--fastforward--
It's been 3 years from now at hindi pa din bumabalik sina mommy at daddy but they are still sending me email so that's fine with me pero iba pa rin kung nandito sila. Of course, many things changed. Like kuya Kiro is now managing the company, si kuya Hiro at Nami ganun din. Kami college pa din and all of us are taking business management but this is going to be our last year. Yeah, mostly influenced by our parents.
Nandito kami ngayon sa school at naglilibot. May school fair kasi ngayon so walang class.
"Nasan si Storm?" Tanong ni Zyde. Gusto kong tumawa dahil walang sumagot sa tanong niya.
"I'll just go to the library and return this book." Sabi ko at umalis na. Pagkapasok ko ng library ay nakita ko doon si Storm sa isang table kasama si Jian na nakasandal sa shoulder ni Storm. Nandito na naman ang mga bubbles na may mga sungay. Dumaan ako sa kinauupuan nila ng pasimple habang may dala akong matalim na lapis. Pagkadaan ko pasimple kong pinunit ang napakanipis na paldang suot ni Jian. Umupo ako sa isang upuan at kunwaring nagbabasa ng libro. Tumayo siya with a smiling face pa. Tignan natin. *evil smile*
"I hate you na!" Malanding sabi ni Jian at hinampas pa ang braso ni Storm na tahimik na nagbabasa ng libro.
"Me too." Storm replied.
"Oh my gosh!! Iiiiiiih Storm! my skirt was ripped! huhu." Maarteng sabi niya at parang lilipad na ang isa kong kilay na nakataas dahil sa inis ko sa pagka-OA ng aswang na iyan. Tumayo agad si Storm at kinuha ang hood niya para matabunan ang napunit na palda ng manananggal na Jian. Tinignan ko ang itsura ni Jian at tumawa ako ng malakas. Tumingin naman siya sa akin at agad ay tumingin ako sa librong hawak ko para aakalain niyang doon ako natawa. Pustahan maniniwala agad iyan.
"Why are you tawa ng tawa diyan?" Tanong niya.
"What do you care?" I said.
"Just asking, bitch."
"Oh well, isn't it obvious that I laughed about something in this book?" Pinakita ko sa kaniya ang librong binabasa ko kuno. Mabuti nalang wala ang librarian dito.
"I can't remember any funny scenes on that book." Sulpot ni Storm. Wala naman talaga eh.
"Tss. Shut up."
"Hey, I think you did this to my skirt! Storm siya ang gumawa nito sa akin!" Sabi ni Jian. Haay pareho talaga sila ng ugali ni Aila magkaibigan kasi. Lumapit ako sa kaniya.
"Any proof?" Tanong ko.
"I know you did this! I am the daugher of the owner of this school and I will tell mom and dad to kick you out!" I smirked at mas lumapit ako sa kaniya face-to-face.
"Then go. Don't you know that your school depends on our company? Kawawa ka naman malulugi kayo at hindi ka na makakabili ng mga gusto mo. Tss mukhang pera ka pa naman."
"Watch your mouth." Pagtanggol ni Storm sa kaniya.
"And who are you? Excuse me but I don't have a place in your life and you don't have a place in my life either so don't you dare tell me what to do." After I said that I went out of the library. Umupo ako sa isang step ng hagdan. Walang tao dito kasi lahat sila nasa labas. Biglang kong naaala ang sinabi ni Storm sa akin 3 years ago.
FLASHBACK
Nandito ako ngayon sa bahay nina Storm. Kukunin ko muna sana si Blor kasi miss ko na siya pero wala siya dito dinala ni Storm sabi ng isa sa mga maid nila kaya hihintayin ko nalang sila. Wala din dito parents niya at si Kheya kaya boring tuloy. Naglibot-libot ako sa bahay nila kahit sawa na ako eh palagi ako dito eh pati nga sa bahay sawa na din ako. Pumasok ako sa room ni Storm. Sabi niya kasi noon kalimutan ko na daw ang nangyari so pwede na kaming maging frienemies ulit kaso nasasaktan na talaga ako.
BINABASA MO ANG
Best Frienemy
RandomAraw-araw parang paulit-ulit lang ang mga nangyayari. Pero masaya naman kahit papaano. Bata palang ako marami na akong kinaiinisan. Isa na dun yung Best enemy ko na hindi ko alam kung bakit Best friend ko din. Lalaki siya. Well actually pangit siya...