Dinner. Kaharap ko si Aya at kanina pa niya ako pinagsasabihan, "Gaga ano ba! Hinay hinay nga sa pagkain!"
Sobrang badtrip ko kanina, naisipan kong magpa-deliver ng maraming pagkain. Inis na inis ako! Akala ko naman magiging maayos kami nung bruhildang Sumi na yun, eh halata namang pinagti-tripan niya ako kanina!
"Cai baka mabulunan ka ano ba!" saktong pagkasabi niya, nabulunan nga ako. "T-tubig!"
"Bakit ba kasi napakalas mong kumain ngayon?! Ginugutom ka ba ng mga sweeper?"
Hindi ko pinansin ang tanong niya at tinanong sa kanya kung ano yung kanina ko pang gusto malaman, "Kilala mo ba si Yeon Sumi?"
Tumingala pa sya at nag-isip, "Hmm, yes! I know her." so sikat pala si Sumi? Bakit hindi, pamangkin nga pala siya ni JYP.
"She's JYP's niece and she is also training under JYP Ent. she's 19 years old. She can dance, act, and sing. She is also known as 'Cheonsa' dahil sa angelic personality at appearance niya. Ang ganda niya kasi," she said while reading a blog about Sumi.
Hindi lang siya maganda, sobrang talented pa. Wala na talaga akong panlaban sa kanya.
"Bakit mo natanong?" she asked while staring at me. "Wala lang. N-nakita ko kasi siya sa.... sa... magazine.. na pinakita ni.. ni BJ!"
Heh, Caitlin palusot! Ang sabihin mo, nakita mo siya, na-insecure ka at iniistalk mo siya! Naiinis ako! Buti nalang at maraming pagkain.
"Cai, hinay hinay sabi! Ano bang nangyayari sayo?!"
"Stress eating!"
"Pag ikaw, binangungot mamaya pag natulog ka ha, bubuhusan kita ng mainit na tubig! Gusto mo bang tumaba?!"
Hindi ko siya pinansin. Pangit na nga ako, tataba pa ako. Kawawa naman ako, diba? Buti pa si Sumi, maganda na sexy pa. Si Sumi nanaman!
"Aya, pangit ba ako?" tanong ko habang nakatitig sa fried chicken leg na kinakain ko.
"Akala ko ba matagal nang malinaw sayo yun? Oo, Cai. Pangit ka." napatingin ako sa kanya ng masama, sana bilang pinsan inuto manlang niya ako. Hmph! Pasalamat sya't maganda sya dahil maganda ang lahi ni Tito Robb at Tita Jaque.
Maganda si Mom. Sobrang ganda niya, nahirapan si dad na manligaw sa kanya dahil ang daming kaagaw.
Si Dad naman, malakas ang charisma. Manly at matipuno. Kaya nainlove si Mom sa kanya.
Bakit ako, hindi? Am I adopted?
"Gaga, joke lang. Natural maganda ka! Wala namang pangit sa lahi natin eh. Alam mo, kulang ka lang sa ayos kaya ang dugyot ng dating mo." napatingala ako sa kanya.
"Kulang sa ayos?" pag-ulit ko sa sinabi niya.
"Oo, kulang ka sa pag-apply ng facial cleansers at moisturizers kaya ka may tigyawat. Yung buhok mo, kulang sa conditioning. Skin mo, kulang sa lotion. Yung lips mo, kulang sa lip balm parang may el nino sa sobrang dry. Kulang ka din sa work-out, ang chubby mo na Cai! Kaya kung ako sayo, tigilan mo ang stress eating!" bigla niyang hinila yung mga pagkain palayo, hindi naman na ako tumanggi.
May point sya. Masyado akong pabaya sa sarili at wala akong pakielam sa itsura ko. Pero bakit ngayon, sobrang concious ko na? Epekto ba 'to ng pagdadalaga?
"Talaga?" wala sa sarili kong tanong sa kanya.
Knowing Aya Bartolome, lagi siyang fresh at blooming. Maaliwalas at walang pimple marks. Soft din ang skin niya. At nakakatawang isipin na mas matanda pa ako sa kanya pero hindi ako marunong mag-ayos.
