Blaze's POV
"Class, Before I dismiss, I am going to inform you that next week we are going to have a camping trip. Para din itong field trip na parang camping." Sabi ng prof namin.
"How many days, prof?" Tanong ng isa naming kaklase.
"Isang taon." Sagot ni prof.
"What??!" Sigaw nilang lahat. Tahimik lang ako. Seryoso kasi ako ngayon.
"Joke lang! 7 days tayo dun. Much better if makahanap na kayo ng pair. Halos lahat ng activities kasi by partners at yung iba, by group. Bahala na kayo ang pumili. Ang by group naman, kahit anong grade or section, pwede kayong maging team."-prof.
*kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*
"Nag bell na. Bukas nalang natin pag-usapan 'to. Class dismissed." Lumabas na siya at pati na yung mga kaklase ko.
"Blaze, let's go. Lunch time. " Aya ni Yheri sakin. Nasa tabi niya si Miku.
"M-mauna na kayo." Sabi ko.
"Sure ka? Ayos ka lang ba?" Nag nod lang ako.
"Sige. Call me if gusto mong mapasundo." Nag nod ulit ako. Hindi kasi ako makapagsalita. Nag aalanganin pa silang lumakad palabas.
"Aray... Ang sakit ng puson ko." sabi ko nang wala nang tao sa loob. Namumulupot na ako sa sakit. I have my period today.
"Iyan kasi sinabi nang huwag kumain ng maaasim, kumain pa rin."
"Kyaa--Arayyyyy." Sisigaw na sana ako pero mas sumakit ang puson ko. Hindi ko nalamayan na nandito pa pala si Storm.
"Dalhin na kita sa clinic." Hindi na ako nakasabat dahil hindi na ako makapagsalita sa sakit. Binuhat niya ako ng pang bridal style.
Hanggang makarating kami sa clinic tuloy parin ang pagsesermon niya saakin. Hinila ko nang bahagya ang buhok niya.
"S-sobra ka pa sa k-kay tita." Pilit kong magsalita. Nakakainis na eh ang ingay niya.
"Storm, tabi nga!" Pagtataboy sa kanya ni tita Mia. Anak niya sina Nami, Yheri at Miku. Siya din yung nurse ngayon. Actually siya ang most paid professional doctor sa bansa. Tumutulong lang siya dito minsan kapag may time siya.
"Opo!" pasigaw na sabi ni Storm.
"Sinisigawan mo 'ko?" Tanong ni Tita Mia sakanya at binatukan siya.
"Hindi po! Ahehe ang hina kaya 'nun." Palusot niya. Hindi nalang niya ito pinansin.
"Blaze, take this. Mabisa ito." May binigay siya na gamot sa akin at ininom ko naman.
"May lason 'yan, ano??" Biglang tanong ni Storm. Kinuha ni Tita ang pillow sa kabilang bed sa clinic at hinampas ito kay Storm. Mga ilang minutes akong nagpahinga at nawala naman ang sakit.
"Tita, I'm feeling well na. Effective 'yung gamot." Sabi ko.
"Si tito niyo Mike ang nag experiment niyan." Nag smile lang ako. I trust Tito kasi magaling talaga siya pagdating dito.
"Thank you po. Pwede na po ba akong umalis?"-ako.
"Oo naman. Nakapagpahinga ka naman eh. Basta don't stress yourself too much."-Tita Mia.
"Ok po. Sige alis na kami." Tumayo sa ako at pinulot ang bag ko.
"Ako na." Sabi ni Storm at kinuha 'yung bag ko.
"Bye tita." Habang naglalakad kami sa hallway pinagtitinginan kami. Pupunta kasi kami ng canteen para mag lunch.
"Hoy baka mamaya wala na 'yang pera ko diyan ha." Pang-aasar ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Best Frienemy
De TodoAraw-araw parang paulit-ulit lang ang mga nangyayari. Pero masaya naman kahit papaano. Bata palang ako marami na akong kinaiinisan. Isa na dun yung Best enemy ko na hindi ko alam kung bakit Best friend ko din. Lalaki siya. Well actually pangit siya...