"Students, please proceed inside the bus. We are now going!" Sigaw ng school president namin na katabi ko at nandito kaming dalawa sa labas ng bus. Alam niyo kung sino? Si Nami Gayle Mendez. For short, si Nami haha. Mukha na siyang stressed dahil kanina niya pa sinasaway ang mga estudyante para pumasok na sa bus pero hindi naman nakikinig. Ngayon na pala ang camping trip namin at bus ang sasakyan namin. Halos lahat ng students sumama kaya maraming bus din ang ginamit.
"Ayaw niyo ha." May kinuha siya sa loob ng bus. Paglabas niya hawak niya na ang isang malaking pan at sandok. Pinaghahampas niya ang sandok sa likod ng pan kaya tumunog ito nga napakalakas. Natahimik naman lahat ng estudyante. Huminto na si Nami sa ginagawa niya at tumingin ng masama sa mga estudyante then pinalitan ito ng napakalaking ngiti sa labi niya. Parang nagsasabing 'sa wakas!'
"Now! let's go. Get inside the bus!" Sigaw niya ulit at kumaripas naman ng takbo lahat ng mga estudyante papasok ng kani-kanilang bus.
"Haha, nice job." Sabi ni Kuya Kiro sa kanya nang mapadaan ito papasok ng bus. He even patted Nami's hair.
"Did you see that??" Mahina niyang tanong sa akin. Oo, ginawa ka niyang aso hahaha. Pero joke lang Nami.
"Hindi."-ako.
"Nakita mo eh ! Kiyaaaah!! He patted my head! Nag smile din siya sa akin!" Sigaw niya.
"Hindi ko talaga nakita eh." Pag maang-maangan ko. Nakita ko naman eh iniinis ko lang siya.
"Ganito 'yun!" Hinatak niya ulit si Kuya Kiro palabas ng bus. Kinuha niya ang kamay nito at pi-nat ulit sa ulo niya. Nagulat naman si kuya.
"Ganito 'yun! Diba, Kiroy??"-Nami. Kumunot lang ang nuo ni Kuya.
"Yuck! Ang bantot ng Kiroy." Sabi ko at pumasok na sa sasakyan. Sumunod na din sila at ngiti naman ng ngiti si Nami.
"Nami, itigil mo nga iyan. Baka mapagkamalan kang baliw." Saway ko sa kanya. Kanina pa ngiti ng ngiti eh. Binelatan niya lang ako at nag smile ulit.
Nilibot ko ang paningin ko. Kumpleto kami. Hindi pala, nasan si Storm?
"Si Storm?" Tanong ko kay Kheya. Siya kasi katabi ko.
"I don't know." Sagot niya.
"Nasaan si Storm?" Tanong ko sa kanilang lahat. Hindi din nila alam. Nilibot ko ulit ang paningin ko. May nakita akong nakatalukbong sa pinaka-dulo ng bus. Pinuntahan ko iyon. Titignan ko na sana kung sino iyon nang magsalita ito.
"Do not disturb." sabi niya. Si Storm nga 'to.
"Si jollibee nasa gitna ng daan baka mabundol!!" Sigaw ko. Nagulat naman siya at bigla siyang tumingin sa labas ng bintana. Tinignan niya nga kung merong jollibee sa kalsada.
"Wala naman eh. Istorbo." Reklamo niya. I just chuckled. Sinara niya na ulit ang kurtina at natulog ulit. Pinabayaan ko nalang siya.
"Guys, were here. Bumaba na kayo at mag assemble lang kayo sa labas. Do not scatter until I say so." Sabi ni Nami sa speaker. Connected din iyon sa kabilang mga bus kaya naririnig ng ibang mga estudyante. Sumunod naman lahat ng estudyante.
"Haay, for 7 hours of travel at last we're here." Sabi ni Storm at nag stretching pa. Dala-dala niya pa talaga ang unan niya.
"Students, pwede niyo ng itayo ang mga tents niyo. Make sure na palagi niyong kasama ang partner niyo. Kapag group kayo, make sure na malapit ang tents niyo sa isa't-isa. Remember, kasama ito sa rules. Kapag nilabag niyo ito, failure kayo sa mga major subject niyo." Sabi ng isa sa mga professor namin. Sumunod naman kami.
"Kheya, huwag kang aalis sa tabi ko ha." Sabi ko mag Kheya. Siya kasi ang partner ko. Partner naman ni Nami ay si Yheri. Magkapartner naman ang dalawa kong kuya. Si Xyler at Miku naman ang magkasama tapos si Storm partner niya si Brando. Naalala niyo si Brando? Siya 'yung bakla na nakatira malapit sa amin. Naging magkapartner sila kasi huli na si Storm makahanap ng partner. Lahat ng tao sa school meron na. Timing naman na si Brando walang partner so ayun no choice siya. Alang-alang naman ito sa grades. Pinagtawanan pa nga namin siya.
BINABASA MO ANG
Best Frienemy
AléatoireAraw-araw parang paulit-ulit lang ang mga nangyayari. Pero masaya naman kahit papaano. Bata palang ako marami na akong kinaiinisan. Isa na dun yung Best enemy ko na hindi ko alam kung bakit Best friend ko din. Lalaki siya. Well actually pangit siya...