3rd

52 2 0
                                    

"Cai, wake up! I won, I won, I won!" nagising ako dahil sa ingay at pagtalon ni Aya sa kama ko. "Aya ano ba! Wag nga, nakakahilo!" I exclaimed. "Gising na! Makikipag-date tayo!" then she started jumping like a lunatic.

"Ano bang date?" Tanong ko habang kinukusot ang mata ko. "Date with GOT7." She said then winked. Hearing the word GOT7 makes me cringe, in annoyance. "Matulog ka nga, naluluka ka nanaman." I said then covered myself with my blanket.

"Remember when I walked out yesterday? I joined the raffle. And luckily, I saw the results. I won." She explained.

"Remember when we opened social media before we slept last night? GOT7 was interviewed. And luckily, they didn't like what happened" I said as I imitated her.

Napairap siya sa ere, "Come on, you've got to give them a chance. Kilalanin mo sila!" Napairap din ako, "Ikaw lang yung nanalo, ikaw pumunta."

Tumalikod ako at nakaramdam ng kurot. She's pinching my butt. And it's annoying. But I pretended to sleep. "Is this annoying?" she said while caressing my butt. "Aya naman!" Bumalikwas ako ng bangon.

"Mom and Dad left early for work, which means, hindi na tayo grounded! Yey! So get up, take a bath. I'll take care of your clothes." and with that, she pushed me inside the bathroom.

Hindi ko alam kung tao ba tong pinsan ko o ano eh, pero siguro nga, I have to give them a chance. Nagtataka lang ako, bakit hindi parin sila umaalis after what happened? At talagang tinuloy pa nila ang pagpapa-raffle. Well, whatever.

After ko maligo ay naabutan ko si Aya na nagi-Instagram. "Ayan na! Nakagayak na sila!" Sinilip ko yung picture at oo nga, may #welovephfans pa. At nung tinignan ko yung nagpost, it was bambam1a.

Pinagsuot ako ni Aya ng romper at doll shoes. May blazer din para hindi exposed ang balikat ko. Hindi ko alam na may mga ganito pala akong damit. Inayos din niya ang buhok ko, dahil short-haired ako, kinulot lang nya tapos nilagyan ng flower crown.

"Let's go?" Aya asked, stunning in her black lace dress and pointed two-inch heels. I nodded as an answer.

We reached the private meeting place in 1 hour and 42 minutes. May pinakita si Aya sa guard at pinapasok kami. "Teka, Aya. Naiihi ako eh." Sabi ko, bakit ba ako kinakabahan? "Nandun ata yung CR," sabi niya sabay turo sa kanan. "Mauna na ako, hanapin mo nalang kami, tayo-tayo lang naman nandito sa loob." bilin niya sakin.

Hindi per cubicle ang CR dito, just like a typical restaurant, isa lang ang banyo nila. Pumasok na ako, ang hirap magsuot ng romper dahil magkadugtong. Inalis ko muna ang mga burloloy ko. After I did my business, tumayo ako at tumingin sa salamin without fixing my clothes.

Nagulat ako dahil biglang bumukas yung pinto, "Ahh!" sigaw ko then dinagnan ko yung pinto. "Ow, shit! Wait, ouch! My hand!" sigaw nung lalaki sa kabilang banda. Napatingin ako sa pinto sa nakita kong nakaipit ang kalahati ng kamay niya. Umatras ako ng kaunti para makaalis siya, then I locked the door.

Napahawak ako sa dibdib ko, that guy almost saw me half naked! Inayos ko ang sarili ko at huminga ng malalim, he didn't see my face. It's all cool.

Paglabas ko, wala namang tao. Umakyat ako sa second floor then I heard laughter from the left wing of the restaurant. Ayan, nakita ko si Aya with 7 boys. They must GOT7.

"Cai! Tara na dali." tawag sakin ni Aya. Lumapit ako at umupo sa tabi ng pinsan kong tuwang tuwa sa galak. Pag-upo ko ay napatingin ako sa pitong lalaki na nasa harap namin. Gosh, bakit magkakamukha yata sila?

"Annyeong haseyo, come and get it, we are Got7!" They said in unison while bowing. Napanganga naman ako. Nakakasindak kaya. Ang weird nila. "Mag-react ka naman." bulong sakin ni Aya sabay ngiti.

