15th

47 2 2
                                    

Tatlong araw. Tatlong araw na akong nakakulong sa kwarto. Tatlong araw na akong tumatanggi sa pagkain. Tatlong araw ko nang hindi kinakausap ng matino si Aya. Tatlong araw ko nang hindi sinisipot ang online teacher ko. Tatlong araw ko nang hindi nakikita ang GOT7. Tatlong araw na akong umiiyak.

Tita Jaque called yesterday. Ang sabi niya, hindi pa daw nahahanap ang katawan ng magulang ko. Pilit sinasabi saakin ni Aya na ipagdasal ko na buhay pa sila. Pero hindi ko magawa dahil ang sakit-sakit.

God, of all people! Bakit sa bilyong tao sa mundo, magulang ko pa? Bakit kung sino pa yung mahalagang tao, sila pa yung nawala?

"Cai..." si Aya. Nahihirapan na siya saakin dahil palagi akong nagmamatigas.

I wanna be with my mom and dad. If they are dead, then I should die as well.

"Aya, please. Give me some time alone." bulong ko habang humihikbi. Eto nanaman! Kailan ba mauubos tong punyetang luha na'to?!

"Araw-araw mong sinasabi sakin yan Cai, please eat. Please talk to me. Please! Nahihirapan akong makita kang nagkakaganyan." tumabi siya saakin at hinablot ang kumot na nakabalot sa katawan ko.

"Dapat ako nalang yung nawala, Aya." Ang sakit palang mawalan ng mahal sa buhay. Yung hihilingin mo na sana, ikaw nalang yung kinuha Niya.

"Gaga ka ba? Paano ako? Cai, tama na please. Wag ka naman ganyan. Sa tingin mo ba matutuwa si God pag sinabi mo yan?"

"Maybe, hindi ba nakakatuwa na makita ang isang pamilya na magsama-sama ulit?"

"Cai, hindi ko alam kung nasa isip mo, I am not good at words but I am going to tell you this..." she sighed.

"A kid went to a garden. They said he could pick any flower he wants to. When he picked one, they asked him, 'Why did you pick that flower?' then he answered, 'Because it's the prettiest'. Same with us and God, Cai. He picks all the kindest people to give them rest. I know Tita Katt and Tito Charle. They lived their lives for God, and their one and only daughter, ikaw yun Caitlin...." she stopped to wipe the streaming tears down my face.

"He has plans for us, better than what we could ever imagine. As for Tita and Tito, their journey is done. They deserve to be with our Creator. And they are always living Cai, there, inside your heart." she said as she pointed at my chest. On the part where my heart can be felt.

"God knows what's best for us, and I swear, Cai. Kakayanin mo 'to. Ikaw pa? Just have faith! He will take good care of you."

Hindi ko na mapigilan maiyak. He is my hope. I trust Him but it hurts so much that I can't help but doubt Him.

"Sige na, kumain ka na ha? Ikukuha na kita, wala ka nang magagawa. Tignan mo, ang dugyot mo na!" I nodded, tapos lumabas na siya.

Naupo ako, ang sakit ng ulo ko kakaiyak. Tama si Aya. She really did hit me with all those words. Walang mangyayari kung magluluksa ako. Bakit nga ba ako malulungkot kung masaya na si mom and dad sa piling Niya?

I hugged Raffy. Ilang araw na din akong hindi nagtatrabaho. Hindi kaya sila nagalit? Wala manlang akong sinabi sa kanila. Si Tuan kaya, kamusta?

In-open ko ang phone ko at may nakita akong message.

From: ***********
Are you alright?

Siya din yung nag-text nung nakaraan ah? Who could this be? Should I reply back?

To: ***********
No. Not really.

Maybe I can find comfort from this stranger. Pinadala ba siya ni God para sumaya ulit ako? Is this stranger a blessing?

You Got Me [GOT7 Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon