14th

48 2 4
                                    

"You haven't changed a bit, Belle. You're still the kid I wanted to marry back then.."

Life is unpredictable.

I met GOT7 in a very unbelievable way.

I had to go to Korea because of a very unexpected accident.

Dahil sa mga pangyayari na yun, nakita ko ulit ang kababata ko, my neighbor, my childhood sweetheart, Raffy's former playmate. Tuan.

"Tuan Uhugin?" So that's why I call him Tuan. He's my Tuan.

"The one and only, Belle Bantot."

He introduced himself as Tuan twelve years ago. Because I didn't like the name 'Caitlin', I told him my name was Belle. Nagkasama kami ng isang taon na hindi ko manlang nalaman ang real name niya. At nung bigla siyang nang-iwan, nawalan na ako ng kalaro.

Nawalan ako ng asawa nung nagbabahay-bahayan kami, nawalan ako ng patient kapag nagdodoktor-doktoran kami, nawalan ako ng prinsipe nung nagpapanggap akong prinsesa.

"Bakit hindi mo sinabi saakin kaagad?" tanong ko sa kanya habang tinititigan yung peklat niya sa palad, nasugatan siya nung muntik na akong mabagsakan ng salamin.

"Kasi akala ko hindi mo ako maaalala, ang sakit kaya nun. So I thought that I could start a new friendship with you, ako as Mark at ikaw as Caitlin."

"Ang taas mo na, Tuan. Dati lang pinupunasan ko pa yung sipon mo kapag bumubuo ka ng bahay-bahayan natin. Tapos ngayon, benta ka na worldwide!"

I can feel that my other self is starting to unveil again. Yung ako na masayahin, makulit, at palabiro. The side that I don't want others to see except Mark and Aya.

"Eh ano pa ba? Sayang naman ang kagwapuhan at dancing skills ko kung palagi lang akong magpapapunas ng sipon sayo."

"Taray! Parang dati lang, ang asim asim mo, ngayon amoy gwapo ka na!"

"Oo na, ako na ang nagbago ng sobra. As for you, nothing changed except your height, your figure, and I noticed that your chest didn't even increase a -- Ouch!"

Peste! Pati ba naman yung ano ko papansinin pa niya? Ang laki kaya ng inimprove nito! Nahampas ko tuloy siya sa sikmura.

"Wag ka ngang ano jan! Sige na, lalabas na muna ako. Magpahinga ka ha. Kailangan mong gumaling para sa fans niyo."

"Sige, itutulog ko nalang muna 'to."

Hindi ako gumalaw dahil, maharot man pakinggan pero, kanina pa nakapatong ang ulo niya sa dibdib ko at ang kamay niya sa bewang ko.

Habang ako naman, nakasandal sa pader at hinahaplos ang buhok niya na kinaiinggitan ko simula nung mga bata pa kami dahil ang bouncy.

"Pwede na ba akong tumayo?" sabi ko pero hindi siya umimik at nakapikit lang siya.

Unti-unti kong inalis ang kamay niya, his embrace suddenly tightened.

"Belle, kiss ko?" three words na nagpaalala sakin kung gaano kami kaharot nung bata kami.

I kissed the top of his head, then he released me. It amuses me how my feelings stayed the same. Walang ilang, walang awkwardness kahit na tinawag ko siyang bulldog, poodle at pitbull noong mga nakaraang araw.

Just like when we were kids, I closed the door of his room after I give him an innocent kiss.

"Ayos na ba siya?" nagulat ako dahil nakaabang si Junior sa pinto, akala ko ba nasa sofa sila?

"Ayun, matutulog na daw muna. Kanina ka pa jan?" tanong ko. Bakit ba kumakabog nanaman ang dibdib ko? Magpapa-check up na nga ako!

Bigla siyang namula, "H-hindi, napadaan lang. Pinatawag ka nila kasi magmemeryenda na daw." and with that, he left. Did he blush? It's cute. What am I saying? What?

Pagpunta ko sa living room, kumakain sila ng pizza. Nag-lalaway ako!

Umupo na ako sa tabi nila at kumuha ng isang slice ng pizza. "Nakabili na kami ng gamot, pwede mo bang asikasuhin si Mark mamaya, Caitlin? May meeting kasi kami." Jaebum said.

"Oo, ako na bahala." I said while chewing on my pizza.

"Maiiwan ako." Napatingin kaming lahat kay Junior.

"Just in case may kailanganin sila, I'll be able to help them." dagdag niya.

Natigilan silang lahat pero tumango nalang, "Good idea, Junior." bati ni Youngjae.


5:30 p.m. sila umalis at naiwan kami ni Junior sa living room dahil tulog pa si Tuan. Nanonood lang kami ng Pororo. Ang awkward. Sobrang awkward! Pag nag-pole dancing kaya ako sa harap niya, mawawala ang awkwardness?

"Matagal na pala kayong magkakilala ni Mark?" napapitlag ako dahil bigla siyang nagsalita.

Nakinig ba siya sa pinag-usapan namin kanina?

"Ah, oo!" hindi ko na itatanong kung nakinig siya, isipin pa niya assumera ako.

"Sa lahat ng members, kay Mark ako pinaka-close. Well he used to tell me about this kid whose name is Belle then, I am sorry but I slightly did some eavesdropping earlier." he said while not looking at me.

Pinagmasdan ko siya, ang gwapo niya pag naka-sideview. Pero, kahit naman naka-frontview, backview, o upside-down view, gwapo siya eh.

Pa-gwapo nang pa-gwapo ang GOT7 sa mga mata ko. Hindi na sila mukhang unggo. Mukhang homo erectus na.

"Are you done gawking?" tanong niya, bakit ang cold niya bigla?! Hindi naman siya ganito ah?! Gusto niya bang malditahan ko sya?

"FYI, I am not gawking. Naamaze lang ako dahil may katabi akong homo sapien!" pagsusungit ko. Akala niya!

Natawa siya, at ang sarap pakinggan ng tawa niya.

"Tinatawa-tawa mo?!" singhal ko sa kanya. Kung kanina, hindi ko alam kung bakit kumakabog ang dibdib ko, ngayon alam ko na at dahil yun sa inis!

"Wala!" sabi niya habang tatawa-tawang pumasok sa kwarto ni Mark.

7:37 p.m na at wala parin yung lima. Inaantok na ako! Humiga muna ako sa sofa, kailangan ko ng rest. Rest lang. Walang beauty.

"Caitlin, gising." sabi nung yumuyugyog saakin.

"Ano ba..." I grunted habang sinisiksik ang sarili ko sa sofa.

"SPG!"

"Hala shet!"

"Caitlin wag mong gahasain si Junior!"

Napadilat ako at nagulat nung makita yung lima, at wala na ako sa sofa. Hindi na sofa ang sinisiksik ko, si Junior na.

Napabangon ako at napatingin sa oras, 10:00 p.m na! Yung teacher ko! Napalingon ako kay Junior, tulog na tulog. Pangalawang beses na naming nagkasama sa iisang kama!

"H-hoy! Wag nga kayong mag isip ng malaswa!"

Tumakbo ako palabas ng dorm at iniwan sila. Paano ba ako napunta sa kama at sa tabi ni Junior?!

Pagpasok ko sa dorm namin, umiiyak si Aya sa harap ng laptop niya.

"Aya!"

"Aya bakit ka umiiyak? What happened?"

"C-caitlin...." she mumured while crying helplessly.

"Tell me, what?!"

"Tito Charle and Tita Katt.... they.. they were on their way here to Korea.. to... to surprise us..." she tried her best to talk clearly.

"Their plane crashed on the ocean."

Mom and Dad.

I kneeled to the ground as I felt my knees weaken, my heart shatter and my tears fall.

You Got Me [GOT7 Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon