†Chapter Fifteen†

20 6 0
                                    

8:30 am. Nagising ang dalawa at kumaripas sa pag-aayos sa kadahilanang late na silang pareho para sa first class nila.

Naunang naligo si Keith, sumunod si Clark at Sabay na nagtungo sa School nang matapos sila sa paliligo't pag-aayos.

Hindi na nakapasok ang dalawa sa kani-kanilang First class.

Maya-maya't natapos din ang First class. Lumabas ng kuwarto si Phon at takang takang nakita si Keith na naghihintay sa labas.

"Oh? Keith. 'Bat di ka pumasok?" Tanong ni Phon.

"Late na kasi eh. Nakaka-hiya naman kung papasok pa 'ko, nangangalahati na kayo." Sagot ni Keith.

"Ba't ka nga ba late?" tanong ni Phon.

"Late ako ng gising. Gabi na kasi kami naka-uwi ni Clark." Malinaw na sagot ni Keith.

"Ahh. Ok. Ikaw Keith ah! Busy ka na diyan kay Clark ah! Nakaka-limutan mo na 'ko!"  Emote ni Phon.

"Uyy hindi ah! Baka nakakalimutan mong ikaw ang kasama ko lagi! Kaya imposibleng kalimutan kita!" Sagot naman ni Keith.

"Keith! Una na 'ko! Kita nalang tayo mamaya sa Gym." Paalam ni Clark.

Maya-maya pa nga't natapos na ang klase at tumuloy na si Keith kasama si Phon sa Gym.

Nagjo-jogging at nagte-training si Clark sapagkat si Clark ay varsity ng basketball sa SVU.

Sunod-sunod na nagguwa-guwapuhan ang tumatakbong dumadaan sa kanya. Slow motion. Ito ang paningin ni Keith sa mga tumatakbo.

Nau-una si Lucas. sumunod si Matteo,  si Newt at si Clark.  Ngunit may isa pang humahabol na umatract sa mata ni Keith. Ang chinitong si Russell Buencamino o mas kilala sa pangalang Woozi. Si Woozi ay isa ring basket bolista ng SVU. Pink ang buhok. 'Di katangkaran. at Sobrang Cutie!

Na-love at first sight si Keith.
Ngunit sino ba namang hindi? Sa napaka-cute na si Russell. Ang mga mata nitong napaka-liit. Ang height na parang bata. Loko-lokong gamer na hindi mo makaka-usap ng maayos. Simpleng joke na nakaka-luha sa sobrang katatawanan. Pamatay na ngiti at maputi nitong katawan. Sino nga ba talaga ang hindi mahuhulog sa nilalang na ito?

"Hi!" kaway ni Keith kay Woozi.

"Hello!" Sagot nito.

Napa-talon sa kilig si Keith. Naglumpasay at nagtiti-tili. Talagang nahulog na itong si Keith.

"Phon narinig mo? I love you daw sabi sakin!" Tanong ni Keith.

"Hello daw sabi." Sagot ni Phon. "Assumera 'to!" kontra pa nito.

"Enebe? sekey neleng bhe!" Balik ni Keith kay Phon.

"Ok." Balik ni Phon. "Oh? Wala daw bang I love you too?" Sarcastic na sinabi ni Phon.

"I love you too!" Sigaw ni Keith na hindi rin naman narinig ni Woozi.

Natawa nalang ang dalawa sa kanilang kalandian.

Natapos na ang training ng mga manglalaro. Kinabukasan ay may laro na sila. Kaya puspusan ang kanilang pagte-training.

"Punta ka bukas ah!" Sigaw ni Woozi kay Keith sabay kindat.

"Oo! para sayo!" Kinikilig na sagot ni Keith.

Hinila na ni Keith si Phon at Clark at sinabing:

"Sundan natin siya!" Sinundan nga nila ito at nakitang si Woozi ay nakatira sa tabi lamang ng kanilang dorm.

Saint Vernon UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon