Nandito na ako sa dorm ng GOT7 at nag-lilinis. Kinuha ko na rin yung mga sinampay para mai-tiklop mamaya.
Hindi pa umuuwi ang GOT7 mula kagabi, at 3:00 a.m. na natapos ang mini concert, meaning, madaling araw na kami nakauwi at wala akong tulog dahil kanina ko pa kinakanta yung kanta nila kagabi!
Na-LSS ako at tawang-tawa naman si Aya! Bruha talaga. Nakaramdam ako ng antok pero tinapos ko muna yung mga damit at nilagay sa basket.
Pumasok ako sa isang room na may solo ang kama, taray. Solong natutulog. Sino kaya dito?
Nilagay ko yung mga basket na may damit sa likod ng pinto. 11:09 a.m. na pala, inaantok pa ako.
Nahiga ako sa kama, sa pagaakalang kama ko yun. "Hala, ang lambot!" sabi ko habang niyayakap yung isang unan.
Wala naman sigurong masamang matulog diba? I'm so sure na magigising ako bago sila dumating.
■■■■■
Park Jin Young's
"Finally, home!" Jackson shouted when we entered our dorm. Kanya-kanya kami ng ayos ng gamit, sampay ng jacket at hubad ng sapatos.
Simula nung dumating dito si Caitlin, iniwasan na naming maging sobrang makalat dahil bukod sa nakakahiya ay baka mahirapan siya.
"Dumating ba si Caitlin?" tanong ni Jb na kagagaling lang sa banyo. "Siguro, nakaayos lahat ng gamit eh. Baka umalis na." sabi ni Bambam. Tumango naman kaming lahat.
"Good job, team!" sigaw ni Jb at nag-group hug kami.
Nakakapagod. Sobra. It's amazing how we manage to plaster a genuine smile on our faces infront of our fans despite all the exhaustion.
Maybe because they're our happy pills. Fans make us happy. Seeing how they appreciate our performances, makes us very happy.
"Sige na, pahinga na tayo," Jackson said as he walk to his and Mark's room. Pumasok na rin si Youngjae at Jb sa kwarto nila. Sila Bambam at Yugyeom naman, nakatulog sa sofa.
"Ah, my bed." I whispered as I entered my room then locked it. Mag isa lang ako sa kwarto ko, walang mag-hihilik.
Bakit magulo kama ko? Teka, lagi naman tong magulo, what's new? I thought. Baka nahiya si Caitlin na pumasok, good thing she doesn't intrude our privacy. Nakaka-lungkot lang dahil hindi siya fan, hindi ba effective ang charms namin sa kanya?
I took my shirt off, wore my comfortable clothes, opened the air conditioner then positioned on my bed. But, it feels weird.
Kinapa ko yung kumot, napapitlag ako dahil gumalaw. Shit, another sasaeng? Isip ko.
Unti-unti kong binaba yung kumot, I was surprised to see Caitlin sleeping on my bed!
I didn't make any sound, I carefully moved out of my bed, what happened next made my heart jump out of my chest..
"Raffy..." she murmured as she hug me tight and rest her head on my chest. If she was wide awake, maririnig niya ang kabog ng dibdib ko.
I was frozen. I stared at her peaceful face. The first time I saw her, I knew she has a tough personality.
My eyes landed on her short hair, it was shiny and soft. Nakaka-tempt hawiin. So I did.
She has thick eyebrows, long lashes, small nose, plump lips. She has puffy cheeks. A cute chin.
Her eyes? Oh, her eyes. Her eyes widened when she saw me. Hugging her back. Oh shit, she's awake!
Napaupo ako sa kama, what to do? What to do?! "I, ah.. I'm... Ano.." I am stammering, anong gagawin ko? Baka isipin niya minamanyak ko siya!
Nakatingin lang siya saakin ng masama. "Manyak!" sigaw niya sabay tapon ng unan sa mukha ko.
Umalis siya sa kwarto ko at lumabas ng dorm. Buti nalang, tulog pa rin sila. They didn't saw what happened..
Bumalik ako sa kwarto ko at hinayaang bumagsak ang katawan ko sa kama. I imagined what happened.
I suddenly found myself smiling like an idiot.
■■■■■
Caitlin de la Belle's
What the phuck was that?! What?!
Nandito ako sa rooftop at palakad-lakad. Pinag iisipan ko rin kung tatalon ba ako o hindi, hindi ako pwedeng mamatay agad pero gusto ko na dahil sa kahihiyan!
Natulog ako sa kama ni Junior, tinawag ko pa siyang manyak! Obvious naman na hindi niya ako minamanyak dahil ako yung nakayakap sa kanya kaya sobrang nakakahiya! Binato ko pa siya ng unan sa mukha! Arghhh!
Bakit ba kasi hindi nalang ako sa sofa natulog?! Bakit?! "Arghhh!" I yelled out of frustration. Nakakahiya. Ang palpak mo talaga Cai!
Umakyat ako sa bakod, hinihintay kong tangayin ako ng isang giant uwak at ipakain ako sa mga anak nito.
"Miss Caitlin!" rinig kong sigaw ni Jiho mula sa likod ko, bago pa ako makalingon, hinila niya ako sa braso, dumulas ang paa ko and I landed on his arms. Bakit ba puro kaharutan ang nangyayari ngayong araw?
Bago pa magkaroon ng background music at sumayaw ang F4 ng ow beybe beybe beybe sa likod namin, tumayo na agad ako.
"S-sorry." I whispered. He chuckled, "You're blushing." Napatakip naman ako sa mukha ko at pinalo siya sa braso.
"Ang tagal na kitang hindi nakikita sa baba ah, nage-enjoy ka ba sa trabaho mo?" He asked. "Hindi, hindi nakaka-enjoy."
Nag-abot siya saakin ng maliit na sobre, "First payment mo." Tinanggap ko naman agad yung sobre at nanlaki ang mata ko sa laki ng halaga na nakalagay sa loob.
"Lahat 'to?" tanong ko. "Oo, wag ka na magtaka, kpop stars ang pinagsisilbihan mo eh." sagot niya.
Tumango nalang ako, sakto, paubos na ang stocks namin ni Aya. "Gusto mo na ba sila?" biglang tanong ni Jiho. Napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo.
"No, hindi parin ako fan." sagot ko sa pag-aakalang aalisin niya ako sa trabaho pag naging fan ako, well it will not happen.
Napangiti siya at lumapit saakin. Sobrang lapit na halos umalis na yung puso ko sa ribcage ko. "Good, because I got you first." sabi niya sabay alis.
What the duck, Jiho? What does he mean?
BINABASA MO ANG
You Got Me [GOT7 Fanfiction]
FanfictionA story where a short-haired, hot-headed, maldita girl from Paris meets the famous boy band from Korea that consists of handsome, hot, and attractive members (GOT7 to be specific), in a very, very life-changing way. (Taglish)