22nd

42 3 0
                                    

"Don't kiss!"

Natauhan ako sa biglang pagsigaw ni Sumi na parang mayroong naaksidente at malala ang lagay.

Napatingin ako kay Junior at agad na umalis sa bisig niya. When we parted, I felt sad.

"Ang galing nyong dalawa!" sigaw ni Youngjae habang pumapalakpak. "Thanks bro. Ano, pasado na ba kami sa duo?" pagbibiro pa ni Junior sabay lapit sa kanila.

Hindi nila napansin ang pag-irap at pag-simangot sakin ni Sumi dahil abala sila sa panonood ng video na ni-record ni Yugyeom.

Hindi ako maka-imik. Our lips almost touched! We almost kissed each other! At ang nakakaloka pa, recorded at nakita nila!

"Caitlin, tara dali panoorin mo!" tawag sakin ni Mark. "Hindi na, wait lang. Iinom lang ako ng tubig." paalam ko tsaka ako lumabas.

Alam kong delikado dahil baka sundan ako ni Sumi at tuluyan na niya akong ipalibing ng buhay pero kailangang kailangan kong uminom ng tubig dahil parang hihimatayin ako!

Hindi ko na maintindihan. I have tons of questions in my head that makes me dazed. Pumunta ako sa banyo at tinitigan ang reflection ko sa salamin.

"Why does my heart goes wild when he's around? Why am I pissed whenever I see Sumi with him? Why do I feel like I'm missing him? Why do I feel like drowning whenever I look at his eyes? Bakit nakukuryente ako sa tuwing nagdidikit kami? Bakit may slow motion?" I silently whispered to myself.

"Kasi nga, inlove ka na." nagulat ako boses ni Bambam. I opened the door and I saw him, eavesdropping.

Hindi ako nagsalita.

Inlove na nga ba ako?

Posible ba yun sa loob ng isang buwan? Hindi pwede. Ayoko.

"Ano bang pinagsasasabi mo? Tsaka bakit ang tsismoso mo? Gusto mong ipitin kita jan?!" pananakot ko sa kanya. Tinawanan nya lang ako. Okay hindi siya natakot.

"Tara, sumama ka sakin." sabi niya sabay hila sa braso ko. Nung dumaan kami sa living room, nandun silang anim.

"Si Sumi?" tanong ni Bambam. "Ah, sinundo na ni JYP. Past 5:00 p.m. na eh." sagot ni Youngjae habang focused sa panonood ng Pororo.

"Sige, hiramin ko muna si Caitlin ha?" paalam niya sa anim. Tumango naman sila except kay Junior na nanonood parin. Ang sungit nanaman niya.

Dinala ako ni Bambam sa roof top.

"Ano bang gagawin natin dito?" tanong ko habang nakasandal sa railings.

"Sisigaw ka. Lahat ng nararamdaman mo, lahat ng nagpapagulo sayo, isigaw mo. Wag kang mag-alala aalis ako saglit para hindi ko marinig." sabi niya habang nakatingin sa langit. Madilim-dilim na din.

"Ha?! Ayoko nga. Baka mamaya may makarinig pa isipin nasisiraan ako ng ulo." Totoo naman, baka mamaya isipin ng iba nagsa-summon ako ng mga lamang lupa!

"Okay sige, mamili ka. Sisigaw ka o sasabihin mo nalang sakin?"

Tsismoso talaga siya eh?

Hindi ako nagsalita at tinignan siya ng masama, "Okay ganito nalang, I will tell you about my feelings."

"I fell inlove with Sumi the first time I saw her. Love at first sight, as they say," napahinto siya at ngumiti sakin. Nakikinig ako ng mabuti.

"She's like an angel, bringing joy to all of us," napasimangot ako. Hindi totoo!

"Gustong gusto ko siyang ligawan.. Kaso hindi pwede dahil kpop star ako. Iniisip ko kung anong mararamdaman ng fans kung malalaman nila," he sacrificed his feelings for his fans? Wow.

You Got Me [GOT7 Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon