot. 5% ay nakakakilig.