"Umm, yo." sabi ko sabay tawa ng pilit. Natahimik sila at nagsitawanan. Okay, what's so funny? I gave them my bored look. "I am Choi Young Jae!" napatingin ako sa lalaking nasa bandang kaliwa. Tinanguan ko lang siya. "Jackson Wang is the name," sabi nung lalaking white ang hair. His voice rang a bell.

He handed me his left hand, he wants handshake, huh? Napatingin ako sa kamay niya, it was reddish and swollen. Napansin niya sigurong nakatitig ako sa kamay niya kaya inalis na niya agad. He must be the perverted guy kanina!

"Kim Yu Gyeom!" sabi nung lalaking matangkad, well lahat naman sila matangkad pero mukhang siya ang tallest. "Im Jae Bum." sagot nung lalaking orangey-red ang buhok. Mukhang suplado. "Huh? "Im" Jae Bum? Diba dapat "aym" ang bigkas nun?" tanong ko. Sinipa naman ako ni Aya nung nagsalita yun at binulungan ako ng, "Gaga, apilyido yun." sabay tawa. Okay sorry ha.

"Park Jin Young, hello Cai." sabi nung isang black ang buhok na katapat ko. Feeling close, psh. "Mark Tuan." pakilala nung isang payat. Ang payat nya. Yun lang masasabi ko. Tumungin ako sa katabi nung Jackson, "Kunpimook Bhuwakul." hindi ko alam kung joke ba yon pero natawa ako, dahilan para sikuhin ako ni Aya sa tagiliran. "She's just very, very, very happy too meet all of you!" sabi niya. Yuck, no.

(Dahil sa Wattpad lahat ay possible, magtatagalog ang GOT7! Yipee.)

"Nakapunta ba kayo sa concert?" tanong ni Kunpimook Bhuwakul na Bambam nalang daw for short. "Yes, nakapunta kami!" sagot ni Aya. Hindi lang kami nakapunta, sinira pa namin! Bongga! isip ko.

Dumaan ang ilang oras na puro lang kami - I mean sila usapan. Pinag-usapan nila yung nangyari sa concert at itong si gaga deny ng deny. Nag-enjoy lang ako sa part na ang daming nakahandang pagkain. Ewan ko pero hindi ko talaga ma-feel ang vibes ng mga koreano na ito.

8:00 p.m, tapos na ang fanservice. Bago kami naghiwa-hiwalay ay ginawa pa akong photographer ng bruhang si Aya. Pinilit niya akong makipag-picture sa kanila pero no, no ,no.

Nakauwi na kami, she looks so happy. Bago pa kami pumasok sa sarili-sariling kwarto, niyakap niya ako. "Thank you Cai. Salamat kasi binigyan mo ng chance para makasama sila." She said.

"No, Aya. Sumama ako dahil gusto mo. Hindi para sa kanila." I said. "Whatever, Cai. You'll like them someday." I heard her said before I entered my room. "Bed! I missed you so much!" humiga ako sa kama ko then I hugged my giraffe plush toy.

"Raffy, bakit ganon? They seem nice pero ayoko parin sa kanila." Sabi ko sa plush toy ko. Oo, kinakausap ko ang isang plush toy. "Raffy! Miss ko na sina Mom and Dad." Parang tanga lang kasi hindi naman sumasagot.

I tell Raffy the things I can't tell Aya, things that are too dramatic and heavy. Nasakin na si Raffy simula nung six years old ako. Bigay ng kapit-bahay ko. Too bad, hindi ko siya maalala.

Kinapa ko yung kwintas na regalo sakin ng magulang ko nung 18th birthday ko. It's an aquamarine crystal on a ballerina pendant, "Hala," napabangon ako at hinalughog ang buong kwarto. "Nasaan na yung kwintas ko?!" iyak ko. Napasampal nalang ako sa noo ko nung narealize ko na naiwan ko pala sa CR ng restaurant kanina yung kwintas. "Arghhh," I growled in frustration. Kung gigisingin ko si Aya para lang mag-drive, paniguradong hindi papayag yun. Babalik nalang kami bukas.

I hugged Raffy as my eyes felt heavy.

You Got Me [GOT7 Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon