"Sige na Caitlin, mauna ka na sa studio, nasa kwarto namin ni Yugyeom yung susi. Pakikuha nalang," lakas makapag-utos nitong si Kunpimook Bhuwakul eh. Kung i-bambam ko kaya ang ulo niya sa pader?
Joke, oo na corny na nga.
Sinunod ko ang sinabi niya at pumasok sa dance studio sa loob ng dorm. Ewan ko ba sa mga unggo na 'to, may ipapagawa daw sila sakin.
Habang wala pa sila, nagpa-cute muna ako sa harap ng salamin, mukhang tanga kay tinigil ko nalang.
Naisip ko, may talent kaya ako? Magaling ba akong kumanta? Sumayaw? Mag-act?
Kasi si Mom, sobrang hinhin. Hindi naman pwedeng maging halimaw siya sa pagsasayaw, sa kanta hindi rin pwede kasi nung isang beses nya akong kantahan ng lullaby nung bata ako, I had nightmares.
Si Dad naman, isa pa yun. Gwapo ang boses niya pag nagsasalita pero wag na siyang papakantahin kasi nasisira. Sa sayaw naman, no comment. Kakalimutan ko nalang na mukha siyang kinakagat ng langgam kapag sinusubukan niyang sumayaw.
Kahit hindi talented ang parents ko, mahal na mahal ko sila.
"Caitlin, itong camera," inabutan ako ni Jaebum ng video camera. Aba, balak pa akong gawing camera man!
"For what? What should I do with this?" seryosong tanong ko.
"Try mo ipukpok sa ulo ni Jaebum, baka sakaling magka-developan kayo." pamimilosopo ni Yugyeom sakin.
"Duh, baka video camera 'to? Gusto mong sayo ko 'to ipukpok?" sagot ko na tinawanan naman nila. Seryoso ako eh. Seryoso.
"Ayan! Ganyan nga, mas okay na nagmamaldita ka kaysa sobrang sungit at tahimik mo." bati ni Jackson. Palibhasa kasi ang ingay mo. Isip ko.
"Ganito, i-film mo kami habang nag-sasayaw. Yung close up. Bawat part namin, okay ba?" Jaebum explained. Malamang okay lang, wala na naman akong magagawa.
Pumwesto na sila then I played the music, instant assistant ako. Wow diba.
*Now playing: A by GOT7*
Aba, tignan mo nga naman. Wagas maka-lipbite tong si Tuan. Akala niya ba gwapo siya?!
Pinagmasdan ko yung features nya through LCD, kung titignan siya sa personal, okay fine. Gwapo na. Gwapong pitbull.
Ito namang si Youngjae, teka -- ako lang ba o ang cute niya ngayon? Kamukha niya si Stitch! Cute!
Pero seriously, mukha silang engot. Nakapanood na ako ng ganitong video, yung Just Right ata yun, Crazy Boyfriend version?
Oo na, iniistalk ko na nga sila. Umaamin na nga ako.
Part na ni Junior, nung napatingin ako sa LCD, ang weird pero nag-tama ang paningin namin.
Parang tumatagos yung tingin niya! Leche bakit namamawis kamay ko?! Bigla akong nanlamig! Diba, ganito yung feeling pag na-jejebs?
Nagulat ako dahil bigla niyang hinawakan yung left hand ko, nilagay niya sa dibdib niya, on the top of his heart.
I can feel it beating fast.
I can feel it beating as fast as mine.
Natapos ang part niya at bumitaw na siya, hindi ako makahinga! Bakit ganito? Mamamatay na ba ako? Matatae?
Nung part na ni Jaebum, nawala na ako sa focus at nanginginig ang kamay ko pero I tried my best to stop the videocam from slipping from my hands.
Bumalik ako sa katinuan nung part na ni Jackson, hindi dahil sa naging okay ako but because what he did sent shivers down my spine.
BINABASA MO ANG
You Got Me [GOT7 Fanfiction]
FanfictionA story where a short-haired, hot-headed, maldita girl from Paris meets the famous boy band from Korea that consists of handsome, hot, and attractive members (GOT7 to be specific), in a very, very life-changing way. (Taglish)