8th

50 3 0
                                    

Okay, this is it. This is really it. Kung ano man ang maabutan ko sa likod ng pintuan na yun, I have to stay calm and at ease. Tao lang sila, pitong tanyag na tao. Hindi sila halimaw na nangangain ng panget na katulad ko. Okay, inhale exhale whooo.

"Aya, alis na ako ah?" paalam ko. Mukhang hinihintay pa niya yung teacher niya. "Nakahanap ka agad ng trabaho?" she asked. "Oo, m-marami kasing connections si Jiho." I said without looking at her. Hindi niya pwedeng malaman, Cai. Isip ko.

"Ah, cute na, ang dami pang connections. Ang hilig sa 'C' ha. Baka mamaya, magkaron na rin siya ng 'Caitlin', ayie!" panunukso siya. I rolled my eyes heavenwards. "Heh! Manahimik ka. Sige na, aalis na ako. Baka ma-late pa ko." sabi ko kahit nandyan lang naman sa tapat ang pakay ko.

"Teka, wala pa naman si teacher, hatid na kita sa baba." she suggested. Patay, patay, patay. Kung tatanggi ako, maghihinala siya! "S-sige! Tara."

Paglabas namin ng dorm, napatingin agad ako sa pintong kaharap namin. Tapos hinila ako ni Aya papunta sa elevator. Tapos ano? Pag alis niya aakyat ulit ako? Argh!

"Anong nakuha mong trabaho?" tanong niya habang papasara yung elevator. "Ahh, ano, sweeper." I denied. Gash, ayokong magsinungaling sa kanya pero ayoko rin sirain yung kaisa-isang rule!

"Sweeper? Nako! Baka sumakit katawan mo kakalinis. Remind me to give you a massage when you get home, okay?" she said. Napa-iling nalang ako. Nilalamon ako ng guilt! Pag bukas ng elevator, nakita agad namin si Jiho, wearing his charming smile. Wait, did I say charming?

"Good morning, ladies!" bati niya samin. Tinanguan ko lang siya. "Sige na Aya, umakyat ka na. I'll take care of her." he said to my clueless cousin. Aya threw a meaningful look at me while entering the elevator.

Wag niya lang sasabihing bagay kami ni Jiho dahil kukurutin ko talaga siya. "Ano, five minutes have passed. Nakabalik na siguro sa dorm niyo yun. Akyat na." Jiho said as he led me towards the elevator.

Napansin niya sigurong namamawis ako despite the cold weather kaya, "Tara nga, sasamahan na kita." and with that, he let out a manly laugh.

"Wag kang kabahan, maglilinis ka lang naman." he chuckled. Napairap ako, "Akala mo ba madaling mag-linis?"
"Sanay ka bang mag-linis?" pang aasar niya. I threw a fierce look at him, "Are you underestimating me?" Napatawa siya ng malakas as the elevator opened. "Ofcourse not." He said as we walk.

"Eto na," he handed me the key. "Remember the rule, alright?" he whispered. I nodded as an answer. He pat my head before he left.

Napatingin ako sa susi na hawak ko. With my shaking hands, I unlocked the door. What I saw made me cringe.

Walang tao. Parang hindi tao ang nakatira dito! This room looks like a freaking jungle!

I entered the room, naiiyak ako. Nagkalat yung mga CD sa sahig, yung mga unan kung saan-saan nakalagay. May mga nagkalat na damit sa sahig, naka-sabit sa door knob at nasa ilalim ng sofa.

I went to the kitchen and saw tons of plates, ilang araw ba 'tong hindi hinugasan? Gulo-gulo din ang lagayan ng stocks. Pag bukas ko ng ref, mabubulok na yung ibang laman! Masuka-suka ako sa nakikita ko.

I gulped. Kaya ko 'to, kakayanin ko! Isip ko. Kumuha ako ng gloves, facemask, dustpan, mop, basahan, walis at mga plastic para pag-lagyan ng mga basura. Sinimulan ko sa pinakamaduming part, yung banyo. Puro sabon sa pader, yung bowl naninilaw na. Lord, sana pagkatapos nito, buhay pa ako.

Pagkatapos ko sa banyo, sa kusina naman. Hinugasan ko yung mga pinggan, in-organize yung mga pagkain at nag-alis ng mga nakakadiring eww.

Next, ang living. Pinulot ko yung mga damit at nilagay sa laundry basket. Aksidente kong naamoy yung hoodie na kulay yellow at donuts ang design. Infairness, mabango.

Nung natapos ako sa living room, napansin kong may limang pinto. This dorm is way bigger than ours! Pero, pitong unggoy naman ang nakatira dito kaya acceptable.

Pag-silip ko sa mga kwarto, hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa eh. Paano ba naman kasi, yung mga sari-sariling kwarto lang nila ang malinis. May double-deck bed at mga cabinet. Siguro dalawang tao per room.

Nagwalis lang ako at nag-punas punas. Nagulat ako nung natabig ko yung isang picture frame. Picture ng isang cute na bata. Sino kaya to?

Nung narealize ko na nagsisimula na akong ma-curious sa mga bagay-bagay, lumabas na ako. Pumunta ako sa isa pang room, nagulat ako dahil hindi yun kwarto, dance studio yun.

Winalisan ko lang din at pinunasan, pati yung malalaking salamin. Pag-labas ko, I smiled with victory. "Sa wakas, tapos na!"

Hindi ko akalain na magagawa kong linisin ang ganun, papasa na akong housewife. Pero charot lang kasi hindi ko pinangarap maging housewife.

Tinabi ko na yung cleaning stuffs at tinignan ulit yung mga nilinis ko, nakakaproud!

I wiped the dripping sweat off of my forehead. I am a complete mess. I checked the time, it's already 6:45 p.m. at wala pa akong breakfast, lunch at dinner. I am starving!

I was about to twist the door knob when it flew open and hit me on my head. "Aray!" I squealed. "Wow! Ang linis!" I heard someone say. Hindi manlang nila ako pinansin!

Tumayo ako habang hawak ang noo ko na kumikirot. Napatingin silang lahat sakin, "What?" I asked in annoyance. "You managed to clean all of it?" the pervert named Jackson asked. "Ay, obvious ba?" pamimilosopo ko.

"Sungit." I heard Junior murmured. Inirapan ko lang siya. Nakakatawa dahil kabisado ko na ang pangalan nila. Bago ako lumabas, tinawag nila ako, "Cai, thank you." they said in unison.

Napalingon ako sa kanila. Mukhang pagod na pagod. Mas mukha pa silang pagod kaysa saakin eh. "Caitlin, hindi Cai. Hindi tayo close." then with that, I left.

Paglabas ko, tsaka ko lang naramdaman yung pagod. Ang sakit sa likod, sa braso, at sa ulo dahil sa pintuan na tumama saakin.

Napatingin ako sa pinto sa harap ko, Aya, your idols live next door. Isip ko. I heaved a sigh tapos pumasok ako sa dorm.

I saw Aya waiting at the sofa. She greeted me with a smile. "Ano, kamusta?"

"Ayos lang. Nakakapagod." I replied as I faced her laptop. Oras na kasi ng discussion.

Aya gave me a massage while I am listening to my lesson. Sobrang nakakawala ng sakit ng katawan, pero nakakaantok.

After my lesson, I asked Aya, "What do you want for your birthday?" nagulat naman siya. "Ay, oo nga pala! Next month na birthday ko," she smiled. "Hmm, since we're here in Korea, I want Got7 to be on my birthday."

My eyes widened, "Pero joke lang, alam ko namang imposible yun eh." I felt my chest explode. "Malay mo, posible." I unconciously replied. I wanted to give myself a mental slap.

"Wag mo nga akong paasahin!" then she hit my butt. "Tara na, pahinga na tayo. Tomorrow's going to be a long day!"

Pagpikit ko, I saw how GOT7 slouched on the sofa with their eyes closed. They looked very tired and fragile.

I grabbed my phone then typed 'GOT7', I can't believe I'm stalking them! I'm stalking them all by myself!

Kaya naman pala sila pagod, today, they had three fansignings, rehearsals, fanmeeting in one day. I don't know but I also felt tired by the thought of attending all of that in one day. Or baka pagod lang talaga ako.

"Raffy, why am I so confused?"

You Got Me [GOT7 Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon