Blaze's POV
Nasa school ako ngayon. Loner ang peg ko this day. Wala si Storm. Teka, bakit siya talaga? Duh! Nakakainis kasi wala siya. Aish! Bakit naman ako maiinis kung wala siya? Hindi lang naman siya ang dahilan kung bakit loner ako! "Oo tama, tama." Sabi ko sa sarili ko. Wala din kasi ang iba. Si Nami busy sa student's council ngayon lalo na't siya ang president at malapit na ang school fair. Si Kheya hindi ko din kasama kasi hindi kami classmates at magka-iba ang schedule namin. Si Yheri may lagnat. Si Miku ayun, inalagaan ang kambal niya. How sweet. Si Xyler may training siguro sa soccer. Si Kuya Kiro nasa Japan. Business na naman. Si Kuya Hiro nasa bahay may LBM siguro. Haaaayyyy.
"What are you lookin' at?" Tanong ko sa mga estudyante sa hallway. Iniba naman nila ang tingin nila.
"Such a mean girl." Bulong ni Aila nang makaraan siya sa gilid ko. I just smirked.
"Blaze." Narinig kong tawag ni Xyler sa akin. Lumingon naman ako.
"Hi Xyler! Iiiihh. Don't you have a training today? Here, I made some cookies for you. I made it!" Sabi ni Jian nang dumaan si Xyler sa kanila. Tinignan niya lang ito.
"She made it daw eh may tag naman nung bakery sa gilid. Psh." Bulong ko.
"Excuse me, did you say something?" Maarteng tanong niya.
"Pake mo kung may sinasabi ako? Umiikli ba ang life span mo kung magsasalita ako?" Siyempre hindi ako nagpatalo lalo na't I'm not in a good mood today. Kung iikli talaga ang life span niya magsasalita na ako segu-segundo.
"Ugggh! Xyler, accept it naaaa." Si Aila naman nagsalita.
"Aniyo kwaenchanayo (no, thank you in korean)" Xyler said saka lumapit sa akin.
"Ano daw?" Narinig kong tanong ni Jian sa mga alipores niya.
"Sabi niya, maganda daw tayo. He said mamaya na lang daw natin ibigay kasi may klase pa daw tayo. Oh my gosh, he really cares for us!" Pinalakas niya pa ang boses niya para marinig naman ng mga tao sa hallway.
"Oh my gosh! Ang galing mong mag Japanese! Ikaw na." Sabi naman ni Jian. Kung hindi si Storm, si Xyler naman.
"Dont mind them." Sabi ni Xyler sa akin.
"Mabuti dahil may kasama ako ngayon." Sabi ko. Pagkatapos nun lumabas kami ng building at naglibot-libot sa campus.
"Blaze, coach texted me that I should go to the soccer field. I think he have something to say about the meet." Before I forget, Xyler is a soccer player. Hindi sa pagmamayabang pero siya yung best player sa school when it comes to soccer. Nakalaban na din siya sa national meet and guess what, they won.
"Really? Jal gayo (goodbye)." Alam niyo kung bakit nagsasalita kami minsan ng korean? Eh half korean kasi kami tapos madalas pumupunta din kami doon sa mga kamag-anak namin sa korea so ayun nga.
"Yep! See ya!" Sabi niya saka umalis na. Akala ko may kasama ako ngayon. Umupo ako sa isang bench na medyo tago nang biglang may lumapit sa akin.
"Hey." It's Xander. Ano na naman ang kailangan niya?
"Wala ka yatang kasama ngayon." Sabi niya. Naiinis pa rin ako sa kaniya dahil dun sa nangyari. Remember that night when he approached me? At nung hinigit niya ako noong camping. Ayoko sa mga feeling close. Saka curious din ako kung bakit hindi sila good vibes ni Storm.
"May nakita ka bang ibang tao dito?" Sabi ko at tumingin sa phone ko. How rude of me.
"Haha. So hindi mo talaga ako maalala." I looked at him puzzled. "Haha forget about that. Sorry pala sa nangyari noong una tayong nagkita. I was drunk and very depressed that time. I'm very sorry."
BINABASA MO ANG
Best Frienemy
RandomAraw-araw parang paulit-ulit lang ang mga nangyayari. Pero masaya naman kahit papaano. Bata palang ako marami na akong kinaiinisan. Isa na dun yung Best enemy ko na hindi ko alam kung bakit Best friend ko din. Lalaki siya. Well actually pangit siya...