"Aya, can you teach me how..."
"Teach you how to dougie? Sure!"
"Gaga. Turuan mo akong mag-ayos."
Nanlaki ang mata niya at tinapik-tapik ang mukha niya, mukhang tungaw lang. "Are you really asking for my help?!" she exclaimed. Kung hindi ko lang sya pinsan, pinalayas ko na siya.
"Yes, beauty guru."
"Omg, you even called me a beauty guru!" she jumped and squealed. Bago pa magbago ang isip ko, pinatayo niya ako. I watch her as she examine me.
"Hmm, okay. First problem, your skin. Kailangan lumambot ang balat mo at mawala ang pimple marks mo. Tapos yung hair mo," inalis niya yung tali ng buhok ko.
"Bagay naman sayo ang naka up-do, pero kung trip mong mag-lugay, pagandahin mo muna ang short hair mo. It is shiny already but it looks brittle and dry so you need to apply treatment once a week, wash your hair four times a week para ma-maintain yung natural oils. Don't brush your hair while it's wet kasi yun yung weakest state niya. Use wide tooth comb instead."
Nahihilo ako. Ang dami niyang sinabi! Paano ko magagawa lahat ng yun? At isa pa, wala akong gamit.
"Aya, thanks for being honest with me." I needed to thank her, she enlightened me, big time.
"If you want, we can shop. I know The Face Shop, Etude House, Nature Republic and Skin Food branches not too far from here. You see, I've been doing research while I am left alone." then she winked. Oo na, siya na ang maraming alam.
Tutal naman, may mga naipon na akong pera sa loob ng isang buwan na pagta-trabaho, it's time to buy something to reward myself and Aya for being a good girl.
Pagkatapos ng lesson ko, gumayak kami ni Aya para mamili ng beauty products. Excited naman siya dahil ngayon lang siya lalabas ng dorm.
"Waaaah~ ang lamig!" Aya shrieked as she cling to my left arm. "Oo nga!" pagsang-ayon ko.
Naisipan naming maglakad para matunaw yung mga kinain namin kanina. Para maging sexy din ako!
"Eto na, omg." Sabay kaming pumasok ni Aya sa cute at kulay pink na shop. Etude House ang tawag.
Bumili kami ng face masks na iba iba ang klase at eye-patch. Bumili din kami ng lip balms.
Next stop, The Face Shop. Bumili kami ng facial foam, toner, at moisturizer. Sa Nature Republic naman, bumili kami ng aloe vera gel at lip tint. At sa Skin Food, black sugar face scrub.
"Gaga, ang saya ko." Napatingin ako sa kaniya paglabas namin ng Skin Food. "I mean, araw-araw naman akong masaya pero iba ngayon eh, knowing that you decided to stop being a manang anymore," she laughed.
Oo na, manang na ako!
"Also, first time mo akong ilibre. Thank you, bruha."
"Wala yun, marami ka rin namang naitulong sakin."
Pag dating namin sa dorm, tinuruan niya agad ako sa mga gagawin.
Simula sa pag-cleanse hanggang sa pag moisturize. Ang daming kailangang gawin pero kakayanin ko. Papatunayan ko na descendant ako ni Aphrodite!
"Goodnight gaga, remember your morning routine, okay? Mwa!" Aya said before leaving my room.
Humiga ako, I feel better. Mas okay pala ang paglilinis ng katawan bago matulog. Nakakaantok at nakakagaan sa feeling.
Yeon Sumi, I don't know who she really is. I don't know what's with her and GOT7. I don't know what's between her and Junior. I don't know why am I so challenged and motivated right now.
I don't trust her. If she's ever going to challenge me, I won't turn my back.
One message received
From: Stranger
I know what you're up to. Go for it, beautiful.
BINABASA MO ANG
You Got Me [GOT7 Fanfiction]
FanfictionA story where a short-haired, hot-headed, maldita girl from Paris meets the famous boy band from Korea that consists of handsome, hot, and attractive members (GOT7 to be specific), in a very, very life-changing way. (Taglish)